--* MATAPOS NAMING KUMAIN NI JULIO sa restaurant ay umalis na kami habang bitbit namin ang natirang pagkain. Ibibigay kona lang iyon kay Princess kapag dumaan kami sa park. Marami pa iyon dahil ang dami niyang inorder. Masarap naman ang luto pero busog na busog na kasi ako. " May gusto ka pang kainin?" Tanong niya sakin ng nasa loob na kami ng sasakyan. " Busog na busog na nga ako ey. Pakakainin mo pa ako." Reklamo ko kasabay ng pag-nguso ko. Napangiti naman si Julio saka hinawakan ako sa kamay habang nagda-drive. " Sino pala si Tanya?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kanya. Hindi ko natanong kanina kasi inaantay kung si Julio ang magbukas ng paksa. At mukhang wala siyang balak magsalita. Nakita ko naman na natigilan si Julio kaya napatitig ako sa kanya. " My Ex." " Ex?" Ulet ko. " S

