CHAPTER 7

1612 Words
CHELLIE Maaga akong nagising para makapag handa sa pagpasok ko sa aking trabaho, paalis na ako ng bahay ng may matanggap akong test galing kay Weng okay na daw sila ni sir Ethan. Dahil naawalan siya kagabi ng malay nung nag inom kami sa bar ay si Sir Ethan na ang nag uwi sa kanya. paglabas ko sa labassan nakita ko si Alvin at Matet na naka upo sa harap ng tindahan ni aling Viring. Aba ang dalawang to ke aga-aga naglalampungan sa labas, lumapit ako kay matet at itininanong ko kung sila na ni Alvin at ngiting ngiti naman ang bruha na parang kinikilig. "Ibig bang sabihin sinagot muna yan si Alvin matet?" tanong ko sa kanya, akala mo sawa kung makalingkis kay Alvin itong si Matet. "Oo naman chellie sinagot ko na siya, nainggit kaba kasi ako ang ipinalit sayo." sagot ni matet. ang bruhang to akala niya yata naiinggit ako. "jusko Matet ingat ka jan kay Alvin, kaya ko yan binasted kasi hindi mo ba alam na may sakit na TB yan naku ingat ka baka pag ginums to gums ka niyan mahawa ka." natatawa kong pananakot kay Matet. KIta ko sa mukha niya ang pag kabahala kaya tawang tawa ako. nakita ko naman ang muka ni Alvin na naniningkit na sa galit sa akin kaya bigla na lang ako tumakbo. "Chellie takbo hanggat may lupa." sigaw ko habang tumatakbo akong palayo kila Alvin. Pagdating ko sa sakayan ng jeep ay may biglang huminto na kotse sa harap ko hindi ko na pinansin dahil hingal na hingal ako sa pagtakbo. May lumabas na lalaki sa kotse at nakangiting nakatingin sa akin. "Tara na hatid na kita baka malate ka na naman," pag aaya ni Troy. Ibang klase din talaga ang lalaking ito laging timing kung dumating may CCTV kaya to sa katawan at alam na alam kung kelan ako papasok at aalis ng bahay kahit di ko naman sinasabi sa kanya. Maaga akong nakarating sa aking trabaho, agad akong nagpalit ng uniforn para makapa umpisa ako ng maaga. Pumasok ang kasamahan kong Vangie at ang sabi ay pinapatawag daw ako sa office ni ma'am Ally. Lumabas ako ng locker room at agad na tinungo ang opisina ng aking supervisor, kumatok ako ng 3 beses at nang may marining akong nagsalita ay pinihit ko ang seradura at pumasok sa loob. "Good Morning po Ma'am pinapatawag niyo daw po ako." tanong ko. "Oo Chellie maupo ka, may gusto lang akong sabihin sayo. May iaalok sana ako sayo baka lang naman gusto mo magtrabaho sa ibang bansa. May agency kasi ang kaibigan ko at kumukuha sila ng mga filipino worker para magtrabaho sa Japan bilang care giver." Sabi sa akin ni Maam Ally. "Naku maam wala po akong gagastusin na pera para sa placement fee baka po malaki ang magagastos bago makaalis eh wala po ako noon. Sakto lang po sa panggastos namin at pambaon ng mga kapatid ko ang kinikita ko. agad kong tugon kay maam Ally. "Sige Chellie kung sakaling magbago ang isip mo at gusto munang magtrabaho abroad lapitan mo lang ako tutulungan kita." ani pa ni maam Ally. Matapos naming mag usap ay agad ko nang ginawa ang trabaho ko, mabilis lang naman ako ngayon dahil nasa ground floor lang ang naka assign sa akin. Breaktime namin ng 10:30 ay sa locker lang ako naglagi hindi pa naman ako gutom kaya hindi na ako nag abala pang lumabas. Kasama ko si Vangie dito sa locker room at nagkkwentuhan kami. "Ano nga pala sabi sayo ni Maam Ally? bakit ka niya pinatawag kanina?" tanong niya. "Ah yun ba, inalok niya lang kasi ako kung gusto ko daw mag trabaho sa japan, may kaibigan daw siyang may agency at pwede niya ako tulungan." tuson ko naman sa kanya. "Oh, ano naman sagot mo pumayag kaba?" "Sa ngayon wala pa kasi ako plano mag abroad, saka kung halimbawa man na mag aabroad ako. Ano naman ang gagastusin ko para sa pag aapply?" "Pero sayang din yun Chellie isipin mo madaming taong gustong magtrabaho sa ibang bansa pero hindi nabibigyan ng pagkakataon. Pero ikaw yung pagkakataon na ang lumalapit sayo tatanggihan mo paba? Tama naman si Vangie minsan lang kumatok ang pagkakataon para sa akin, pero sa ngayon kasi hindi pa ako handa. Pag iisipan ko ito ng mabuti sabi naman ni maam Ally anytime pwede ko siya puntahan pag nagbago na ang isip ko at tutulungan niya ako. Natapos ko na nman ang isang araw kong trabaho at malapit na akong umuwi, nasa bulsa ko ang aking celpon ng maramdaman ko itong nag vi-vibrate dinukot ko ito sa aking bulsa at ang kaibigan kong si Weng ang natawag. "Chell, pwede ba kitang invite nag aaya kasi si Ethan na magbakasyon sa resort niya sa batanggas gusto ko sana kasama ka at isama mo na din si Troy." "Gustong