MATAPANG si Wendy pero nang sandaling iyon ay hindi mapasunod ng isip niya ang katawan. Hinang-hina siya. Hindi na nagbalik ang dating lakas niya mula nang malaman niya ang sinapit ng ama. Hindi na rin siya kumain nang tama mula noon. Halos tubig at crackers lang ang laman ng tiyan niya. Lalo siyang nanghina pagkatapos niyang mag-throw up kanina. Pakiramdam niya, babagsak na naman siya anytime. Salamat na lang at hindi niya kailangang lumaban para sa sarili nang gabing iyon Kung nagkataon ay tapang lang ang mayroon siya, wala na halos natitirang lakas sa kanya. Hindi pa naman niya gustong ipaubaya ang buhay sa beast bodyguard niyang walang modo. Ibang iba si Shanely sa mga bodyguards na nakaharap niya. Mas magaspang ang ugali kaysa sa kanya. Wala nang modo, wala pang concern s

