CHAPTER 16

2127 Words
Tulala akong nakaupo sa may garden sa likod ng mansiyon.Tahimik doon kaya dito ako tumambay para makakapag-isip- isip ako.Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni senyora.Para itong sirang plaka na paulit ulit sa isip ko. Aaminin kong natatakot ako pero hindi para sa sarili ko,kundi natatakot ako para kay mama baka anong gawin ni senyora sa kaniya.Hindi ko kakayanin! Paano kaya niya nalaman ang relasyon namin? Masyado na ba kaming obvious? Hindi ko alam kung anong gagawin ko.Ayaw kong masaktan si Wesley ngunit ayaw ko ding masaktan si mama.Hindi na bale kung ako yung masaktan huwag lang ito.Dahil talagang hindi ko kakayanin. Nalilito na ako.Hindi ko na alam king anong gagawin ko.Para akong nasa isang bangin kung saan nahuhulog doon si mama at si Wesley kailangang sagipin ko sila pero hindi pwedeng dalawa sila.Kailangan mamili pero ayoko.Gusto ko dalawa sila!.Ang hirap hirap pero alam ko may paraan pa !Hindi ko sila bibitawan! "Boo!" Muntik na akong mapatili dahil sa gulat.Bigla kasing sumulpot itong si Ate Patris.Parang kabute lang! Jusko! Gusto kong mapag-isa para makapag-isip ng maayos pero mukhang hindi matutuloy ang plano ko! "Tulaley ka,may problema?"casual na tanong nito sabay upo sa tabi niya. "Wala"nakaiwas ng tingin na sabi ko. "Sigurado ka?" "Oo.Wala" Ang kulit! "Sabihin mo na!" "Wala nga sabi!" " 'ku,tigilan mo ako.Matagal na tayong magkasama dito kilala na kita!"madiing sabi nito. "Tsaka.Alam ko namang kinausap ka ni senyora nung isang araw.Nakita ko kayong magkasama papasok sa opisna niya...at nasilip ko din kayo."kagat labi nitong paliwanag.Naguiguilty. Napaawang ang labi ko sa kaba.Narinig niya ang pinag-usapan namin. "Pero huwag kang mag-alala wala akong narinig"maagap na sabi nito. Sukat sa narinig ay nakahinga naman ako ng maluwag.Napabuntong hininga ako. "Si señorito ba?"tanong nito.Kunot noo ko siyang binalingan ng tingin.Hindi ko nakuha ang sinabi niya. "Ang pinag-usapan niyo,si señorito ba?"paglilinaw nito.Hindi ako nagsalita o kumilos man lang.Nanatili lang akong nakatingin sa malayo.Malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa aking katabi. "Alam ko naman e.Alam kong may pagtatangi ka kay señorito nakikita ko iyon sa mga mata mo..."hindi ako nakapagreact sa sinabi niya "Pero payong kapatid at kaibigan na lang, Cara.Hanggat kaya mo pang pigilan...pigilan mo na at umiwas iwas ka na din.Baka kong ano pang gawin ni seyora sayo at sa mama mo"may halong pag-aalala nito sa boses. "Alam mo naman iyon.Kilala mo siya,hamak na katulong lang ang tingin nun sa atin.Hinding hindi ka nun tatanggapin masyadong mataas ang tingin nun sa sarili niya.Ang layo niyo sa isa't isa,langit at lupa ang pagitan niyo.Isang suntok sa buwan iyon"mahaba nitong dagdag. Isang samapal ng katotohanan sa akin ang mga sinabi ni Ate Patris!Parang pinapamukha niya sa akin na impossible ang aking nais!Piste!Bakit kasi may basehan sa kanila ang pagamamahal? Oo na!Alam ko!...Alam ko ang agawat namin!Alam kong suntok sa buwan!Pero umasa ako...umasa akong baka pwede kong maabot ang buwan! Walang imik akong tumayo at umalis.Tinawag pa niya ako pero hindi ko ito pinansin.Derideritso ako papuntang sapa.Naupo ako doon sa tabi ng mga bato kung saan nakaukit ang aming pangalan.Napangiti ako. Hinaplos ko ang batong may ukit na pangalan niya.Nangungulila na ako sa kaniya.Siguro kung nandito ito hinding hindi siya aapihin ng mommy nito.Kasi panigiradong ipagtatanggol siya nito,kaso wala e.Wala siya! Minsan