Mahigit isang oras ang naging byahe namin.Lahat ng kasama ko tulog,kami lang ni manong driver ang gising.Pero sa kalagitnaan ng byahe namin ay nakatulog din ako,nagising nalang ako dahil sa paos na boses na paulit-ulit na tumatawag sa amin.
Dahan dahan kong minulat ang aking mata,bumungad sa akin si señorito na nakasandal parin sa aking balikat habang ang aking ulo ay nakapatong sa ulo niya.Nahihiya kong tinanggal ang ulo ko mula sa pagkakapatong, agad akong luminga linga sa paligid baka kasi may makakita,buti nalang ang mga kasama namin ay mukhang kagigising lang din si Nova na nagiinat ng kamay katabi si Enze na tila inaantok pa si Kiel naman bored na nakatingin sa harap ng van katabi niya si Natasha na nagkukusot pa ng mata,nakahinga ako ng maluwag buti nalang at mukhang di nila napansin ang ayos namin ni señorito.
"Sorry po señorito"nahihiyang sambit ko.
"Okay lang"paos na sabi niya at tinggal na rin niya ang kaniyang pagkakasandal sa akin.
Tumingin ako sa bintana upang kumpermahin kung talaga bang nandito na kami.
Namangha ako sa aking nakita nasa harap namin ang malaki at magarang bahay, napapaligiran ito ng mga halaman na namumulaklak.Sa likod nito ay natatanaw ang mga alon ng asul na dagat at sa di kalayuan ng bahay ay may bundok at may iilang tipak ng malalaking bato na nagsisilbing hampasan ng alon.Ang gandang tanawin.
Nandito na nga kami.Naeexcite na ako!
Ilang minuto muna ang dumaan bago namin napagdesisyonang lumabas ng sasakyan.Hindi ko mapigilan ang sayang bumalot sa akin ng tuluyan ko ng makita ang lugar.Sa may dalampasigan ay makikita ang maputing buhangin na kumikinang kinang pa dahil sa sinag ng araw na tumatama rito.Napakaganda ng lugar.
Sobra akong namangha sa kagandahan ng lugar nakakagaan ng loob ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat.
"Wow"manghang sambit ko.
"Ang ganda"bulong ni Nova.
"A-ang g-ganda ng l-lugar na ito"utal utal pang sabi ni Natasha habang nakatanaw sa maalon na dagat.
"You like here?"tanong ni señorito.
Nakangiti akong tumango tango.
"Oo naman! Ang ganda dito"saad ko habang nililibot pa ang aking paningin.Nakangiti siyang tumango sa akin.
"Guys! I know your excited but let's eat first."anunsyo ni señorito nagsitanguan naman ang lahat.
Kinuha nila ang mga bagahe nila,nagtaka ako dahil wala na ang bag ako akmang magtatanong na ako kung nasaan na ng bigla nalang itong lumitaw sa aking harapan.Gulat akong napatingin kay señorito,oo siya yung may hawak ng bag ko.
"Here.bring it"malamig na saad niya.
Kinuha ko agad iyon,himala di na nakipagtalo,marahil upang hindi na maulit ang pagsigaw ko.Nagtungo na kami sa loob ng bahay,mas lalo akong namangha sa aking nakita dahil kung maganda sa labas mas maganda sa loob. Ang mga gamit ay tiyak kong mamahalin at mga antique, sa gitna ng bahay ay may napakagara at napakalaking chandelier.Hindi ito ang unang bese na nakakita ako ng chandelier dahil sa mansion nina señorito ay may mga chandelier iba iba pa ang desinyo at laki.
"Guys there is only three room here,two master's bedroom and a guest room.All the boys will be in one room,the two girl on the another room and Caramel stay in the middle room its mine"he explain.Tila naman walang naging pagtotol sa mga kasama namin dahil tumango lang sila.
Sa laki ng bahay tatlong kwarto lang ang mayroon!
At bakit kailangan hiwalay ako?!
"Teka!Pwede bang kaming lahat na babae magkakasama nalang din sa isang kwarto?"tanong kay señorito.
"Okay then.Kung saan ka comfortable"saad ni señorito.
Umakyat ang lahat sa taas.Tinuro sa amin ni Señorito ang magiging kwarto namin,nilagpasan namin ang unang kwarto.
"Bro dito nalang tayo sa kwartong ito."inaantok na saad ni Enze.
"Don't you dare.That's my room.We're staying on the guest room"nagbabantang saad ni Señorito.Nakangising umiling si Kiel.
