Nang gumabi ay nagkita kaming muli sa garden nila.Nanonood kami ng mga bituin,nakahiga siya sa damuhan habang ako nakaupo sa kaniyang tabi.
"Alam no bang pag-nasa Manila ako ikaw lang ang iniisip ko" saad niya habang nakatingin sa kalangitang puno ng bituin.
Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang ngiting nais kumawala.
"Talaga?" kunyare hindi naniniwalang aniya ko.
Dahil sa sinabi ko ay dagli siyang napabangon mula sa pagkakahiga sa damuhan.Hinarap niya ako nakakunot pa ang kaniyang noo.
"Don't you believe on me?Hindi ka ba naniniwala sa akin?"magkasunod na tanong niya at mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo.
Napatawa ako sa kaniya naging reaksiyon.Mukhang epektibo ang aking pang-aasar sa kaniya,ang ayos niya talagang asarin.
"Is there something funny?"tanong niya at sinapo ang aking pisnge paharap sa kaniya
"Wala"maikling sabi ko
"Bakit tumatawa ka?"
"Wala lang...Inaasar lang naman kasi kita"pigil ang ngiting aniya ko.
Nawala ang pagkakunot ng kaniyang noo at lumamlam na rin ang kaniyang ekspresyon.
"Pareho lang naman tayo"sabi ko at humawak sa kamay niya sabay salubong sa kaniyang tingin.
Nahigit ko ang aking hininga ng nagtama ang aming mga mata.
God this guy is breath taking!
"I also do the same...Ikaw lang din naman ang iniisip ko" seryosong saad ko.
"That's good to know"malaki ang ngiting aniya niya.
Saglit pa kaming nagtitigan bago niya dahan dahang inilapit ang kaniyang mukha sa akin at bago ko pa man mamalayan ay lumapat na ang kaniyang labi sa aking labi.Gumalaw ang kaniyang labi at masuyo akong hinalikan.Sandali kung nalimot ang lugar kung nasaan kami.Nadadala ako sa senyasyong hatid ng kaniyang halik at libo-libong kuryenteng dumadaloy sa akin.
Naramdaman ko ang kamay niyang nasa aking batok na unti unting naglalakbay patungo sa aking mukha at doon humawak.Doon ko lang naalala kung nasaan kami kaya dali-dali ko siyang itinulak.
"Why?"kunot noo niyang tanong.
"Baka may makakita sa atin"luminga-linga ako sa paligid upang suriin ang paligid.
"No one will see us.Tulog na ang lahat"pahayag niya at muli akong hinalikan.
Kagaya ng nauna ay masuyo lang ito,puno rin ng pag-iingat at pag-pipigil.Sandali lang ang itinagal ng halik.
"That's enough"aniya pagkatapos.
Kita ko sa kaniyang mga mata ang pag-pipigil sa sarili.
"We should sleep,its already late"dagdag pa niya.
"Okay, Good night"sagot ko at akmang tatayo na ako ng pigilan niya ako.
Tatanungin ko na sana siya kung bakit ng bigla niya akong hinalikan ng mabilis.Napatulala ako sa ginawa niya,hindi ko iyon inaasahan.Minsan talaga sobrang sweet niya minsan naman tupakin.Tumayo siya at inalalayan akong makatayo.
"Good night.I love you"malambing na saad niya at akmang ilalapit na naman ang mukha sa akin sa pagkakataong ito ay tinakpan ko na ang aking mukha gamit ang palad ko.
Dinig ko ang mahinang pagtawa niya.Hinawakan niya ang palapulsuan ko at pilit na alisin ang palad kong nakatabon sa aking mukha pero nagmatigas ako.
"Ayaw ko,nakakadami kana"
Natawa naman siya ng mahina.
"Silly" natatawang aniya.
"Come on tanggalin mo na.Hindi na.Promise"malambing na saad niya at pinilit tanggalin ang aking palad.
Dahan dahan kong tinanggal ang aking palad sa mukha,bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha na may mapang-asar na ngiti sa labi.
"Good night and I love you"ulit niya sa kaniyang sinabi kanina at yumakap sa akin.
"Good night din and I love you too"bulong ko sa kaniya habang gumaganti ng yakap.
"Ang landi"dagdag na bulong ko.
"Sayo lang naman ako malandi"ganti niya.
Pareho kaming natawa.
"Sige na,matulog kana"sabi nito habang unti-unting kumakalas sa yakap.
"Okay cge"tugon ko.
Ng mga sumunod na araw nagpatuloy ang patago naming relasyon.Sa kabila ng pagiging-abala namin sa kaniya kaniyang trabaho ay nabibigyan pa namin ng oras ang isa't isa.Nung araw na niya para bumalik sa Manila para sa darating na pasukan ay hindi ulit ako nagpakita sa kaniya.Kinakailangan na kasi niyang bumalik para sa enrollment nila.
Sa sulat na naman ang aming komunikasyon.Ipapadala niya kay Markie,isa sa mga kaibigan niya na taga kabilang bayan at nag-aaral din ito sa Manila.Tuwing ikalawang linggo ito kung umuwi sa bayan dahil kailangan nitong asikasuhin ang kanilang negosyo sa bayan,ito na kasi ang namamahal dahil sa pagpanaw ng mga magulang nito.Siya na rin ang nagsisilbing messenger namin ni Wesley.Pumayag naman ito dahil kakilala ko din siya at nobyo ng aking kaklase,si Heaven.Alam kasi nito ang sitwasyon namin ni Wesley dahil kilala din kasi nito ang mommy ni Welsey.
Nasa huling baitang na ako ng highschool ngayon at siya naman ay second year college.
Malayo man siya at kahit busy ako ay walang oras na hindi ko siya naiisip.Kahit anong gawin ko ay siya ang naalala ko.Siya ang nagsisilbing lakas ko upang gawin ang aking trabaho.
Mula ng maging kami ni Wesley pakiramdam ko napunan ang malaking puwang sa puso ko.Pakiramdam ko wala na ang kulang sa akin.
Limang buwan...limang buwan ng paghihintay na naman sa kaniya...limang buwan ng pangungulila sa kaniya...limang buwan ng pagtitiis... limang buwan ng pagkakalayo...
Pero ayos lang dahil kahit limang buwan pa iyan o kahit umabot ng taon hihintayin ko naman siya...Handa akong maghintay sa kaniya...Dahil alam kong babalikan niya ako...Alam kong sa akin pa rin siya babalik...I'm sure of that!
At tama ako.Dahil matapos ang limang buwan ay muli ko na naman siyang nakasama...bumalik siya sa akin.
"How are you?"tanong niya habang hinihimas ang buhok ko.
Nasa likod-bahay nila kami nagduduyan.At dahil nasa bakuran nila kami ay hindi kami masyadong nakadikit sa isa't isa kahit wala kasi dito ang magulang niya may iba pa din kaming kasama dito.
"Okay lang.Ikaw ba?"balik tanong ko sa kaniya.
"I'm fine now because you were here"seryosong aniya.
Nag-init bigla ang aking pisnge sa naging sagot niya.Inaasahan ko na naman na iyon ang magiging sagot niya pero di ko pa ding maiwasang kiligin.
"You're blushing"puna niya sa akin.
"Hindi ah!"pagdedeny ko.
"Mainit lang talaga kaya ganun"dagdag ko pa.
"Sus!kinilig ka lang!"pang-aasar pa niya.
"Kinilig ka diyan!assuming!"sabi ko at binilisan ang pag-ugoy ng duyan.
"Hindi ako assuming.I'm just stating the fact"sabi niya habang binibilisan ang pag-ugoy sa duyan.Ginagaya ako.
"Stating the fact pa nga"ulit ko sa sinabi niya.
Nadinig ko ang mahina niyang pagtawa.May nakakatawa?
Tuwang-tuwa talaga siya kapag napipikon ako.Alam na alam niya talaga kung paano ako asarin.Ayoko lang kasi aminin sa harap niya syempre nahihiya pa din ako sa kaniya.Kahit naman kasi naging magkaibigan kami at kami na syempre pagdating sa ganung bagay parang nakakahiya pa din.Ang corny kasi.
