"Caramel" sabi ng kung sino habang tinatapik ako sa mukha, kaagad ko ding iniwas ang kamay niya sa akin.
"Hmmmmm...?"tanging sagot ko sa tumatawag sa akin.
"Hey,Caramel wake up"sabi uli ng pamilyar na boses.
"Caramel we're here"
Teka si señorito ba yun?.
Dahil sa aking naisip ay agad ko ding iminulat ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ang gwapong mukha ng señorito kaya hindi ko na napigilan ang sariling titigan siya. Ang itim niyang mata na hindi mababakasan ng emosyon,ang kilay niyang makapal na nagbibigay lalo ng kagandahan sa kaniyang mata,ang ilong niyang matangos,ang labi niyang mapupula daig pa ang babaeng nakalipstick.Sobrang lapit namin sa isa't isa, iyong tipong naamoy ko na ang mabangong hininga niya.Nakakapanindig balahibo at nakakakilit pero masarap sa pakiramdam na ganito ang bubungad sa tuwing magigising ako.
"Aahheemm..."
Nabalik ako sa reyalida dahil tumikhim siya, para akong binuhusan ng malamig na tubig kaya bahagya ko siyang naitulak palayo sa akin.Umayos ako ng pagkaka-upo habang kinusot kusot ang aking mata dahil dun nahulog ang jacket na ikinumot niya pala sa akin, hindi ko man lang napansin iyon. Umiwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa labas para kumpirmahing nakarating na kami.
"Ahh...s-señorito kanina pa ba tayo nandito?"tanong ko at dinungaw siya saglit.
Naconsiuous ako bigla.
Napansin niya ba ang pagtitigtig ko kanina?
Gaano ba katagal akong nakatitig?
"No.We just arrive at the right time"sagot niya at nakidungaw rin sa bintana
"Pasensiya na po ah nakatulog ako"paghingi ko ng tawad habang pilit na isinisiksik ang sarili sa upuan.
"Its okay.Let's go kanina pa sila naghihintay"sabi niya at umayos ng tayo.
Tumango ako at ibinigay ko sa kaniya ang jacket niyang nahulog kanina.
"Thank you "pagapapasalamat ko.Ngiti lang ang kaniyang isinukli.
Nauna siyang lumabas,umikot siya patungo sa pinto upang pagbuksan ako.
"Thank you"nahihiya kong sabi.
"Your always welcome"
Tumungo siya sa likod ng sasakyan upang kunin ang mga gamit niya kaya sumunod din ako sa kaniya upang kunin yung akin.
Binuksan niya ang likod ng sasakyan at kinuha ang mga gamit at akmang kukunin ko na iyong akin ng bigla niya akong pigilan.Hinawakan niya ang palapulsuhan ko,nag-angat ako ng tingin sa kaniya,nagtatanong.
"What are you doing?"tanong niya.
"Señorito hindi ba halata kinukuha ko yung gamit ko"sagot ko.
"Ako na ang magdadala ng mga gamit mo"saad niya sabay kuha ng bag ko.
"Ako na kaya ko naman señorito"sabi ko sabay kuha ng bag ko sa kaniya.
"No, I'll be the one carrying your luggage"aniya sabay kuha ng bag sa akin.
Aba ayaw patalo!
"Ako na sabi e. Akin naman 'yan kaya ako dapat magdadala"sabi ko sabay agaw ng bag ngunit hindi niya binitawan.
Nakakahiya kung siya ang magdadala!
Ano nalang ang sasabihin ng makakakita sa amin na kakilala niya!
"I said no.I'll carry it"matigas na sabi niya.
Arrrgghhhh!...ba't ba ang tigas ng ulo niya!
"Ako na"pagmamatigas ko din
Bahala na di ko ibibigay sa kaniya!
"No.if I said I'll carry it then I'll carry it"
Bakit ba ang kulit niya?
Nakakainis na!
"Ako din pagsinabi kong ako ang magdadala ako talaga ang magdadala"
"Tsk.don't be too hard.I'll carry it"
Nakakainis na talaga siya! Bakit hindi niya nalang ako hayaan,total katulong naman ako.
Ayaw patalo!
"Ako na sabi e!.Sino ba katulong dito?!.Ako diba? Kaya ako na magdadala!"medyo malakas na sabi ko.
Napatingin yung ibang tao na malapit sa amin...Nakakahiya!
Kasi naman nakakainis na! Ang tigas pa ng ulo!
