Gigi SPG Chapter “A-Ano ba!?” napapatili kong sigaw nang bigla akong buhatin ni Mathew papunta sa higaan. Napapakagat labi akong pinagmamasdan ang singsing na suot ko. Bukod sa makinang nitong bato sa ginta ay mayroon din itong maliliit sa gilid. Sobrang ganda, alam kong mahal ‘to. Pero para sa akin kahit tanso pa ‘yan basta galing sa kaniya’y ayos lang. “I’m jealous!” bigla ay sabi nito sabay abot nito ng aking kamay upang halikan at idinikit sa kaniyang pisngi. “Sira ka talaga! Tama ba’ng pagselosan ang singsing? E, ikaw naman may bigay nito,” natatawa kong sagot sa kaniya. Nakahiga kaming pareho, ngunit siya’y nakaharap sa aking mukha. “When it comes to you, I am always jealous. Gusto ko ako lang, gusto ko sa akin lang ang buong atensyon mo,” nakasimangot niyang ani. Napapailing

