--* PAGKATAPOS NAMIN KUMAIN AY umakyat agad kami sa taas habang masama ang mukha ko. Sinabi kasi ni Inang kanina na hindi kami pwede magtabi ni Julio habang nandito kami mamalagi. Matutulog ako sa tabi ni Inang, samantalang si Julio ay mag-isa sa taas. " Kainis talaga. Pakakasalan mo naman ako ey. Bakit bawal?" Gigil ko parin sambit habang subrang sama ng mukha ko. Pinakalma naman ako ni Julio dahil palakad lakad ako dahil sa inis na nararamdaman ko. At masuyo niya akong pinaupo sa kama ko. " Kailangan natin tanggapin 'yun bilang respito sa nanay mo, baby." Aniya sa malumanay na boses kaya napatitig ako sa kanya. Ang kalma niya parin niya at nakaseryuso ang mukha nito. Parang hindi siya natatakot na mawawalan siya ng seks life dahil isang linggo kami dito. Wala manlang akong nakitang