gusto ko naman sumama beshie ang problema may 2 akong trabaho na maapaektuhan saka alam mo naman na dito lang kami umaasa kung aabsent ako wal akong ipambibili ng pagkain ng mga kapatid ko at nang nanay ko. Alam mo naman yun diba."Paliwanag ko kay Weng. "Chell wag ka daw mag aalala si Ethan na daw ang bahala tatawagan niya daw ang pinapasukan mo at dodobelhin niya daw ang sweldo mo ayaw mo ba nun." ani ni weng sa kabilang linya. Nanlaki bigla ang mata ko nang marinig ko na dodoblehin daw ang sahod ko kaya mabilis pa ako sa alas kwatro na sumagot ng OO kay Weng. Sa sobrang tuwa ko ay tinawagan ko agad si Troy at sinabi ko na pupunta kaming batanggas bukas ng umaga at agad din naman siyang pumayag. Bandang alas sais ng gabi naghahanda ako sa pag pasok ko ng coffee shop nang tumawag sa akin ang secretary ng aming manager at pinapasabi daw na naka leave ako ng 5 days ganun din si maam Ally tinawagan niya ako at sabi daw sa CEO office ay naka leave ako ng 5 days. Ang ngiti ko talaga ay abot hanggang tenga, hindi ko akalain na mabibigyan ako ng leave at 5days pa higit sa lahat double pay pa. Masaya akong nag empake ng gamit na dadalahin ko sa Batanggas, maaga din ako natulog dahil maaga din kami aalis 5am daw ng umaga dapat nasa parking na kami ng condo nila Weng. Alas kwatro pa lang ng umaga ng magising ako kinabukasan may usapan kmi ni Troy na susunduin niya ako sa labasan, ang sasakyan niya kasi ang gagamitin namin para daw hindi na kami makikisakay kila Weng. Eksakto alas singko nang umaga ay nasa parking na kami ng condo nila nakita na din namin doon si Sir Ethan at mga kapatid ni Weng. Maaga pa ay nakarating na kami ng Batanggaw at mapapa wow! ka naman sa ganda ng lugar binigyan kami ni Ethan ng sarili naming villa ni troy para daw walang istorbo sa amin. Natuwa naman ako dahil ngayong araw ay balak ko na sanang sagutin si Troy. Matagal ko naman na itong pinag isipan at alam kong ito na ang tamang panahon para tugunan ko naman ang inaalok niyang pag ibig s akin. Nasa loob kami ng villa ni troy at nag papahinga, naka upo ako s couch habang siya naman ay naka upo sa kabilang couch. Kanina ko pa siya nakikitang parang balisa at hindi mapakali, kaya ako na ang nag tanong sa kanya. "Troy may problema ba? kanina pa kita nakikita na parang hindi ka mapakali jan?" "Pangga may sasabihin sana ako sayo, alam mo naman na mahal na mahal kita diba. Noong sinabi mo sa akin na hindi ka pa handa para pumasok sa isang relasyon nirespeto ko naman. Pero kasi medyo matagal tagal na din akong nanliligaw sayo., gusto ko lang sanang malaman kung may patutunguhan ba ang panliligaw ko sayo." "Troy pasensya kana ha pero kasi......................... sa tingin ko ......... mahal na din kita, noon pa naman kita mahal pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil alam mo naman na ang pamilya ko ang una sa listahan ko diba. Pero ngayon handa na akong sumagal sayo, gusto ko ding maranasan na maging masaya. Gusto kong maranasan kung paano mag mahal at mahalin at gusto ko sayo ko unang maranasan kung gaano ba kasarap at kasaya ang magmahal." Naiiyak ko nang sabi kay Troy. Sa totoo lang ang pagiging masayahin ko sa ibang tao ay kabaligtaran pag ako na lang mag isa, punong puno ang puso ko nang hinanakit sa magulang ko. Kasi parang pinaako na nila sa akin lahat, hindi ko na naranasang ienjoy ang pagiging dalaga ko. Pero sa kabila ng lahat ng yon hindi naman ako nagsisisi na tinutulungan ko ang pamilya, masaya ako sa ginagawa ko at higit sa lahat mahal na mahal ko ang mga kapatid ko. "Pangga pangako ko sayo mula ngayon hindi muna sosolohin ang hirap tutulungan kita sa lahat ng bagay, ibibigay ko sayo lahat ng makakapagpasay sayo. Mahal na mahal kita Chellie simula pa noong una kitang makita sa tindahan ni Aling Viring kaya nga ako gumawa ng paraan para mapalapit sa inyo ni Weng. Salamat Pangga at binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka, promise ko sayo aalagaan at mamahalin kita habang buhay. Hinding hindi kita sasaktan at lagi kitang susuportahan sa lahat nang pangarap mo." Umiiyak na ding ani ni Troy. Bakit ba tayo nag iiyakan di ba dapat masaya tayo kasi ngayon officialy on na tayo PANGGA MUNA AKO AT IKAW NA ANG AKING LANGGA biglana lang akong hinatak ni Troy sa aking braso at hinapit niya ako sa aking baywang at ginawaran ngisang matamis at puno ng pagmamahal na halik, halik na may pag iingat at paggalang......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD