“TUMAWAG na ba si Nanami?” tanong ni Danie habang humihikab. Umiinom si Laila ng tubig at umiling-iling. “Hindi pa nga!”
“Anong oras ka ba natulog kagabi?”
“Halos hindi ko nga maipikit ang mga mata ko at talagang nag-aalala ako aalala ako para kay Nanami,” sabi pa ni Laila sa tanong ng kaibigan.
Huminga ng malalim si Danie at nagtimpla rin ng sarili nitong kape.
“Sinabi sa akin ni Luke na tawagan ng tawagan daw natin si Nanami kung hindi pa siya tatawag ngayon ng buong araw.” Suggest naman ni Danie, kaya tumango si Laila.
“Iyan talaga ang gagawin ko.” Pag-sang-ayon din nito.
“Sigurado akong ayos lang siya, pero mas mabuti na rin iyong nakasisigurado tayo. Kaya 'wag ka ng mag-alala diyan.” Sabi ni Danie at tinapik ang kanyang balikat.
Ngumiti naman si Laila at saka tumango tango pa ito.
“Okay, magluluto lang ako ng almusal natin.” Dugtong pa ni Danie.
SAMANTALA “Magandang umaga, Miss Nanami.” Masayang bati ni Eve na may matamis na ngiti sa labi ng batiin niya si Nanami.
Ngumiti si Nanami, bilang ganti at nagtaka sa pangalan na tinawag sa kanya ng matanda.
“Magandang umaga rin sayo manang Eve,” Pumuwesto siya sa dining table at nacurious sa pagbanggit nito sa kanya na Nanami.
Kaya lang hindi pa siya nakakatanong ng
lumitaw ang babaeng clown pero himala, wala yata itong make up ngayon.
Pero infairness maganda naman pala ito kapag walang make up hindi na masama.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Eve ng makita niya si Chiara, “Magandang umaga manang Eve,” pekeng ngiti ni Chiara.
Umikot naman ang mata ni Chiara ng mapadako ang mata nito sa kanya. Umupo ito sa tapat niya at tumaas ang kilay nito.
“Ano po ba ang bre. . .
“Anong almusal natin, manang Eve?” Pinutol ni Nanami sa pagsasalita ni Chiara.
Ibinaling ni manang Eve ang atensyon sa kanya at ngumiti. “Sinangag at bacon meron din tayong salad sa mga hindi nakain ng heavy breakfast.” Madiing sabi naman ni Manang at bumaling ang tingin kay clown este hindi na pala siya clown ngayon, mukha na siyang bangkay na buhay dahil medyo maputla ito kapag walang make up kaya siguro laging makapal make up nito.
Sinamaan ng tingin ni Chiara si Nanami
“How dare you to cut me out like that? Bingi ka ba na hindi mo narinig na kinakausap ko si manang Eve?”
“Ah kinakausap mo pala si manang? Akala ko kasi nag-oorasyon kariyan?” tanong ni Nanami na parang gulat na gulat.
“Your son of . . .
“Opps bawal magmura na kikita tayo ni Lord, nasa hapagkainan din tayo!” sabi naman niya at pinandilatan si Chiara.
Habang si Manang naman ay nagpipigil ng tawa dahil hindi makapalag si Chiara kay Nanami.
“Ikaw!!” nangigil na sabi nito at nandidilat pa sa inis.
“Tama na iyan, umupo na kayo at kumain na! Asan na ba si Amalie, Nanami?” pigil ni manang sa dalawa at baka kumulaps na si Chiara sa inis kay Nanami, mahirap na baka marinig ni Venom na nag-aaway sila at makita pa ng bata.
“Parating na po sila tinatawag lang ni Amalie ang kanyang daddy at sasabay daw sa almusal.” Sabi naman ni Nanami at tumigil na sa pang-aasar kay Chiara.
“Alam nating pareho na hindi siya kakain dahil pinuntahan ko na siya kanina ayaw niya gumising.” Mataray namang sabat ni Chiara kay Nanami.
“Sa tingin ko, dapat mo na manang ayusin ang kakainan ni boss!” sabi naman ni Nanami at hindi pinansin ang pagsasalita ni Chiara.
“Bakit?”
“Dahil sasabay iyon sa hapagkainan manang sinundo na siya ni Amalie.”
“Sigurado ka ba riyan, iha?”
“Ate Nanami!” sigaw ni Amalie at sumugod sa gilid ni Nanami na nakangiti ng malawak.
Dumating na rin si Venom na nakasunod sa anak at umupo sa unahan ng mesa kung saan ito nakapwesto.
Ngumiti naman si Nanami at maingat na kumindat sa bata na kumindat din sa kanya pabalik.
“Venom, kakain ka?” hindi makapaniwalang saad ni Chiara kay Venom.
“Yes, manang pakilagyan mo na ako ng plato!” utos nito kay Manang.
“Sige gagawin ko.” Masaya at nagmamadaling sabi ni Eve at inayos ang plato at kubyertos na kakainan ni Venom.
Dumako naman ang tingin ni Venom kay Nanami ng makita niya ang magandang ngiti ng dalaga. Pero imbes na umiwas si Nanami ng tingin kay Venom ay kumindat pa siya rito.
Naninigas naman ang mukha ni Venom sa ginawa ni Nanami at kinalma ang sarili para hindi makalikha ng hindi kinakailangang eksena sa presensya ng kanyang anak.
SAMANTALA, bumaba ng hagdan si Matilda at pumunta sa sala.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapunta ang tingin niya sa bisita nila.
Tumayo si Adrian at ngumiti kay Matilda.
“Tita Matilda, good morning po!” bati ni Adrian sa madrasta ni Nanami.
“Ay naku bakit hindi mo sinabi na darating ka? Anong ginagawa mo rito, anak?” lumapit ito kay Adrian at nag yakapan silang dalawa.
“Maaga po kasi ako lumuwas para makita ang aking magandang biyenan, sana huwag kang magalit.”
Ikinumpas nito ang kanyang kamay at saka ngumiti, “Syempre hindi. Lagi kang welcome dito iho!”
“Salamat tita.”
“Upo ka!” alok nito at umupo na rin.
“Kumusta na? kailan ka pa bumalik?”
“Kahapon lang po tita! Tapos na kasi ang ginagawa kong prodject sa Cebu.
Architect kasi ito at may ginagawa silang building sa Cebu actually doon muna siya namalagi ng halos limang taon. At paminsan minsan ay lumuluwas siya ng Maynila nitong nakaraang buwan para sana makipagkita kay Nanami upang makausap ito.
“Mabuti naman kung ganoon, so anong nagdala sayo dito para maging maaga ang pagdalaw mo, dito ka na ba for good ulit sa Manila?”
“Yes tita, dito na ako at hindi na ako aalis, wala na rin naman akong gagawin sa Cebu. At saka tita kaya ako pumunta sa inyo dahil tungkol ito sa relasyon namin ni Nanami. Dahil sa kadahilanang hindi niya sinasagot ang aking mga tawag o tumatanggap ng aking pagbisita, tuwing luluwas ako rito para kay Nanami. Gusto ko sanang makipag-usap sa kanya at ng personal na humingi ng tawad sa kanya at para na rin magkabalikan kami!” Mahabang sabi ni Adrian.
“Alam ko pong kasalanan ko pero ginagawa ko naman po ang lahat para humingi ng tawad sa kanya at ipakitang nagsisisi na po akong nasaktan ko siya, hindi ko na po iyon uulitin.”
“Alam ko naman na lahat tayo nagkakamali, at ramdam ko na nagsisisi ka naman.”
“Salamat po tita. Ayoko man pong idamay ka sa relasyon namin pero wala na po akong ibang paraan na nakikita para mapatawad ako ni Nanami, ikaw na lang po ang pag-asa ko, tita!”
“Hayaan mo at gagawa tayo ng paraan. Kinukumbinsi ko na ang asawa ko na pauwiin na si Nanami rito, para magkaayos na kayo ni Nanami at magpakasal na kayo sa lalong madaling panahon.” Pang-aalo naman ni Matilda kay Adrian, dahil gusto talaga niyang ito ang mapangasawa ng kanyang step daughter na si Nanami.
Ngumiti naman si Adrian, dahil alam niyang may kakampi siya sa oras na ito. Wala man siyang ginawa para magustuhan siya ng madrasta ni Nanami pero natutuwa siya at kakampi niya ito. Lalo na ngayon na wala na siyang trabaho ng mga panahong karelasyon niya si Precilla. Kaya kailangan na niyang makuha ulit ang loob nito dahil ito na lang ang pag-asa niya para 'di siya maghirap.
Kakaunti na rin ang kanyang naipon sa pagiging Architect kaya si Nanami na lang ang pag-asa niya.
(“TUMAWAG ka pang babae ka!”) sigaw ni Laila ng makatawag si Nanami matapos nilang kumain ng almusal.
“Kalmahin mo nga iyang sarili mo. Gusto mo bang sirain ang eardrum ko?”
(“Talagang sisirain ko iyan. Nakikita mo lang ba ang mga missed calls ko sayo ha?”)
Kinagat ni Nanami ang kanyang labi.
“Pasensya na naging busy lang ako.”
(“Busy?” Napangisi si Laila. “Abala saan sa pang-go-good time sa amin nitong mga nakaraang araw?”)
“Okay calm down, mukhang asar ka yata ngayon.”
(“Ako asar, hindi ah, hindi ka nagkakamali. Nag-alala lang naman kami sayo bruha ka! Ni hindi nga ako nakakain o nakatulog noong nakaraang gabi dahil sayo.”) Napabuntong-hininga naman si Nanami.
(“Sa tingin mo matapos mong mag send sa amin na natatakot ka, tapos ng tawagan ka namin hindi ka man lang sumagot para sa kaalaman mo, hindi kami mapakali dahil baka kung ano na ang nangyari riyan sayo?”) naiinis na sagot ni Laila kay Nanami.
Ngumiti si Nanami ng pilit, “Sorry na kung hindi kaagad ako nakatawag sa inyo dalawang araw kasi akong walang malay kaya ngayon lang ako nakatawag sa inyo para sabihing okay na ako. Pasensya na kung pinag-alala ko kayo sorry na please!”
(“Ano ba kasing nangyari sayo at nagtext ka ng ganoon?”)
“Nakulong kasi ako sa isang storage room at iyon nga wala sa akin nakakita kaya ilang oras akong nakulong doon. Siguro dahil sa masikip at madilim kaya nakaramdam ako ng takot at nahimatay ako.”
(“What? So kumusta ka na bakit kasi nakulong ka roon? Alam mo naman na may phobia ka sa madilim at masisikip na lugar?”) nawala ang inis ni Laila at napalitan ng pag-aalala.
“Basta may inilalagay lang ako doon ng bigla na lang naisara ko ang pintuan at nang lalabas na sana ako sira pala ang lock kaya ayon. Nakulong ako at nahimatay tapos biglang bumalik sa aalala ko ang nakaraan ko kaya naaalimpungatan ako at natakot sa biglang pagbalik ng mga bangungot ko, kaya sorry na kung hindi agad ako nakakontact sa inyo.” Pagpapaliwanag ni Nanami, pero nagsinungaling siya hindi naman talaga iyon ang nangyari.
Pero kapag sinabi niya ang totoo tiyak na pauuwiin siya ng mga ito, kaya kailangan niyang magsinungaling. Lalo na ngayon na natsa-challenge siya sa sitwasyon na meron siya sa bahay na iyon.
Napabuntong hininga naman si Laila at saka nagsalita.
(“Sigurado ka bang okay ka na riyan? Sa susunod kasi mag-iingat ka na ah, mamatay ako sa nerbyos ko dahil sayo!“)
“Oo naman kaya nga tumawag agad ako sa inyo ng magkamalay ako para 'di na kayo mag-alala sa aki. . .Wait may tumatawag lang sa akin.” Pagpuputol ni Nanami.
(“At sino ba iyang isturbo na iyan?”)
Kumunot naman ang noo ni Nanami na mapagsino ang tumawatag sa kanya.
“Si mommy Matilda!” Hindi makapaniwalang sabi ni Nanami.
Nanlaki naman ang mga mata ni Laila. (“Si tita Matilda at ano naman ang pakay niyan sayong gurang na iyan?”) tanong pa ni Laila.
“Hindi ko alam, nagulat din ako gaya mo.”
Sabi naman ni Nanami.
(“Sige sagutin mo na iyan, alam mo naman ang ugali niyan.”) Nakakaintinding sabi naman ni Laila bago niya ibinaba ang kanyang cellphone.
Swinipe ni Nanami ang tawag at sinagot ang tawag ng kanyang madrasta.
“Ano bang kailangan n'yo at tumawag kayo?”
(“Ahh at last sinagot mo rin ang tawag ko?”) Napuno ng boses ng lalaki ang kabilang linya.
Napakunot ang noo ni Nanami sa pagkataranta. Tiyak na hindi iyon boses ng kanyang ama. Pero parang pamilyar ang boses na iyon.
Nanlaki ang mga mata niya ng mabosesan niya ang nagsalita.
“Adrian?”
(“Hi Nanami kumusta ka na?”)
“BAKIT mo ako pinatawag?” tanong ni Marcel kay Boa habang naglalakad palapit sa lalaki.
Inikot ni Boa ang kanyang upuan para harapin ang lalaki at ngumiti.
“May magandang balita ako.”
Ipinasok ni Marcel ang kanyang mga kamay sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon at inihilig ang kanyang ulo sa gilid ng dingding.
“Ano iyon, siguraduhin mo lang na importante iyan dahil busy ako ng tumawag ka?”
“Oo naman at siguradong matutuwa ka. Sa wakas nakuha ko na ang lokasyon ni Mr. Hernandez!” masayang sagot ni Boa.
“Talaga!” tumayo ng tuwid si Marcel at excited na lumapit sa monitor.
“Oo! Pero may masamang balita.” Pagpuputol sa excitement ni Marcel.
“Ano iyon?” seryosong sabi ni Marcel.
“Ang kanyang lokasyon ay tumuturo sa isang sikretong paliparan dito sa Maynila.”
“Bakit nasa airport siya?”
“Alam mo na ang ibig sabihin niyan.”
“Sh*t, aalis siya rito sa Pinas? kailangan kong sabihin ito kay master Venom ora mismo.” Agad na lumabas ng kwarto si Marcel at nagmamadaling pinuntahan si Venom.