"Fine.Fine. You'll carry it.Just don't shout please"mahinang sabi niya sabay bitaw sa bag ko.
Kinuha ko na ang bag ko saka naunang naglakad papasok Bahala siya.Nakakainis kasi!.
Nabigla ako ng humawak sa akin.
"Where are you going?"takang tanong niya.
"Papasok na sa loob"sagot ko
"No.We're not going there"
"Huh?"nagtatakang tanong ko.
Bakit hindi papasok?
"Were going to ride a private plane.Doon yung daan"seryoso niyang sabi saka hinawakan ang aking palapulsuhan at hinila ako papunta sa ibang daan.
Hindi ko masyadong nabigyan napansin ang daanan dahil ang aking atensiyon ay nasa paghila niya sa akin,mabilis ang bawat hakbang ng kaniyang mga binti,di ko masabayan.
Ano ba 'to?.Bakit nagmamadali siya?
"Señorito pwede po bang magdahan-dahan kayo"pakiusap ko.
"No"
"Bakit hindi?"
"Kasi kanina pa sila nasa plane"
"Ano?!"gulat kong saad
"I told you don't shout"mahinahon niyang sambit
"Let's be faster their being impatient"dagdag pa niya.
Binilisan ko pa ang lakad ko kaso talaga di ko talaga masabayan ang bawat hakbang niya kaya halos tumakbo na ako.
"Don't run,just be faster"saway niya sa akin
"Ehh.señorito ang bilis niyo po kasing lumakad di ako makasabay"sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Fine"mahinahong saad niya.
Saka bumagal ng kunti ang lakad niya kaya nasabayan ko na iyon.
"Kung di ka nakipagtalo sa akin dapat nakarating na tayo doon"bulong ko.
"Hard headed"saad niya
Gulat akong tumingin sa kaniya...Narinig niya?
Hindi na ako nagsalita pa,binilisan ko nalang ang aking paglalakad.
Ilang minuto pa ang aming ginawang paglalakad bago nakarating sa private plane na sasakyan namin.
Namangha ako sa aking nakita,ito ang unang beses na nakakita ako ng eroplano nang malapitan. Malaki siya, sobrang laki kumpara sa nakikita sa itaas kapag lumilupad na.
Hindi ko pa man nasusuri ng maayos ay agad kaming umakayat sa hagdan ng eroplano.Sinalubong kami nung isang flight attendant at kinuha iyong magamit namin, sinabi niya ring kami nalang ang hinihintay. Nahiya ako bigla.
Pagkapasok namin ng tuluyan ay bumungad ang apat na tao,dalawang babae at dalawang lalaki.
By partner ba'to?
"Ohhh God! Akala ko di na kayo darating"biro nung lalaking naka blue ng poloshirt at mahabang buhok na hanggang balikat katabi nung babaeng naka Violet na T-shirt at katulad ko naka jeans din siya.Simple lang.
"Yeah,I thought hindi na tayo matutuloy"anang isang lalaki sa kanan,naka maroon ito ng T-shirt at naka clean cut ang buhok katabi niya naman ang babaeng naka pink na T-shirt at jeans lang din.
Ang simple lang pala ng mga kaibigan ng señorito.
Hindi naman nagsalita ang dalawang babae.
"Shut up you too"sabi ni señorito at aktong hihilain niya ako ng magsalita ang lalaking may longhair.
"Hindi mo man lang kami ipapakilala sa kaniya?"tanong nito na parang nang-aasar pa.
"Ang unfair naman nun kilala namin siya,pero siya hindi kami kilala"sabat nung lalaki sa kanan.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Ako kilala nila?Papaano?
Tuwing may okasyon sa mansion madalas akong hindi nagpapakita roon kasi sinasabihan ako ng Senyora.
"Kilala niyo po ako?"takang tanong ko
"Yes"Sabay na sagot ng dalawa
"You are Cara Melandrie Hernandez"sabi nung lalaking naka maroon.
"For short Caramel"sabat naman ng lalaking may long hair.
Mas lalo akong nagulat sa sinabi nila, hindi lang palayaw ko ang alam nila. Buong pangalan ko pa!
"Bakit niyo po ako kilala?" Naguguluhan na ako.
Impossible naman yatang ipakilala ako ni Señorito!
"Paanong di ka namin makikilala e lagi kang bukambibig ng aming kaibigan"saad nung lalaking naka maroon at bay silang tumawa ng isa pang lalaki.
Ako bukambibig ni senorito?
Bakit naman?
Nagtataka akong tumingin kay señorito.