"Pag si Caramel okay lang,pag ako bawal"bulong ni Enze na dinig naman namin.
Luhh ba't naman kinumpara niya ako sa kaniya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad.Sa ikalawang kwarto kami tumigil.
"Girls this is your room at kami naman sa ikatlong kwarto.Put your things in the cabinet"paliwanag ni señorito.
"Okay"saad ko,tumango naman sina Natasha at Nova.
Pumasok na kami at sinarado na ang pinto.Agad namang humilata si Nova at Natasha sa malapad na kama.Ako naman dumeritso ako sa may kabinet upang ilagay ang aking mga gamit.
"Ang lambot"
"Ang Sarap matulog"
Kumento nilang dalawa habang niyayakap ang unan.
"Ayy! Yung gamit ko!"biglang sigaw ni Nova na agad bumangon sumunod naman si Natasha.
Sabay nilang kinuha ang kanilang gamit at dumeritso sa may kabinet.Inilagay din nila ang mga gamit nila katabi nung akin malaki pa naman ang space dahil kunti lang ang dinala kung gamit dahil tatlong araw lang naman kami dito.Pagkatapos nilang ilagay ang gamit ay nasighigaan na kami ngunit agad din kaming napabangon ng biglang may kumatok.
"Ako na"sabi ni Nova at tumungo sa pinto.Maya maya ay bumalik ito.
"Guys kain na daw"saad nito.
"Tara"sabay na saad namin ni Natasha kaya nagkatawanan kami.
Naabutan namin sa labas ng kwarto sina señorito.
"Let's go guys,bilis bilisan ang kilos!"masiglang sigaw ni Enze may pataluntalun pa.
"Baliw!"sigaw ni Nova.
"Baliw nga gwapo naman"mayabang na sabi nito.
Tinawanan lang namin siya,inirapan naman siya ni Nova.Tumungo kami sa kusina para kumain nakahanda na ang mga pagkain.Nariyan din ang care taker ng bahay si Aling Nina siya rin ang nagsisilbing katulong namin.Masaya ang naging kainan namin dahil kay Nova at Enze para kasing magkapatid kung magbangayan,nag-agawan din sila sa pagkain.Parang mga bata lang!
Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa dagat,sasakay daw kami sa yate.Buti nalang at nakapagbihis muna kami.Nang makarating kami doon ay napaawang ang aking bibig dahil sa pagkamangha na naman napakaraming yate ang naroroon,iba iba ang laki at desinyo.First time kong makakita nito sa person at first time ko din ang sumakay roon.Madalas ko itong makita sa mga international na pelikula at dramang pinapanood ko.
Nakakaexcite naman!
"Wow grabe ang daming yatch!"namamanghang sabi ni Nova habang inililibot ang tingin.Maging si Natasha ay naaliw sa kaniyang nakita.
"Tignan mo! Iyon ang yatch nina Wesley"turo ni Enze sa pinakamalaking yatch,kulay puti ito.
"Talaga! Ang laki naman"sagot ni Nova.
"Oo,pero sympre doon ka sa isang iyon sasakay"sabi ni Enze kay Nova sabay turo sa maliit na yate.Naiinis na hinampas ni Nova si Enze na humahalakhak na ngayon.Napailing nalang si Kiel at señorito sa kanila.
"Ohh,mamaya na kayo maglambingan halina't sumakay na tayo"awat ni Kiel sa kanila at naunang lumakad papunta sa puting yate sumunod naman si Natasha sa kaniya.Inakbayan ako ni Señorito at iginiya patungo sa yate.Naiilang ako sa pagkakaakbay niya,nasa mataong lugar kami at kadalasan sa mga tao rito ay kilala ata ang pamilya nina señorito.
Ano nalang ang sasabihin ng mga iyon?
Ng marating namin ang puting yate ay inalalayan akong makasakay ni señorito at nang makasakay na kami ay nagsimula na itong umandar .Iginiya ako ni señorito papunta sa harapan ng yate at doon kami pumwesto malapit sa railings.Mula sa kinatatayuan namin ay kitang kita ang malawak na karagatan.Napakaganda!
Habang aliw na aliw ako sa panonood sa aking paligid ay unti unti kong naramdaman ang mainit na bagay na yumayapos sa akin.Ang bisig ni señorito ang yumayakap sa aking bewang,biglag bumilis ang t***k ng puso ko na parang gusto nitong kumawala.Pigil rin ang aking hininga.
Naririnig niya kaya ang t***k ng puso ko?
Bakit niya ba ito ginagawa?
Akmang tatanggalin ko ang bisig niya ng bumulong siya sa akin.
"Don't"bulong niya sa aking tenga na para bang alam na niya ang iniisip ko .Ang mainit niyang hininga ay naghatid ng libo libong boltahe ng kuryente.Nagsitayuan ang aking balahibo,nanuyo ang lalamunan ko.
"Señorito k-kasi...a-ano"hindi ako makapagsalita ng maayos dahil nahihiya ako.
"What?Am I making you uncomfortable?.I'm sorry"sabi at agad agad na tinanggal ang pagkakayapos niya sa akin.Doon lang ako nakahinga ng maluwag,kinalma ko rin ang aking sarili.
"I'm sorry Caramel"pahingi niya ng tawad at may pag-aalala pang bahid sa kaniyang boses.Ngumiti ako ng kunti sa kaniya.
"O-okay lang"medyo nautal kong saad.Bumuntong hininga siya at napahilamos sa kaniyang mukha.
Hindi ko na siya binigyang pansin,tumingin ulit ako sa magandang tanawin.Hindi na rin kami gaanong nagtagal doon bumalik na kami sa bahay.
"Ohh! sino ng magiihaw nitong isda?"tanong ni Kiel.
Any tinutukoy na isda ay ang mga nahuli namin nung pabalik kami.Napagpasiyahan kasi nilang mangisda.
"Edi sino pa ba? ikaw na!"sagot ni Enze
"Anong ako?!Gago tumulong kayo dito!"reklamo ni Kiel
"Fine.Let's do it then"sabat ni Señorito.
Wow!marunong siya nun?
Hinayaan namin na ang mga lalaki ang mag-ihaw ng isda.
"Hoyyy halika kayo Dali!"tawag sa amin ni Nova.
"Bakit?"Sabay na tanong namin ni Natasha
"Basta.Dali na! Picturan ko kayo!"excited niyang sabi.
Lumapit kami sa kaniya.Pinagpose niya ako sa may puno ng niyog,pinicturan niya ako,salitan kami sa papicture doon.Nagpalit kami ng pwesto doon naman sa may dalampasigan,pinaupo niya ako doon kasabay ng pagtama ng alon sa akin ang pagkuha niya ng picture,salitan din kaming tatlo doon.
"Hoy!patingin nga"sabi ko sabay kuha ko sa cellphone.
"Ohh diba ang galing ko! Mukha kayong model diyan"nakangiting sabi ni Nova.
"Anong model e tignan mo nga 'to ang epic!.Nanadya ka!"reklamo ni Natasha sa kuha ng litrato niya nakangiti siya roon tapos yung iilang hibla ng buhok niya nasa mukha tapos yung tubig sa likod,parang epic yung kuha pero hindi naman, ang ganda nga.
"Gaga Hindi epic yan! Ang ganda mo kaya diyan"depensa ni Nova.
Pagkatapos naming magpicturan ay nag-usap usap kami para sa plano mamaya.Balak nina Señorito na surpresahin si Kiel para sa birthday nito.Bukas pa yung birthday pero mamayang gabi ang planong paghahanda.Ang plano kailangan makatulog muna si Kiel bago kami maglagay ng mga dekorasyon para sa celebration bukas.After nilang mag-ihaw ng isda ay nagsikainan na kami tapos nag-inuman ang nga lalaki.Hindi daw maagang natutulog si Kiel kaya nilalasing nila para makatulog na agad ito at masimulan na ang plano.Habang nag-iinuman sila sa kusina kaming mga babae naman ang taga tanggap ng iilang delivery na gagamitin sa pag-ayos.
"Ilang taon na ba si Kiel?"biglang tanong ni Nova.
"Magtwe-twenty"sagot ni Natasha.
"Ang tanda na!Bakit parang isang taong gulang na bata ang hahandaan natin?"komento ni Nova habang sinisilip ang box na galing delivery.
"Hoy!huwag muna 'yan,mamaya bigla silang magtungo rito"inagaw ko ang box kay Nova.
"Itago mo na iyang box sa likod ng kabinet na iyon"turo ni Natasha sa kabinet.
"Ano ayos na ba ang kailangan mamaya?"malakas na tanong ni Nova agad naman siyang binato ni Natasha.
"Iyang bunganga mo!mamaya marinig ka ni Kiel"saway ni Natasha.
"Nagtatanong lang naman"nakangusong reklamo ni Nova.
"Matigil na nga kayong dalawa.Ang mabuti pa tignan natin sila sa kusina"suhestiyon ko,sumang-ayon naman sila.
Akmang tutungo na kami sa kusina ng makita namin si Señorito at Enze nabuhat buhat si Kiel.Mukhang tagumpay ang plano,dinala nila ito sa taas.
Nagsimula na kaming magdecorate,pinalobo ang mga lobo,naglagay din ng iba't ibang klase ng dekorasyon,sina señorito ang tagadikit sa kisame.
"Hindi diyan,doon sa kabila"pagturo ni Nova.
Umapak ako sa upuan para isabit sana ang lobo sa may gitna,nagulat ako ng masagi ni Nova ang upuan na inaapakan,sa gulat ko ay napaatras ako kasabay ng pagka-out of balance ko. Pikit mata kong hinintay ang pagkahulog ko sa baba,pero hindi iyon nangyari.
"Be careful"inis na saad ng baritonong boses.Napamulat ako,naiinis na mukha ni señorito ang nakita ko,.Ibinaba ako nito sa upuan.
"Caramel sorry. Okay ka lang ba?"nag-aalalang sabi ni Nova,tumango ako at ngumiti sa kaniya.
"Thank you señorito"mahinang sabi ko
"Give me that"hindi ko pa man naibibigay ay basta basta nalang nitong hinablot ang lobong hawak ko,siya na ang naglagay sa may gitna.
Alas diyes na ng matapos kami sa pagdekorasyon.Nagpahinga na kami dahil maaga pa kami bukas, kailangan mauna kaming magising kaysa kay Kiel.
Kinabukasan alas kwatro ng madaling araw kami nagising.Nag-ayos muna kami bago bumaba.Pagkababa namin ay naroon na sina señorito at si Aling Nena pati si Enze,abala sila sa pagluluto,well si Aling Nena lang ang nagluluto yung dalawa nanonood lang.Tumulong ako ganun din si Nova at Natasha.Iba't ibang putahe ang niluto namin.Pagkatapos ay inihanda na sa lamesa.Ready na ang lahat hinintay nalang namin na magising si Kiel.
"Hoy! Natasha gisingin mo kaya"utos ni Enze.
"Bakit ako?"tanong ni Natasha
"Tsk.Ikaw na...sige na"pamimilit pa ni Enze.
Walang nagawa si Natasha kundi ang gisingin si Kiel,sumali din kasi si Nova sa pagkumbinse na gisingin ito.Pagkaakyat ni Natasha ay hinanda ni Enze ang cake sinindihan ang kandila.Pumwesto kami sa may hagdan sa likod ng dingding para di kami makita.Mayamaya pa narinig na namin ang mga yapak pababa ng hagdan.
"Eto na guys malapit na siya"bulong ni Enze.
"In the count of three...one..."pagbilang niya
"Two..."
Palapit ng palapit ang yapak...
"Three...Now na"kasabay nun ang paglabas namin sa dingding
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!...HAPPY BIRTHDAY TO YOU!...HAPPY BIRTHDAY!...HAPPY BIRTHDAY!...HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"sabay sabay naming kanta,gulat naman na nakatingin si Kiel sa amin.
"One more....faster!"masayang sabi ni Señorito.
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!...HAPPY BIRTHDAY TO YOU!...HAPPY BIRTHDAY!...HAPPY BIRTHDAY!...HAPPY BIRTHDAY TO YOU!"sabay sabay naming kanta ulit.
"Bro,blow your candle!"natatawang sabi ni Enze habang inilalapit kay Kiel ang cake.
Nagpalakpakan kami ng nahipan na ang kandila.
"Kainan Na!"sigaw ni Enze at tumakbo daa-dala ang cake.
"What the"hindi makapaniwalang komento ni Señorito.Napailing naman si Nova,tumawa lang kami.
Masaya ang naging umagahan namin.Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa dagat,nag speed boating kami,nagsorkling din,nasurfing pa sina señorito.
Nakakapagod pero nakakaenjoy at masaya pa, ng hapon ay inabangan namin ang sunset.Nagpicturan kami habang tinatanaw ang papalubog na araw.
Napakasaya ko dahil nakasama ako sa ganitong biharang pagkakataon. Isang malaking oportunidad na nakilala ko sila, nakatagpo ako ng mga bagong kaibigan.
May napagtanto lang ako, kahit na magkakaiba ang mundo namin hindi iyon alintana, hindi naging hadlang para sa mga sandaling ito.
Salamat dahil kahit paano nagkroon ako ng pagkakataong makisaya sa kanila.
Hindi ko ito makakalimutan!