nakakatampo kasi ako lang mag-isa ang humaharap sa problema ng aming relasyon...ako lang ang pinag-iisipan ng masama.Ang unfair! Porque ako ang mahirap ako na mali! Pero choice ko din namang hindi sabihin sa kaniya kasi ayokong magkasiraan sila ng mommy niya ng dahil lang sa akin. Mali pala ang akala kong pwedeng mangyari...Umasa akong baka pwede kaming magkaroon ng happy ending.Mukhang malabong mangyari iyon.Sa mga fairytales lang naman kasi mangyayari ang ganung istorya.Na ang prinsipe at ang alipin ay magkakatuluyan. Gaga kasi!Alam nang bawala sumige parin siya ng sumige!Ang laking tanga! Ibinuhos ko lahat ng mabibigat na nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iyak.Walang humpay ang pagtulo ng kaniyang luha.Hinihiling niya na sana naroon ang binata para patahanin siya. Hindi na ako bumalik pa sa mansiyon.Ni hindi rin ako nagpakita kay mama.Ayokong makita niya akong ganito dahil panigurado mag-aalala siya.Hindi ko na din sinabi kay mama ang naging pag-uusap namin baka kasi kompruntahin niya si senyora edi lagot. Halos dalawang oras din akong nanatili sa sapa.Ng pakiramdam kong okay na ako ay saka palang ako bumalik sa mansiyon.Buti nalang at naibsan kahit papaano ang kung anong mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Minabuti ko nalang na abalahin ko ang aking sarili sa pagtratrabaho para mawaksi sa aking isipan ang mga masasamang isipin. Sa mga sumunod na araw ay tuluyan ko na ngang nakalimutan ang naging pag-uusap namin ni senyora dahil naging abala ako sa aking pag-aaral lalo pa't malamapit na akong magtapos ng highschool.Salamat at graduation na! Dalawang linggo pa bago ang aming pagtatapos.Matagal tagal pa iyon kung bibilangin ang araw pero mabilis lang ito kung lumipas kaya panay na ang bigay ng mga proyekto ng aming mga guro. Pagkatapos niyang mag-aral ay tumutulong siya sa kaniyang ina sa mga gawain sa mansiyon.Pinakaiiwas iwasan niyang magtagpo ang landas nila ni senyora.Nakakatakot! Pero kung kailan umiiwas na siya rito saka naman ito panay ng utos sa akin ng kung ano ano.Minsan naiisip ko na baka sinasadya lang nito na utusan ako para mapahirapan.Tulad nalang kanina humingi ito ng juice,pero ng binigyan na niya ito ay bigla nitong sinabi na tubig nalang pala.Hindi lang iyon ang unang beses na pinagbalik balik siya mula sa kusina papunta sa teresa ng mansiyon.Naiinis na ako pero hindi nalang din ako nagrereklamo kasi parte naman ito ng trabaho ko...parte ito ng pagiging katulong. Kagagaling ko lang sa teresa ng mansiyon buti naman kasi tinggap na ni senyora ang pang-anim na basong tubig at juice.Nakakapagod! Halos buong linggo ganun ang routine ko.Palaging si senyora ang nag-uutos sa akin.Para na nga akong personal assistant niya. Kapag sumapit na ang gabi ay saka palang ako nakapagpahinga.Kumain lang kami ni mama at ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na alam.Nakatulog na kasi ako dahil sa pagod.Kinabukasan ay ang nakakasilaw na liwanag ng araw mula sa bintana.At dahil may pasok ako,naghanda ako para sa aking klase.Laking pasasalamat ko at may pasok ngayon,hindi ko masyadong makaka-encounter si senyora. Pagkatapos kong maghanda ay nagpaalam na ako kay mama na aalis na.Maaga ako ngayon dahil mayroong meeting na gaganapin ang mga SSG officer at isa ako sa kanila kaya dapat naroon ako. Isang oras ang iginugol ko sa meeting.Tungkol lang iyon sa nalalapit na pagbobotohan para sa susunod na mga officer.Sumunod naman ay pumasok ako sa aking pangalawang klase.Mabilis lang din natapos iyon. Hindi ko nalang namalayan na tapos na pala lahat ng klase ko.Umuwi na ako dahil baka may trabahuhun pa sa mansiyon.Nadatnan ko si Ate Patris na hindi maipinta ang mukha. "Ate?Anong nangyari?"tanong habang naglalapag ng mga gamit sa maliit na mesa. "A-Ano...A-kasi nag-away kami ni senyora"mangiyak-ngiyak na saad niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.Bigla akong binundol ng kaba.Bakit? "Ano?Bakit?!"gulat kong sabi. "Ano ba pinag-awayan niyo?Tanggal ka na ba sa trabaho?"Magkasunod kong tanong. Nag-aalala ako para sa kaniya.Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho lalo pa't nasa hospital ang ina nito at siya lang ang inaasahan nito. "Nag-away kami kasi...kasi ano...Hindi ko sinasadyang matapunan ng juice yung impaktang Althea na yun"Napabuntong hininga nalang ako. Althea? "At, Oo nga pala baka ito na ang huling pagkikita natin"dagdag pa niya.Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Saan naman siya pupunta? "Ate saan ka naman pupunta?Baka pwede pa nating pakiusapan si senyora.Humingi ka ng tawad.Sige na huwag ka nalang umalis"Umiling lang siya sa sinabi ko. "Hinding hindi niya ako mapapatawad minura at nasampal ko siya"napuno ng pagsisi ang mga mata niya"luluwas nalang akong Manila doon ako maghahanap ng trabaho"malungkot nitong aniya. Hindi pa nga ako nakakapagsalita sa mga sinabi niya nagpaalam na siya."Siya sige na...Aalis na ako baka malaman pa ni senyora na narito ako.Maraming salamat sa mga alaala.Babaunin ko iyon.Mamimiss kita"naiiyak ito maging ako din naman.Napayakap nalang ako sa kaniya. "Mag-iingat ka doon Ate"mahigpit na yakap lang ang naging tugon niya. Matapos ang nakakaiyak na yakapan at pagpapaalam ay pinanood kong lumakad palabas ng pinto si Ate Patris.Bawat hakbang niya ay pakiramdam ko mabigat.Labag sa kalooban niya.Ng tuluyan na siyang nakalapit sa pinto ay lumingon siya sa akin sa huling pagkakataon at may ngiting kumaway siya sa akin, at sa aking pagkurap ay tuluyan na siyang lumabas ng pinto. Hindi ito ang unang beses na may umalis na kasambahay dahil sa nakakaalitan nila si senyora,yung iba naman ayaw sa ugali ni senyora.Matitibay at may makakayahang magtiis lang ang nakakatagal dito. Nakakalungkot na nabawasan na naman kami ng isang kasamahan...Wala na ang isa sa mga taong nagiging sandalan ko tuwing malungkot ako...wala na ang taong sobrang kulit na kahit anong inis ko sa kaniya hindi ko siya magagawang paalisin. Pinahid ko ang luhang tumulo.Hindi ko mapigilang maiiyak.Sana mapunta ka sa magandang kalagayan Ate Patris...Hanggang sa muli nating pagkikita! Nagbihis na ako ng maayos na pambahay saka tumungo sa mansiyon upang tumulong sa paghahanda ng hapunan.Papasok palang sana ako sa pinto ng madinig ko ang galit na boses ni senyora. "Bwesit na hampas lupang iyon!Siguraduhin niyo na hinding hindi na siya muling makakatapak dito!Naiintindihan niyo ba!"galit na galit na pahayag niya. "O-opo senyora"ani ni Manong Edgar? Kausap siguro ni senyora ang mga guard ng mansiyon.Marami pa silang pinag-uusapan pero hindi ko na pinakinggan iyon.Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad,sa backdoor nalang ako dadaan. Nadatnan ko sina mama at iba pang katulong.Tahimik silang kumikilos sa bawat gawain nila.Halatang may nangyari.Tahimik lang din akong tumulong sa kanila.Kaunti nalang naman ang ihahanda kaya hindi na nagtagal ang pagtulong ko. Nang matapos sa paghahanda ay nakalinya kaming tumayo sa gilid habang hinihintay na dumating ang aming mga amo. "Nakita mo ba si Patris?"bulong ng katabi ko,si Sandy. "Oo.Nagpaalam"maikling sagot ko sa mahinang boses. "Kawawa naman 'yun,kailangan umalis sa malayo"malungkot na bulong niya. "Sana lang mapunta siya sa mabuti"puno ng pag-asa ang boses ko. "Sana nga" Natigil ang pagbubulungan namin ng marinig namin ang tunog ng sapatos ni senyora.Napatindig kami ng maayos.Namayani ang matahimikan sa dining room,tanging tunog ng paghinga lang ang naririnig dahil ni kutsara at tinidor ay hindi nagsasalpokan. Matapos ang napakatahimik na hapunan ay nagsipahinga na ang mga tao sa mansiyon,kami naman umuwi na kami ni mama. " 'nak,malapit na pala graduation mo"nae-excite na nasabi ni mama.Kasalaukuyan kaming nakaupo sa sofa dito sa bahay namin.Kakatapos lang naming maghapunan. Oo nga malapit na ang pagtatapos namin.Isang linggo nalang mula ngayon graduation na.Sana lang makauwi si Wesley,makasama ko lang silang dalawa ni mama sa importanteng selebrasyon ng buhay ko ay masaya na ako.Makikita lang ng dalawang importanteng tao sa buhay ko na nakasuot ng tuga habang umaakyat sa entablado.Napakasaya ko na nun.Nasasabik tuloy ako sa aking naisip.Can't Wait! "Oo nga ma...excited na ako"nakangiting sabi ko.Naiisip ko palang nakakakilig na. Agad ding napalis ang ngiti ko.Nawala ang sayang nararamdaman ko ng marinig ko ang malalim na buntong hininga ni mama.Bakit kaya? " 'nak,nahihiya ako sayo"mahinang aniya. "Ho?bakit naman po?"gulat kong tanong. "Eh.Hindi kasi kita mabibilihan ng bagong bestida o damit man lang para sa graduation mo.Malaki-laki rin kasi ang binayaran ko sa skwelahan mo.Pasensiya na"malumanay na sabi niya bahagya pang nakayuko. "Ma!"tawag ko sa kaniya.Hinawakan ko ang kaniyang kamay."hindi niyo po kailangan mahiya sa akin at humingi ng tawad ng dahil lang hindi niyo ako mabilhan ng bestida o damit.Okay lang po iyon kung wala akong bagong damit ang importante po ay magtatapos ako.Diba po?"seryoso kong sabi.Tumango siya at maluha-luhang yumakap sa akin. "Salamat 'nak.Ang swerte swerte ko sayo"naiiyak na aniya. "Salamat din po ma.Ang swerte ko din po sa inyo"medyo naiiyak na din ako.Nahahawa kay mama. Ng bumitaw kami sa yakap ay pareho kaming natawa dahil sa kadramahan namin.Bahagya pa kaming nagpunas ng aming luha sa gilid ng aming mata. "Ano ba 'yan ang drama natin.Itulog na nga lang natin ito."natatawang sabi nito. "Sige po.Goodnight po.I love you"ma lambing na sambit ko at muli ay yumakap sa kaniya. "Goodnight din.Mahal din kita"mahigpit niyang sinagot ang yakap ko. Ng gabing iyon ay naging mahimbing ang tulog ko.May ngiti ang aking mga labi bago ko ipikit ang aking namumungay na mata. Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na katok sa pinto.Pupungas-pungas akong bumangon saka tinungo ang pinto. "Good morning Caramel.Delivery para sayo"bati ni manong Edgar sabay lahad ng di kalakihang paper bag. "Good morning din po.Kanino po ito galing?,wala naman po kasi akong inorder"nagtatakang tanong ko. "May nagpapabigay daw sayo niyan sabi nung delivery driver" "Ahh,sige po salamat"nakangiti kong tinanggap ang paper bag.Tango at tipid na ngiti lang ang isinagot nito. Mabilis pa sa alas kwatro ang naging hakbang ko papasok sa kwarto.Sinipat ko ang paper bag,mukha siyang mamahalin.At iisang tao lang ang naiisip kong pwedeng magbigay sa akin nito. Wesley! Niyakap ko ang paper bag.Hindi ko pa man sigurado ang laman ng bag ay kinikilig na ako.How sweet! Thank you love!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD