--x HINDI NA KAMI PUMUNTA SA PATAY dahil galing ako sa hospital at nagpahinga na lang ako sa kwarto ko. Atsaka ayaw ko rin naman pumunta dahil tinatamad ako. Sa last lamay na lang kami pupunta doon. Kasama ko si Julio ngayun at pinayagan naman kami ni Inang basta walang magaganap samin dalawa. Hindi pa kami kumakain ng hapunan kasi nagluluto pa sa baba si inang. Magkatabi kami ni Julio sa kama at nag-uusap ng may kumatok sa pintuan kaya bumangon si Julio saka binuksan ang pintuan ng kwarto. Pumasok si Betty at tinanong ako. " Kumusta?" Akala ko umuwe na siya. " Okey naman na ako. Akala ko umuwe kana." Taka kung tanong kasi nagpaalam na siya kanina. " Oo pero bumalik lang ako. Pupunta kaba?" Umiling ako. " Bukas na. Tinatamad ako pumunta." Sagot ko. " Hmm.. okey. Pahinga kana muna.