Bumuntong hininga siya bago nagsalita.
"Enough"seryoso niyang sabi natahimik naman ang dalawa ngunit halata sa mga ito ang pagpipigil ng ngiti.
"Caramel this is Blenze Emmanuel Riego"sabi niya sabay turo sa lalaking naka long hair.
"Hi Caramel just call me Enze"sabi niya ng nakangiti sabay kaway.
Baghay ko siyang nginitian.
"Hello po sir Enze"sabi ko sabay lahad ng kamay ko.Nabigla ako ng tumawa siya ng malakas
May nakakatawa ba?
"No shaking hands Caramel ayaw ko pang mabali ang aking kamay" sabi niya pa sabay iling habang mabilis na tinignan ang katabi.
Naintindihan ko kaagad ang nais niyang ipahiwatig kaya tumango nalang ako.
"Just call him Enze"sabi ni señorito,napatango ako.Sinabi naman na kanina,inulit pa talaga.
"And that girl is Nova,right Enze?"pakilala niya sa babaeng katabi ni Enze.
"Hi Nova,ako si Caramel"nakangiti kong sabi at kumaway nalang sa babae ngumiti lang ang babae at kumaway din pabalik.
"This is Raven Kiel Sanchez"pakilala niya sa lalaking naka maroon.
"Just Kiel"nakangiti niyang sabi at kumaway lang din sinuklian ko lang din siya ng ngiti at kaway.
Ang cute niyang numiti nawawala ang mata niya.
Napatigil ako sa pagtingin kay Kiel dahil sa mahigpit na paghawak ni Señorito sa aking kamay ,napatingin ako sa kaniya seryoso lamang ito at tila naiinis ang mga mata nito. Naramdaman ko ding bumilis ang kaniyang paghinga.
Anong problema niya?
Nadinig ko naman ang pagtawa ng dalawa.Akmang magtatanong na ako sa kaniya kung okay lang ba siya ng bigla ulit siyang magsalita.
"And that girl is Natasha Mei Yedez"pakilala niya sa babaeng katabi ni Kiel.
"Hi Caramel, Ako si Natasha"sabi niya at kumaway lang din kaya ganun lang din ang ginawa ko.
Pagkatapos nun ay bigla nalang akong hinila ni señorito palayo sa mga kaibivan niya. Doon kamo umupo sa dulo,malayo sa mga kaibigan niya.Nadinig ko pa ang malakas pagtawa ng dalawang lalaki. Binaliwala ko lang ito ganun din naman si señorito.
Nauna akong naupo sa kaniya kaya malapit ako sa may bintana.Bahagya akong umusod ng tumabi siya,halos hindi niya bigyan ng distansiya ang pagitan namin.
"Ladies and gentlemen,good morning.Welcome on board FR243.This is captain Feurto speaking and I have some information about our flight..."anunsyo ng piloto.
Nag announce siya ng mga information about sa flight namin at pinagseatbelt kami. Nang magsimulang umandar ang eroplano ay bigla akong kinabahan, sobrang lakas ng t***k ng aking puso at parang kinakapos ako ng hininga.
Ito ang unang beses na sumakay ako dito kaya ganito ako ka kabado.May thrill at excitement akong nararamdaman pero mas nangingibabaw sa akin ang takot. Pinagsiklop ko ang aking mga kamay na nanginginig, kinagat ko din ang aking labi. Ramdam na ramdam ko din ang namumuong butil ng pawis sa aking noo.
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili para kasi akong masusuka.
"Caramel are you okay?"nag-aalalang tanong ni señorito.
Tumango lang ako,ayaw kong magsalita dahil baka mabakasan ng kaba ang aking boses.
"Are you sure?You don't look okay to me.You look pale"mahabang sabi niya naka kunot pa ang noo.
"You have sweat even though its aircondition here"dagdag pa nito
"K-kinakabahan kasi ako"utal na sabi ko.
"Kinakabahan ka.Why?"
"Ito ang unang beses na sumakay ako sa eroplano kaya siguro ganito, kinakabahan ako"
"Your overthinking.Don't be nervous I'm here nothing will happen"malambing na sabi niya sabay gagap sa aking palad. Mainit,makinis at malambot ang palad niya.
Imbes na kumalma ako ay parang mas domoble ata ang t***k ng puso ko.
"Look outside"sabi niya sabay turo sa labas ng bintana kaya napatingin ako dun.
"Wow! Ang ganda"manghang saad ko.
Ang ganda ng tanawin.Ang mga ulap na lumulutang sa ere at nasisinagan pa ng araw,parang sa tv ko lang ito napapanood.
Napatigil ako at naningas ng maramdaman ko ang presensiya niyang malapit na malapit sa akin. Hayun na naman ang hininga niyang mainit at nakakapanindig balahibo.Pakiramdam ko nag-iinit ang buong katawan ko, nahihirapan akong huminga at hindi nakakatulong ang magkahawak naming kamay.
Ilang minuto kami sa ganoong posisyon.Magkahawak ang aming kamay ,nakaharap ako sa bintana habang siya nasa aking likuran sumisilip din .Nakakakilig man tignan pero wala lang yun sa akin.Hindi pwede dahil katulong ako at siya ay amo ko.
"Señorito?"tawag ko sa kaniya.
"Hmmmm...?"
"Kanino po ba ang eroplano na ito?"tanong ko.
"Kay mommy" sabi niya na para bang wala lang.
"Sa mommy mo?!"gulat kong sabi sabay lingon sa kaniya na sana di ko ginawa dahil sa lapit ng mukha namin.Ngunit agad din naman nitong inilayo sa akin ang sarili at may binulong bulong pa na di ko maintindihan.
"Ohh god! stop this temptation"bulong niya na di ko masyadong naintindihan,parang hirap na hirap siya.
"Ano ang sinasabi mo?"
"Nothing.I'll just said yes,this plane is my mom's property.She used this whenever she had business meeting from different countries or from far places.Also for vacation"paliwanag niya,nakaiwas pa rin ang tingin sa akin at hindi makatingin ng deritso.
Problema niya?
"Ehhh yung airport?"
"Dad is a share holder ng airport"maikling sabi niya,hindi pa din ako tinitignan.
Napa'wow' nalang ako sa aking isipan.
Ang yaman pala nila.Sobrang yaman nila.
Ngayon napagtanto ko lalo kung gaano kalayo ang agwat namin ni señorito sa buhay.
Sobrang layo namin!Sobra sobra!
Siguro sa sobrang layo nun di ko iyon magagawang maabot.Hindi ko iyon magagawang pantayan.Kahit siguro magtrabaho ako ng tudo tudo impossible atang maabot ko 'yun sa sobrang taas nila.Napahugot nalang ako ng hininga.
Dumaan ang ilang saglit na katahimikan sa pagitan namin.Walang sino man ang nagsalita, pero hindi ako makatitiis sa katahimikan kaya ako ang unang bumasag nun.
"Señorito?"tawag ko uli sa kaniya.
"Yes?"
"Totoo po ba?"
"Ang alin?"
"Na...Na ano..." Hindi ko maderitso ang gusto kong sabihin.
Kumunot ng noo niya "Na ano?"
Nag-aalangan ako "Na ano...Na B-bukambibig mo ako?" Parang gusto kong kusutan ang sarili sa pagiging utal-utal.
Hindi ito sumagot kaya tumingin ako sa kaniya.Nagtataas baba ang adams apple niya,ang kaniyang tenga ay namumula.
Anong nangyayari sa kaniya?
Okay lang ba siya?
"Señorito-
"Yes its true.I tell them about you"seryosong saad niya pero nakaiwas ang tingin sa akin.
"Huh?Bakit mo naman ako kinukwento?"takang tanong ko.
"Nothing.I just want to"simpleng sabi niya.
"Señorito,baka pangit na kwento yung sinabi mo sa kanila"
"Your funny.Hindi ganoon ang sinabi ko"
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
Buong byahe nag-usap lang kami sa kung ano anong mga bagay.Ganun pa din siya hindi magawang tumingin sa akin.Hindi ko alam kung anong problema niya,ng tinanong ko siya ang sabi lang niya 'wala'.Ang weird ngayon ni señorito kasi may mga ibinubulong-bulong siya na di ko masyadong maintindihan.
Pero ang gusto ko sa lahat ay buong byahe hindi niya binitawan ang kamay ko sa tuwing tatangkain kong tanggalin ang aking kamay ay mas lalo niyang hinihigpitan ang kapit.
Ayoko ko mang aminin pero yun ang gustong gusto ko ang hindi niya bitawan ang aking kamay, kasi kapag hawak niya ako doon lang panatag ang kalooban ko.
He made me feel so calm and fine.
Itanggi man ng isipan ko iyun naman ang nais ng aking puso at wala akong planong pigilan iyon dahil ngayon lang naman ito.