Kabanata 14

2042 Words
Gigi “Kuya Math, it’s not what you think.” “I’m not talking to you, Dustin. And why are you here anyway?” Ilang segundo rin natahimik si Dustin, mukhang natakot kaya’t ‘di alam ang isasagot sa kuya Math nila na kung pagmamasdan ay tila kakain na ng tao habang ang mata ay sa akin nakatutok. “I live upstairs.” Lumabas kaming dalawa ni Dustin pagkasagot niya ng tanong ni kamahalan.. “Sige Gisselle, mauuna na ako,” paalam niya sa akin. “Kuya Math, ‘wag mo na pagalitan si Gisselle.” Hindi na sumagot si sir Mathew na halatang galit pa rin. “Salamat Dustin, sige na, mauuna na ako.” Tinalikuran ko na sila at may pagmamadaling pumasok sa unit namin. Dumiretso agad ako sa kusina para maghanap ng mailuto. Ngunit bago ko pa buksan ang refrigerator ay may napansin na akong kaldero sa may kalan. Amoy pa lang nito ay halatang bagong luto. Gusto kong makasigurado kaya binuksan ko ang takip nito at napatunayan ang hinala ko. Isang bagong luto na putahe. Ayon sa mga napansin kong sahog ay mukhang Puchero ito. Natakam tuloy ako at nagutom. Hindi ko akalain na marunong pala siyang magluto ng ibang putahe maliban sa adobo. Pero bakit sinabi niya kanina na gutom na gutom na siya kung may pagkain naman? Ang labo rin talaga ni sir Mathew kung minsan. At dahil may pagkain naman kaya’t pumasok na lang ako sa kwarto ko bago pa ako nito maabutan. Sinara ko agad ang pinto at dumiretso agad sa higaan ko. Kalahati ng aking katawan ang naisalampak ko sa kama nang padapa. Masyado nang napagod ang utak ko sa sobrang pag-iisip nung nakaraang araw pa kaya hindi ko na muna pagtutuonan ng pansin sinabi ni kamahalan kanina. Dahil siguro sa matinding pagod kaya’t ‘di ko na namalayan na nakatulog na akong kumakalam ang sikmura at nagising sa tunog ng aking tiyan. Madilim ang aking silid nang maidilat ko ang aking mga mata. Pansin ko rin na nakaandar na ang aircon na sa pagkakaalala ko ay hindi ko naman ito binuksan. Napatingin ako sa kumot na nakabalot sa aking katawan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti. Wala namang ibang gagawa nito kundi siya lang, si sir Mathew lang at wala ng iba. Kaya sumaya na naman ang puso ko at nakangiting bumangon. Dumiretso ako ng banyo para maglinis ng aking katawan at magpalit ng pantulog, Gaya ng dati pajama at maluwang na t-shirt lang. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang oras sa cellphone ko dahil talagang nagugutom na ako. Nakapatay na ang ilaw sa sala ngunit may puting ilaw naman na nakatapat sa mesa sa may kusina. Binuksan ko ang rice cooker at gaya ng inaasahan ko may kanin akong nakita. Kumuha agad ako ng plato at naglagay ng tatlong sandok na kanin saka kumuha ng ulam na doon ko na rin pinatong. Sa bawat subo ko’y napapapikit ako sa sobrang sarap ng ulam. Gusto ko tuloy itanong sa kaniya kung saan ba siya natuto? Pero sabagay, artista nga pala siya, bago sumabak sa isang role ay pinaghahandaan pala nila ang lahat. Natapos akong walang sir Mathrew na lumitaw at nambwesit sa akin na siyang pinagpasalamat ko. Kaya’t nakangiti akong pumasok sa aking silid nang matigilan sa baritonong boses sa aking likuran. “Are you full now?” Para akong nanigas sa kinatatayuan ko na walang lakas na humarap. Kasasara ko lang ng aking pinto ngunit ‘di ko pa nararating ang higaan ko. Inisip kong baka nagkakamali lang ako ng dinig kaya’t binalewala ko lang ito at dumiretso na lang ng higaan nang matigilan sa presensya ng taong humapit sa akin. “You still have the guts to ignore me, don’t you?” bulong niya sa tenga ko na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. “Sir, bakit ho kayo nandito?” matigas at mariin kong tanong. Kailangan kong tatagan ang aking sarili. Wala naman akong ginagawang masama kaya hindi dapat ako matakot. “Naniningil lang ako…” pagkatapos niyang sabihin iyon ay walang kahirap-hirap