[Joanna's POV] Pagkagising ko ay naramdaman ko ang sakit ng mga mata ko. Magang-maga nanaman ito kaiiyak, tumayo na ako at naghilamus, bumaba na rin ako para kumain. "Si Mike?" "Maaga pong umalis." "Hindi ba sinabi kung saan pupunta?" "Hindi po." "Okay." Dumeretso na ako sa hapag kainan at madali naman akong ipinaghanda ng makakain ng mga katulong. 'Nakakawalang gana namang kumain dito, masyado kung na ramdam ang pag-iisa ko, wala kasing kasalo.. wala pa si Mike namimiss ko na tuloy mga magulang ko, pati na rin ang black unicorn!' Teka, matagal tagal na rin pala akong hindi napapasabak sa labanan. "Tama!" bulalas ko. "Ano pong problema? Hindi po ba masarap yang mga pagkain?" nag-aalalang tanong ni Manang. "Ay, hindi po, ibig kong sabihin, masarap ho! Sige may nakalimutan akong

