Chapter 4

2227 Words
Chapter 4 Hunter's Pov Habang malapit na akong makarating sa bahay dali dali kung tinabi sa malapit na kanto sa amin ang sasakyan ko. Bumaba ako at pinuntahan si nanay sa bahay para tawagin at i surprise sa ipapakita ko sa kanya. “Nay,nay,” Sambit ko sa pintuan habang kumakatok sa pinto. “Ang aga mo naman umuwi ngayon anak.” Wika ni nanay habang binubuksan niya ang pinto . “Nay, may ipapakita po ako sa inyo nanay talagang matutuwa kayo nay pag nakita niyo ito. Dumating na po yung sinasabi ko sa inyo na surprise . Halika nay ipiring ko muna mata mo po .” Wika ko kay nanay na excited din ako. “May ganun ka pa talaga anak nakaka excited naman din yan ipakita mo sa akin anak .Ano ba yun talaga anak?” Tanong ni nanay sa akin. “Basta hawak ka sa akin nay sunod po kayo sa akin nanay makikita mo din ito.” Wika ko kay nanay na hawak hawak si nanay “Malayo pa ba anak baka madapa ako anak sa ginagawa mo sa akin .” Wika ni nanay sa akin. “Malapit na nanay ito na nasa harapan na tayo nay . Ready ka na bang makita nanay surprise ko bilang ako tatlo ibuka mo na mata mo po.” Wika ko kay nanay “Isa,dalawa ,tatlo ibuklat mo na mata mo nanay.” Wila ko sa kanya. Biglang binuklat ni nanay ang kanyang mata at gulat na gulat siya sa nakita niya. “Hala! Kanino ito anak ?” Tanong ni nanay sa akin na gulat na gulat “Sa atin yan nanay tayo ang may ari na itong sasakyan po . Ito sinasabi kung surprise nanay kinuha ko kanina umaga.” Wika ko kay nanay na takang taka pa talaga siya. “Paano nangyari anak na atin yan? Malaki na ba ipon mo anak ?” Tanong ni mama sa akin. “Meron naman konti nay pero iba din ito para sa sasakyan natin.” Sagot ko kay nanay. “Baka kasi wala ka na din natitira para sayo anak.” Wika ni nanay sa akin. “Okay lang yun ma para naman yan sa atin.” Wika ko kay mama “Anak kulang na lang asawa at anak na lang talaga .” Wika ni nanay sa akin nag aapurado mag asawa ako. “Nanay naman oh sinabi ko nga wala pa talaga yan sa isipan ko . Kahit yata may magpapansin na babae sa akin nay dedma talaga sa akin dahil wala pa talaga akong magugustuhan talaga nay. Mas uunahin ko muna kayong alagain kaysa ibang tao.” Wika ko kay nanay “Sana dumating na yung babae para sayo anak. Pina panalangin ko talaga yan anak.” Wika ni nanay sa akin na nagpupumilit talaga. “Tara nay magbihis ka muna punta tayo ng bayan gamitin na natin sasakyan.” Wika ko kay nanay. “Ay totoo ba anak sama ako yan. Teka lang magbibihis lang ako saglit anak.” Wika ni nanay na nagmamadali bumalik sa bahay. “Sige po nay hinintay kita dito .” Wika ko kay nanay. Ilang minuto lumabas na si nanay at nakabihis na si nanay. “Tara na nanay sakay na po kayo .” Wika ko kay nanay Pumasok na din ako sa loob ng sasakyan at saka nag seatbelt na kami ni nanay. Pinaandar ko na ang sasakyan para maka alis na kami ni nanay. Kitang kita ko sa mukha ni nanay ang saya niya sa mga mata niya alam kung napasaya ko talaga si nanay. Umikot kami sa buong bayan ng La Union gamit namin ang sasakyan. Masaya si nanay na naigala ko siya hanggang gabi . Dumaan na lang kami para bumili ng ulam namin. Bumili ako ng lechon manok para sa hapunan namin ni nanay. Pauwi na kami ni nanay napadaan kami sa resort na pinagtatrabahuhan ko. Sobrang tahimik na ang resort sa mga oras na dinaan namin. Dumertso na kami umuwi para makapag pahinga na din kami galing sa bayan. Binaba na namin ang mga pinamili galing sa bayan at pumasok na sa loob ng bahay. “Anak, sobrang saya ko ngayon araw na ito. Napaka swerte ko talaga na may anak akong masipag at napaka bait lalo na gwapo pa mahal na mahal kita anak.” Wika ni nanay sa akin . “Salamat nay mahal na mahal din kita nay dito lang talaga ako sa tabi mo.” Wika ko kay nanay at niyakap Biglang tumunog ang phone ni nanay na may tumawag. “Wait , anak sino kaya itong tumatawag number lang naka lagay. Saglit anak sagutin ko lang ito sa phone.” Wika ni nanay sa akin “Sige po nay bihis lang po muna ako sa kwarto po.” Paalam ko kay nanay Pumasok na ako sa kwarto at nagtanggal ng t shirt . Tinitignan ko sa salamIn ang sarili ko habang nakatayo ako. Biglang napaisip ako sa sinabi ni nanay dahil wala pa talaga akong dinala na babae na pinakilala kay nanay. Biglang kumatok si nanay sa pinto ng kwarto ko. “Bakit nay? Sino tumawag sayo nay?” Tanong ko kay nanay. “Si mareng Nilya anak.” Sagot ni nanay sa akin . “Bakit daw po nay napatawag siya nay?” Tanong ko kay nanay “Anak ,ihahatid na daw niya si Ava bukas dahil mapapa aga ang flight ni mareng Nilya bukas na din ng gabi.” Wika ni nanay sa akin. “Ganun ba nay okay lang naman din.” Wika ko kay nanay “Ayusin ko lang saglit tabi ng kwarto mo anak ito magiging kwarto niya muna.” Wika ni nanay sa akin “Sige na po nay magpapahinga na muna ako nay maaga ako bukas tapos may overtime din ako. Gabi na ako makaka uwi po yan nay.” Wika ko kay nanay “Pahinga ka na anak tulog ka na goodnight.” Wika ni nanay sa akin Maaga akong bumangon para maligo at mag ayos para paglabas ko magkape na lang agad. “Nay,alis na po muna ako.” Sambit ko kay nanay nasa kwarto niya. Pinaandar ko na sasakyan ko at pinainit ng ilang minuto. Inayos ko na sarili ko para ma ready na at maka alis papuntang resort. Ava's Pov. Mama pwede bang sa kaklase na lang po ako tumira mama baka kasi strikto mga tao doon mama.” Wika ko kay mama na nagpupumilit . “Hindi nga pwede anak doon ka na muna kay inang mo mabait naman sila doon anak. Ayokong sa iba iba kita ibilin na hindi ko pa kilala . Buti malapit lang si ninang mo banda dito kaya pinakiusapan ko sila doon ka muna manatili habang wala ako.” Wika ni mama sa akin. “Mama naman eh please ma doon na lang ako kala rachel ma titira muna.” Wika ko kay mama maiyak iyak na ako “Ay hindi nga pwede anak kailangan ma safety ka maiwanan ko bago ma flight ako miyang gabi anak . Wag matigas ang ulo anak makinig ka naman sa akin.” Wika ni mama sa akin na kinakausap ng maayos “Bilisan mo mag ayos dyan pupunta na tayo ngayon sa ninang mo.” Wika ni mama sa akin Ano naman ito si mama napaka KJ talaga nito paano ako ito makakagala kung doon ako makikitira sa bahay ni ninang baka kasi hindi ako maka alis alis at hindi ako kasama sa gimikan. Nakakabadtrip naman si mama talaga. Nakaka inis naiirita ako. Pwede naman niya akong iwan mag isa dito kaya ko naman sana. “Ava, tapos ka na ba dyan bilisan mo aalis na tayo .” Wika ni mama sa akin. “Patapos na po.” Sagot ko kaya mama Nakakairita talaga oi .grrrr. “Ito na po dito na ako tapos na.” Sagot ko nakasimangot kay mama. “Tara may tricycle na naghihintay na sa labas nakakahiya naman sa driver . Ilang minuto din papunta sa bayan para makasakay ng bus papuntang La Union Bumaba na kami ng tricycle para mag abang ng bus . May parating na bus at nakasakay na din kami agad . “Ano kaba Ava nakasimangot ka talaga dyan.” Wika ni mama sa akin Hindi na lang ako umiimik dahil sa inis ko. Nakadungaw na lang ako sa salamin ng bus nanaka simangot . “Anak, aalis ako para sa kinabukasan mo naman ito .Kailangan magsakripisyo para sa pag aaral mo anak kaya magpakabait ka sa ninang mo anak .” Wika ni nanay sa akin “3 taon din kayong mawawala ma dapat kasi hindi na kayo aalis po tapos iwan mo ako dito.” Sagot ko kay mama nakasimangot “Anak tiis lang Ava para sa kinabukasan mo at maka ipon tayo anak.” Wika