niya akong hinapit paharap at walang babalang inihagis sa kama ko. Lumapit agad siya sa akin kaya’t paatras ako nang paatras hanggang sa maramdaman ko ang sandalan ng aking kama kung saan isang metro na lang ang layo niya sa akin. May napansin at naamoy ako sa kaniya. “Sir, lasing ka lang kaya hindi mo alam ang ginagawa–” “You wanna try? Huh, Gisselle?” at walang babala niyang hinila ang aking mga paa upang kubabawan ako. “Sir, ano ba? Mali itong ginagawa mo,” sabi ko habang nagpupumiglas at pilit siyang tinutulak. Subalit bago ko pa siya mapaalis sa ibabaw ko ay hinuli niya agad ang aking dalawang kamay at inilagay sa may uluhan ko. “Nakalimutan mo ba ang punishment mo, Gisselle?” bulong niya pa nang mas pinagdikit pa ang aming mukha kung saan gahibla na lang ang layo ng aming mga labi. Nakaramdam agad ako ng kaba dahil alam kong nasa impluwensiya siya ng alak. “S-Sir, t-tatanggapin ko agad ang p-parusa mo kung anuman ang nagawa ko, pero hindi ngayon at hindi sa ganitong paraan,” nakikiusap kong ani. Sana ay matauhan siya dahil mali na ‘tong ginagawa niya sa akin. Subalit tila wala siyang nadinig at walang babala niya akong hinalikan. Marahas ang paraan ng bawat hagod ng labi niya sa akin. Nagpupumiglas ako pero ano’ng laban ng aking lakas sa kaniya? “Ano ba Mathew, bitawan mo ako,” sigaw ko pa nang pakawalan niya ang labi ko at napunta naman sa aking leeg. Panay ang sipsip niya rito at pakiramdam ko’y mauubusan na ako ng dugo sa kung paanong paraan niya itong gawin. Tila wala siyang narinig at patuloy sa kaniyang ginagawa. Lalo akong kinabahan nang binitiwan niya ang aking mga kamay kasunod ng pagpunit niya ng suot kong t-shirt at marahas niyang pagbaba ng suot kong pajama. Dito na ako tuluyang nanlumo at napaiyak sa kawalan ng magawa. Hindi ko akalain na gagawin niya sa akin ito. “S-Sir, h-huminahon kayo, pakiusap,” hikbi kong sabi. Subalit nagpatuloy pa rin siya nang walang babala niyang maibaba ang suot kong bra. Dumako agad ang labi niya sa kanan kong dibdib habang ang kaliwa ay pinisil niya ng walang pag-iingat.. “Fvck, Gisselle you’re a goddamn beautiful. And this is all mine. Ako lang, I don’t share.” Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa ginagawa niya sa aking katawan o matatakot, lalo pa at manipis na tela na lang ang natitira kong saplot pang ibaba. Kahit may suot pa siyang damit ay hindi ito hadlang para hindi ko maramdaman ang pagkiskis niya ng matigas sa aking harapan. Patuloy lang ako sa pag-iyak at alam kong nadidinig niya ito pero wala siyang pakialam. “Parang-awa mo na, S-Sir Mathew, hindi ikaw ‘to, pakiusap tama na,” huling hagulgol ko na sana nang matigilan siya. Isinandal niya ang mukha malapit sa aking dibdib kaya ramdam ko ang malakas na t***k nito at hininga niyang tila naghahabol. “S-Sorry–” “Labas!” Bumangon siya at tila napapaso niya akong hahawakan ngunit pinigilan ko ito. Hinila ko ang kumot upang takpan ang aking katawan habang patuloy pa rin sa paghikbi. “Ang sabi ko lumabas na kayo Sir Mathew. Bago ko pa maisipan na tumawag ng pulis at pagpyestahan ang pangalan mo.” Tumayo naman agad siya at akmang bubuksan na sana ang pinto nang magsalita siyang muli. “If that’s my punishment, then do it. Nararapat lang ‘yon sa akin.” Tuluyan akong napahagulgol paglabas niya ng pinto. Niyakap ko ang aking sarili upang sabihin na “ayos lang ang lahat Gigi, lasing lang siya.” Sino bang niloko ko? Hindi sapat na dahilan ang ginawa niya dahil lasing lang siya para gawan ako ng masama. Sa buong magdamag ay umiyak lang ako nang umiyak. Wala akong magulang o pamilya na maaring sandalan at hingan ng tulong. Kung magsusumbong naman ako sa pulis ay baka kaladkarin ko lang ang aking pangalan at wala rin maniniwala sa akin. Alas dose na nang tanghali nang magising ako. Late na ako sa klase pero wala akong pakialam. Magdamag akong nag-isip ng maari kong gawin pero iisa lang naman ang solusyon meron ako. At ito ay ang kailangan ko nang tumigil sa pag-aaral at baka bumalik na lamang ako sa Bayabas. Kaya ko naman buhayin ang sarili ko sa paraang alam ko. Bumangon ako’t nagpunta ng banyo. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin upang kaawan muli. At doon napansin ko ang pulang marka sa aking leeg. Oo mahal ko siya, pero hindi ko kayang ibigay ang sarili ko sa ganoong paraan. Naligo ako at kinuskos ang markang iniwan sa akin ni sir Mathew. Paglabas ko’y agad akong nagbihis kung saan natatakpan ang pulang marka sa aking leeg at kinuha lahat ng gamit ko. Buo na ang desisyon kong umalis. Kaya’t sa huling pagkakataon ay kailangan ko rin magpaalam sa kaniya. Kinuha ko ang cellphone ko na kahapon ko pa ‘di nahawakan. Tumambad sa akin ng iba’t ibang mensahe mula sa mga kaibigan ko. Tinatanong nila kung bakit ‘di raw ako pumasok. Nag-seen lang ako at ‘di na inabala ang sarili na mag-reply sa kanila sapagkat natuon ang pansin ko sa magkakasunod na mensaheng natanggap ko mula kay sir Mathew. Magmuila kahapon na nagsimula sa malambing niyang tanong kung anong oras daw ako uuwi hanggang sa unti-unti itong nagalit. Subalit ang pinakanagpatigil sa akin ay ang huling mensahe niya. “Gigi, I know I was a fool to do that to you. And I also know that 'sorry' isn't enough for you to forgive me. Please, don't leave. Don't ruin your future just because of me. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral. Don't worry, you'll still receive your salary even if you no longer work for me. I'll leave here too, so you won't be afraid anymore. Again, I'm sorry." Nawala ang agam-agam ko sa mensaheng iyon ni sir Mathew sa akin. Subalit hindi ko maiwasan ang malungkot sa hindi malaman na dahilan. Itanggi ko man at ipagtabuyan siya’y hindi ko pa rin siya kayang kamunghian. Tama naman siya, hindi ko dapat sirain ang magandang oportunidad na binigay nila sa akin dahil lang sa nangyari. Kaya minabuti kong magtipa ng mensahi sa mga kaibigan ko para sabihin na masama ang pakiramdam ko kaya’t ‘di ako nakapasok. Agad naman sila nag-alala kaya’t kinagabihan ay dumating silang lima na may kanya-kanyang bitbit. Wala ni isang nagtanong sa kanila tungkol kay sir Mathew. Hindi ako sigurado pero parang may ideya na ako kung bakit? “Salamat sa pagpunta. Huwag kayong mag-alala, papasok na ako bukas,” sabi ko sa mga kaibigan ko na ngayon ay nagpaalam nang uuwi. “Na, don’t mention it.” Si Dustin. “Beshy, I will tell to my Dad na dito na rin titira para neighbors tayo, ‘di ba Dustin?” Si Gabie. “No way! Hindi ako papatalo babe,” singit naman ni Arlo na siyang kinangiwi ng kaibigan ko. Nagbangayan na naman ang dalawa kaya napapailing na lang ako. Alas diyes na nang gabi nang tuluyan akong mapag-isa. Nasapo ko ang aking uluhan habang nakaupo sa malambot na sofa. Parang hindi na ako sanay na wala ang presensya niya malapit sa akin. Na-miss ko agad siya at nagpipigil lang na magpadala ng mensahe sa kaniya. Sa aking pag-iisip ay biglang tumunog ang door bell. Napakunot ang noo ko ngunit binuksan ko rin agad ang pintuan sa pag-aakala na baka ang mga kaibigan ko ito o kaya ni Dustin na nasa itaas lang. Subalit… “Delivery po para kay Miss Giselle Giling.” “Po? Para sa akin?” taka kong tanong habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kumpol ng pulang rosas na siyang hawak ng lalaki. “Opo, kung kayo si Miss Gisselle. Pakipirmahan na lang po rito,” turo niya sa papel na hawak. “Salamat.” Inabot niya sa akin ang rosas na nagpanginig na naman sa sistema ko lalo pa nang mabasa ko ang note na nakasulat. “To the woman who stole my heart: Thank you for staying. Missing you, Mathew." A/N: Sumama ang pakiramdam ko kahapon kaya ngayon lang nakapag-update.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD