Chapter 37 Ava's Pov Habang pasakay na kami sa sasakyan ay napatigil ako. Biglang nagsalita si ninang sa akin. “Ava, ako na lang dyan sa likod dito ka sa front seat para may kausap-usap kuya mo. Nakatulog kasi ako pag nag byahe.” Wika ni ninang sa akin. Nagkatinginan kami ni Hunter sa sinabi ni ninang sa akin. “Ah, ganun po ba ninang sige po kung yun gusto mo po.” Wika ko kay ninang “Tara na baka maabotan tayo ng gabi sa daan. Oo nga dito ka na lang sa harapan para may ka kwentuhan ako si nanay antukin yan eh sa byahe.” Wika ni Hunter sa akin “Hahaha… Sinabi mo pa anak ganito talaga pag may edad na kaya maghanap ka na kasi ng asawa para makita ko ang magiging apo ko na din.” Wika ni ninang sabay tawa Habang naka sakay na kami sa sasakyan tumatawa pa rin si ninang sa sinabi niya k

