—Joanna’s POV— Dalawang buwan na ang nakakalipas simula ng umuwe kami ni Mike dito sa Pilipinas at ang loko hindi man lang nagpapakita sakin kapag umuuwi ako galing school. Palagi ito nasa barkada o kaya sa mga babae nito, ayaw ko talaga sa mga lalaking ganyan, mga lalaking walang direksyon ang buhay at puro pambababae lang ang alam! Kaya lang kapatid ko si Mike, mahal na mahal ko ito kaya hindi ko magawang magalit sa kanya, lalo na ang pigilan ito. Alam kong maling ibaling sa pambabae ang lungkot na nararamdaman nito kaya lang ayaw kong makita ulit itong halos patayin na ang sarili sa alak, ayaw ko na ulit makita sa mga mata nito ang kagustuhang mamatay na lang kesa mabuhay. Alam kong maling hayaan lang ito kaya lang isa akong Ate, sang Ate na ayaw mawalan ng kapatid. Natatakot kasi ak

