Chapter 12 Hunter's Pov “Paano kung dumating yung tao na hinahanap mo?” Wika ko sa kanya “Hindi ko pa alam kuya. Gusto ko sana gaya mo masipag ,maalalahanin, mabait at matulungin sa magulang.” Wika ni Ava sa akin “Oh, gaya ko gusto mo maging boyfriend?” Wika ko sa kanya “Maghahanap pa ako kuya ng kagaya mo po sige kuya matutulog na ako goodnight po.” Wika niya sa akin pa lakad papunta kwarto niya. Pumasok na siya sa loob ng kwarto niya at hindi na lumingon. Napa isip tuloy ako sa sinasabi niya sa akin . Pumasok na din ako sa kwarto ko para maka pahinga na din. Gusto ko ako hahanap para sa kanya baka masaktan lang siya o papaiyakin lang din. Matutulog na nga ako para bukas maaga ako makakapunta sa resort. Kinabukasan maaga akong gumising para maghanda ng agahan. “GoodMorning

