Gigi Ang isang oras na biyahe ko’y tila umabot ng araw, ganoon ang pakiramdam ko’t pagkainip makarating lamang sa kinaroroonan ni sir Mathew. Nangangatog ang aking mga binti, nanginginig ang aking mga kamay. Ang mga labi ko’y tila namamanhid na sa maya’t mayang pagkagat. Sumasabay pa ang ingay ng mga sasakyan at dikit-dikit gawa ng traffic. Mula sa kinauupuhan kong taxi ay tanaw ko na ang tower ng condominium ni sir Mathew. Dahil sa bagot at pagkainip ay walang reklamo akong nagbayad at ‘di na inabala pang kunin ang aking sukli. “Miss, sobra itong bayad mo,” rinig kong sigaw ni manong taxi driver. Ngunit tila wala akong narinig at takbo lakad ang aking ginawa makarating lamang sa kaniya. Tuluyan nang lumubog si haring araw at naghari na naman ang dilim sa kapaligiran. Usok, ugong at

