Chapter 44 Ava's Pov Nag gabi na hindi parin siya dumating. Nakapag hapunan na kami ni mama Claire pero walang Hunter na dumating. Tinignan ko ang phone ko walang message. Inaabangan ko kung mag pm sa akin pero walang message talaga akong natanggap. Baka napasarap na siya sa ka meet up niya kaya nagtagal siya doon. Off phone ko na lang ang cellphone para hindi ko siya maisip .Hinayaan ko na lang siya baka nagkakamabutihan na sila ng ka meet up niya. Ni lock ko na ang kwarto hanggang humiga na ako sa kama. Nakatingala ako sa kisame habang iniisip siya . Hindi niya iniisip na may nag alala dito sa bahay kung nasaan siya ngayon. Sa inis ko itinulog ko na lang sa paghihintay ko sa kanya. Alas sais na pala ng umaga. Bumangon na ako sa higaan at kinuha ang uniform kung naka hanger sa c

