--* NANG MALAPIT NA KAMI SA BAHAY namin ay napalingon ako kay Julio habang kumakabog ang dibdib ko dahil kinakabahan na ako. Kinakabahan kasi ako dahil baka magalit si Inang kapag nalaman niyang buntis ako at pumatol sa isang matanda. At baka hindi na niya rin matanggap ang pagsasama namin ni Julio kasi nga ang layo ng edad. Imbes na matuwa ako ngayun dahil gawa na ang bahay na pinagawa ko ay kaba ang nararamdaman ko ngayun sa aking puso. Halo halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayun. Pati mga palad ko ay namamawis dahil sa kaba kaya naman naramdaman kung pinisil ni Julio ang kamay ko. " Everything well be fine, baby." " Natatakot kasi ako ey." Aniya na makikita sa mukha ko ang kabang nararamdaman habang kumakabog ang puso ko. " Magiging maayus 'din ang lahat." Anito na hinaplos an

