PUMASOK si Chiara sa bahay na kanyang tinutuluyan, hinubad niya ang suot nitong takip sa mukha. Namumula at namamaga ang kanyang mga mata sa pag iyak. Lumabas naman si Jomare sa maliit na kwarto katabi si Dindo na isa sa mga tauhan niya. Pagkakita nila sa kanya ay nakahinga ng maluwag ang mga ito. “Saan ka nanggaling?” tanong ni Jomare na nagmamadaling sumalubong sa kanya. “Sa labas lang.” Simpleng sagot niya at umupo sa sofa at huminga ng malalim. Tumayo si Jomare sa harapan niya habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa nito at pinagmasdan siya. “Lumabas ka upang makita ang lalaking iyon tama ba?” mukhang siguradong saad nito. Hindi sumagot si Chiara, nanatili lang siyang nakatitig sa kawalan habang kagat-kagat ang ibabang labi. “Paano mo nagagawa ang isang bagay na kasing tan

