~~* DALAWANG LINGGO NA ANG MATULIN na lumipas ng makatanggap ako ng masamang balita mula kay Betty. Patay na raw si Toto at hindi na kinaya ang sakit nito. Hindi na rin siya nakakainum ng gamot dahil sa hirap ng buhay nila kaya binawian siya ng buhay. Gusto ko sanang umuwe sa bicol dahil naging magkaibigan naman kami ni Toto. Magpapaalam muna ako kay Julio at sana ay payagan niya ako. Tutal naman ay hindi ako nakakauwe samin kaya uuwe ako. " Baby?" Tawag ko sa presensya ni Julio habang nagbibihis ito ng pampasok sa trabaho. Papasok na kasi siya sa work. Katatapos lang 'din niya maligo. Kahapon ko natanggap ang balita kay Betty at isang linggo daw ibuburol si Toto sa kanila para makaipon ng pera. May pasugalan kasi samin kapag may patay at may mga abuloy 'yun. " Yes, baby?" " Ahm.." N