Napasimangot nalang ako at mas binilisan pa ang pag-ugoy sa duyan.
"Hey!slow it down!"malakas na boses niyang saad.
Hindi ko siya pinansin.Bahala siya!Its may turn now!kala mo ikaw lang,humanda ka!
Tinatawag niya ako sa malakas na boses pero hindi ko siya pinakinggan.Mas pinabilis ko pa ang ugoy ng duyan.Naririnig ko na siyang mura ng mura.Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang,pinanatili kong seryoso ang mukha ko.Nakita ko sa gilid ng aking na tumayo siya.
Alam ko ng pipigilan niya ako kaya tinantiya ko ang bilis ng ugoy ng duyan ng masiguradong kaya ko ng tumalon ay walang pag-aalinlangan akong tumalon.Nadinig ko ang malakas at malutong na mura niya.
"What the f**k!"
Ng bumagsak ako sa damuhan ay nagpagulong gulong ako na parang bata.Tinawag niya ako,may pag-aalala sa boses nito.
"Caramel!s**t!"
Ng tumigil ako sa paggulong ay padapa at hindi ako gumalaw.Nadinig ko ang mga mabilis na yapak niyang papalapit sa akin.I tried my best not to move.
"Caramel!Are you okay?"puno ng pag-aalala niyang tawagsa akin habang dumadalo.
Naramdaman kong humawak siya sa balikat ko,alam ko na kung ano ang gagawin niya kaya di ko maiwasang mapangiti.Pinihit niya ako paharap
"Are you okay-
Natig siya sa pagsasalita ng makita akong malaking ngiti.
"It's a prank!"malakas na sabi ko sabay bangon.
Masama niya akong tinignan saka tumayo.Dinig ko ang malakas niyang buntong hinga.
"Seems that you're okay"sarkastiko niyang sabi.At walang lingon likod na lumakad paalis.
Sandali akong natulala.Humabol ako sa kaniya ng makabawi ako.
"Wuyy!"tawag ko sa kaniya ngunit hindi man lang ako pinansin.
"Wesley Kim!"malakas na tawag ko sa kaniya sabay hawak sa kamay niya para patigilin siya.
"You shouldn't have done that! Its dangerous it could've hurt you!" he scolded me.Galit ang boses niya,mabilis rin ang kaniyang paghinga.His eyes was emotionless.
Natahimik ako at hindi nakapagsalita,nakayuko ako at nilalaro ang daliri.Para akong bata na pinapagalitan ng nakatatandang kapatid.E naman kasi siya nauna!
"You scared the hell out of me!You almost killed me!"dagdag pa niya.
Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang huli niyang sinabi.Ang OA!Patay agad!
"Ano?Ang OA mo!"sabi ko.
"I'm not! You just make me worried of you.I almost have an heart attack when I saw you fell on the ground!Then you just smiled at me and says it's just a prank!Natutuwa ka pa!"galit niyang saad.
Napakagat ako sa aking labi.Hindi makapagsalita.Feeling guilty.Pinag-alala ko siya tapos tinawanan ko lang.Inaamin ko mali ako,dapat hindi ko iyon ginawa.Paano nalang kung maynangyari sa akin kanina? edi baka nga namatay siya sa pag-aalala niya sa akin!Konsensiya ko pa.
Malakas siyang bumuntong hininga akala ko pagagalitan pa niya ako.Hinanda ko na ang sarili ko but it turned out different.
"Don't do it again please"mahinahon niyang saad.
Lumalit siya sa akin at yumakap.
"Don't do it again huh!Don't make me worried again just like that!"sabi niya.
"Opo señorito"sagot ko.Ganun we
nalang ang pagkalas niya sa yakap at humarap sa akin ng nakasimangot.Natawa ako sa reaksiyon niya.
Natigil ako sa pagtawa dahil pinisil niya ang magkabilang pisnge ko.Hindi masakit dahil marahan lang naman.
"Damn!you seems so happy seeing me pissed off"sabi niya at pinakawalan ang aking pisnge.
"Ang cute mo kasing asarin"
"Really?"
Tumango ako.
"Here's a deal.Once you pisses me off its equivalent to one kiss.Deal?"natatawang aniya.
"What!"di makapaniwalang sabi ko.Tinawanan niya lang naman ako.
"Paano ako...I mean paano kapag ako ang napikon mo?"nataas kilay kong tanong.
"Same"
"Hindi ayoko .Dapat kapag ako pinikon mo isang pingot ang equivalent "
"Okay.Then deal"ngisi niyang aniya.
"Deal"
Pagkatapos ng deal namin sa garden ay umalis siya dahil may dumating na tawag.Ako naman pinuntahan ko si mama at tumulong pero saglit lang dahil pinaalis niya agad ako dahil pinapuntahan niya sa akin si Manong Edgar mayroon daw kasi itong sasabihin sa akin.
Nagpapatulong lang pala sa project ni Patris na anak niya.Isa din sa kamasahan ko dito sa mansion,pero mas matanda ito sa akin ng isang taon.Doon ko ginugul ang tatlong oras ko.Diorama kasi ang ginawa niyang project.
Pagkatapos ko siyang tulungan ay bumalik ako ng garden para magdilig kasama ko si ate Aleja isa ding kasambahay mas matanda sa akin ng isang taon,kasing edad siya ni Ate Patris buwan lang ang pagitan nila.
Ng matapos kaming magdilig ay pumasok kami sa masiyon para tumulong sa paghahanda para sa hapunan.Pagkatapos ay pwede na kaming magpahinga.
"Give me your hand"sabi niya sabay lahad sa kamay niya sa harap ko.
Gabi na pero andito kami ni Wesley sa likod-bahay nila sa may bandang swimming pool.
"Huh?"takang tanong ko sabay lahad sa kamay ko.Kinuha naman niya ito,nagulat ako ng may isuot siya roon.
"Ano iyan?"
"Pasalubong ko sayo"
"Anong-
Natigil ako ng ipakita niya sa akin ang kamay kong may suot na pulseras.Napaawang ang bibig ko ang ganda,silver siya na pulseras na may kalahating pusong pendant at may sulat na W.Maganda pero sure akong maganda din ang presyo.
"Do you like it?"nangingiting tanong niya sa akin.
"Oo.Thank you.Nag-abala ka pa"
"Your always welcome my love.I also have here"
Ngumit siya sa akin sabay angat sa kamay niya.Nanlaki ang mata ko sa nakita.May pulseras din siyang katulad sa akin sa kalahating pusong pendant nakaukit ang letrang 'C'.Napangiti ako its a couple bracelet!
Pinaglapit niya ang aming mga kamay na pay pulseras.Nung nagkadikit ang aming mga kamay nagkadikit din ang mga pusong pendant sa pulseras.Napangiti ako.
"Ang ganda!"namamanghang sabi ko.
"Just like you"
Nag-init ang pisnge ko sa naging sagot niya.Gosh this guy,he really had that effect on me!
He intertwined our hands,the heart stayed intact with each other half.
"Do you know why I gave you this?"tanong niya.Umiling ako.
"Because I am your other half?"patanong na sabi ko.
"No"mabilis na sagot niya.
"Wesley..."
"You're not my other half you are my whole"he said looking at my eyes.
"This symbolizes that you are my life.I gave the other half of my heart to you because I don't know waht will happen without you...So please don't leave me."seryosong pahayag niya.
"I won't leave you.I promise.Tignan mo"sabi ko sabay taas sa kamay naming dalawa nabaling doon ang mga mata niya.
"See?Kapag magkasama tayo pareho tayong buo"sabi ko habang tinitignan ang pusong pendant."Kapag pinaghiwalay yan ibig sabihin mahahati" pagtukoy ko sa pendant nakikinig naman siya ng mabuti.
"edi hindi na kayang magsurivive ng dalawa kasi pareho nalang silang kalahati.Ibig sabihin dapat hindi tayo magkahiwalay...ha!Wesley hindi dapat tayo maghiwalay!...hindi tayo maghihiwalay.
"I promise.We won't break apart"