ni mama sa akin “Wag ka ng magalit sa akin anak. Sana maintindihan mo naman si mama.” Wika ni mama sa akin. “Malapit na tayo San Fernando La Union anak malapit na tayo baba.” Wika ni mama sa akin. Umayos na ako pero bakas parin sa mukha ko na naiinis parin ako dahil ang gusto ko sana doon na lang kala Rachel mag stay na lang ako. “Bus Stop na po dito na po babaan .” Wika ng condoktor “Tara na anak dito na tayo mga gamit mo. Baka may maiwan ka dyan .” Wika ni mama sa akin . Dahan dahan na bumaba ang mga pasahero. Tumayo na din kami para bumaba . Nasa labas na din kami nag aabang ng tricycle papuntang San Juan . Nakakuha na din si mama ng tricycle papunta doon sa bahay nila ni ninang. “Halika na anak sakay na tayo para maka abot na tayo sa bahay ni ninang mo.” Wika ni mama sa akin. Malapit lang pala sa dagat dito banda ang gaganda ng tanawin dito. “Maganda pala dito mama ang gaganda pala ng tanawin malapit din sa dagat at beach pa.”Wika ko kay mama “Oo malapit lang talaga dito kaya hindi ka ma boring dito sa lugar nila .” Wika ni mama sa akin. Nakarating na kami sa lugar nila ninang bumaba na kami sa tricycle ako at bitbit mga bag namin. Pumasok kami sa isang kanto para puntahan ang bahay nila ninang. Huminto na kami ni nanay sa paglalakad sa isang bahay at kumatoknsi mama sa pinto. “Tao po mare,mare .” Sambit ni mama sa pinto. Bumukas ang ang pinto ang bumungad ang isang babae na ngayon ko lang nakilala. “Mare, dito na pala kayo pasok dito sa loob.” Wika ng babae “Salamat mare.” Sagot ni mama sa kanya. “Ito na ba inaanak ko mare? Dalagang dalaga na pala si Ava.” Tanong ni ninang kay mama. “Oo mare si Ava dalaga na talaga ito.” Wika ni mama kay ninang “Mano po ninang.” Wika ko kay ninang “Kaawaan ka ng diyos anak.” Wika ni ninang sa akin “Ang gandang dalaga pala itong inaanak ko naalala ko 1 years old pa lang ng nakita ko ito. Ngayon dalagang dalaga na talaga.”Wika ni ninang sa akin “Anak ito pala ninang mo dito ka muna anak sila muna bahala sayo anak .”Wika ni mama sa akin. “Oo dito ka muna titira sa bahay namin Ava. Wag kang mag alala ituring mo bahay mo n din ito.” Wika ni ninang sa akin. “Anak bilin ko sayo magpakabait ka dito anak .Wag kang magpasaway sa ninang mo at kay kuya Hunter mo ah anak.”Wika ni mama sa akin habang naka upo kami sa sofa. “Opo mama makikinig ako kala ninang.” Wika ko kay mama pero naka simangot “Wag kang mag pasaway kay kuya Hunter mo Ava.”Wika ni mama sa akin. “Mabait naman si Hunter anak pero yun lang may pagka strikto talaga siya Ava.” Wika ni ninang sa akin. Hindi na lang talaga umimik dahil naiinis na din ako kay mama bakit dito pa ako ibinilin kay ninang na sobra palang strikto ng anak ni ninang. Ava okay ka lang ba Ava ? Wika ni mama sa akin . “Ma,pwede naman sana ako kala Rachel tumira mama baka kasi hindi kami magkasundo ni kuya Hunter mama.” Wika ko kay mama na nagpupumilit. “Anak mas mabuti dito ka kay ninang para may kasama din siya dito sa bahay nila anak .”Wika ni mama sa akin. Wala na talaga akong magawa kung di sundin ang sinasabi ni mama para din may kasama si ninang sa bahay nila. Kailangan ako na lang hahanap ng paraan para maka gala ako kakausapin ko nalang si ninang para payagan ako ng maayos. Nagpaalam na si mama dahil flight na niya ngayon papunta Kuwait . Anak aalis na ako magpakabait ka tatawag tawag na lang ako sayo .Sila na bahala sayo anak. “Mare ikaw na bahala sa anak ko kung pwede kayo na muna mag disiplina sa kanya.” Wika ni mama kay ninang. “Oo mare kami na bahala kay Ava.” Wika ni ninang kay nanay. Umalis na si mama at iniwan na ako ng lubusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD