PUMASOK sina Jomare at Chiara sa kotse na nag aabang sa kanila at agad na pinaharurot ang kanilang sasakyan papalayo sa nasusunog na bilangguan. Pagkalipas ng kalahating oras ay dumating sila sa isang hideout na pinagtataguan ni Chiara. Hinubad ni Chiara ang itim niyang jacket na suot niya at ibinagsak ito sa sopa. Pinalaya niya ang isang malalim na buntong-hininga at pumunta sa kusina upang uminom ng alak na kinuha niya sa kanyang mini refrigerator. “Nakakapagod!” saad niya, sumunod si Jomare doon at kumuha rin ng maiinom. Napangisi naman si Jomare at malalim siyang tiningnan, habang sumandal sa pader at naka cross arm pa ito. “Hindi mo ba ako ipapakilala sa babaeng bago mong itinuturing na kaaway kay Venom?” Nagtaas naman ng isang kilay si Chiara na may pagtatanong sa mukha nito.

