“MUNTIK na akong matanggal sa trabaho kanina.”
“Ano? Talaga?” tanong ni Danie.
“Oo. But thankfully, binago ko ang kapalaran ko.” Sabi niya habang nag-aaply ng lotion sa katawan.
“Paano mo nagawa iyon?” tanong naman ni Laila, mag ka-video call sila ngayon.
“Dahil kay Amalie, ipinagtanggol niya ako, ang bait talaga ng batang iyon.”
“Ginamitan mo naman siguro ng kalamangan ano?” naiiling na sagot naman ni Danie sa kanya.
“Mmn, may kunti akong ginawa pero si Amalie lang talaga ang dahilan kaya ako 'di nasisante,” ngisi ni Nanami.
“Ikaw talagang bruha ka. Nakapulupot sa mga daliri mo ang kawawang inosenteng bata.” Humalakhak si Laila.
“Nagtataka pa rin ako kung bakit, bakit ka niya nagustuhan?” dugtong pa nito.
“Ewan ko wala naman akong ginawa doon sa alaga ko. Pero maniniwala ka ba na nagbanta siyang aalis ng bahay kapag pinaalis ako ng tatay niya?”
“Sinabi iyon ng alaga mo?” tanong ni Danie.
“Oo.” Walang gatol na sabi niya.
“Wow. Hindi ako pakapaniwala. Ilang taon na ba ang batang iyon?” tanong ni Laila.
“Lima!”
“At ganoon na siya mag-isip, siguro matalinong bata iyon?”
“Oo at parang matanda na kung makipag-usap sa akin ang daming alam!” Natutuwang sabi naman ni Nanami.
“Hmm. Anong pangalan niya?” tanong naman ni Laila.
“Amalie ang pangalan niya.”
“Ah kagandang pangalan, siguro magandang bata iyang si Amalie ano?” si Laila pa rin.
“Oo maganda siya mana sa ama niyang gwapong masungit, kahit pinaglihi yata iyon sa sama ng loob.” Wala sa isip na sagot ni Nanami.
“Wait, aalis muna ako,” sabi ni Nanami.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Danie habang pinapanood si Nanami na nagbibihis mula sa video call.
“Ihahatid ko ang bata sa paaralan.” Sumagot naman ito habang nagsusuklay.
“Oh ganoon ba sige,” napabuntong hiningang sabi ng magkaibigan miss na talaga nila si Nanami sa totoo lang ang kakulitan nito pati na kung paano ito maging taga awat nila kapag nagbabardagulan sila ni Laila.
“Sige mag-iingat ka riyan sa amo mong masungit hindi pala kami dapat mag-alala sa bata kung hindi sa ama ng alaga mo, kung masungit siya ay ’wag na ’wag kang maiinlove doon mahirap na.” Paalala naman ni Laila at Danie sa kanya.
“Baliw ang lalaking iyon. Lahat ng ginagawa niya ay pinagbabantaan lang buhay ko. Kaya sinong nagsabing maiinlove ako doon, never.” Sabi naman ni Nanami at saka kinuha ang kanyang bag.
“Wee?” sabay na sabi ng kanyang mga kaibigan.
“Hala, sabay pa talaga kayong sumigaw.” Natatawang sabi niya sa mga kaibigan.
“Ngunit, huwag kayong mag alala sa akin, hindi ako nagpapakita ng tanda ng takot o kung ano pa man doon matapang yata 'tong bestfriend n'yo.” Pagyayabang niya sa mga ito.
“Pero dapat ka pa ring mag-ingat, Nanami.” Sabi naman ni Laila.
Tumango naman si Nanami na may ngiti sa labi, “I will. I gotta go. Next time na lang ulit tayo mag video call.”
“Sige ingat ka diyan.” Sabay namang sabi nina Danie at Laila.
Kinawayan niya ang dalawa at saka pinatay na ang tawag. Tinitigan niya ang sarili sa huling pagkakataon sa salamin at sumilay ang ngiti sa labi niya.
“Mababago rin kita sana magawa kong mapabago kita para kay Amalie.” Bulong niya sa kanyang sarili para kay Venom at inayos niya ang kanyang damit bago lumabas ng kanyang silid.
Pumasok si Nanami sa bahay. Matapos niyang makabalik mula sa paghatid kay Amalie sa school.
Tinungo niya ang kusina at kinuha ang kanyang cellphone sa bag hindi siya nakatingin sa nilalakaran kaya may nabunggo siya.
“Shit.” Mura ni Mela at nahulog sa sahig ang baso ng tubig na hawak nito.
“D*nm. Sorry hindi ko sinasadya.” Mabilis na humingi ng paumanhin si Nanami at inilagay ang kanyang cellphone sa bag.
“Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaan mo?” napaungol si Mela sa inis at bumalik sa kusina para kumuha ng mop.
“Let me help you!” alok sana si Nanami pero pinigilan siya ni Mela ng makabalik ito galing sa loob ng kitchen na may dalang mop.
“Huwag ka ng mag-abala. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Gayunpaman, ang tanging tulong na maibibigay mo sa akin ngayon ay ang umalis ka sa basa at pupunasan ko itong kalat na ginawa mo.” Mataray na sabi naman ni Mela sa kanya.
“Sorry ulit dahil kasalanan ko naman.” Sabi niya kahit nainis siya sa inasal nito sa kanya at tumalikod na siya at saka umalis.
‘The only reason why I'm not going to say anything to rude you ay dahil ako ang may kasalanan. Pero kung wala kanina ka pa nakatikim sa akin ng talak,’ bulong naman ni Nanami habang pinagmamasdan niya si Mela na hindi makapaniwalang may katarayan din naman pala itong tinatago.
“Tsk.” tugon naman si Mela dahil narinig niya ang binulong ni Nanami bago ito umalis, napailing na lang ito at sinimulang linisin ang sahig na natapunan ng tubig.
LUMABAS na lang si Nanami sa hardin at na upo sa bench na naroon ang kanyang tingin ay nakatuon sa magagandang bulaklak na namumukadkad sa ilalim ng sinag ng araw.
Bakas sa mukha niya ang inis dahil kay Mela.
“Ang weird talaga sa mansyon na ito.” Bulong niya habang inuunat unat ang kanyang mga paa.
“Kasama ba riyan ang mga tao rito?” sabi ng isang boses mula sa likuran niya.
“Ay tae ng kalabaw!” medyo nagulat siya at mabilis na lumingon kung sino ang nagsalita.
“Sino ka?” tanong niya hindi niya kilala ito dahil ngayon lang niya nakita ang lalaki sa laki kasi ng mansyon na ito ay minsan mo lang talaga makikita ang mga tao rito.
“Hi, ako si Boa, not Baw it’s Bowa.” Pakilala nito sa kanya at umupo sa harapan ni Nanami.
“Boa?” ulit niya sa sinabi ng lalaki.
“Yes!” Tumango naman ito at ngumiti.
“Bakit hindi kita nakikita rito o hindi ko na ririnig ang pangalan mo sa mga kasambahay dito?” tanong niya.
Nagkibit-balikat naman ito bago sumagot; “Siguro dahil hindi talaga ako mahalaga para pag-usapan ng mga tao at lagi akong nasa CCTV area para bantayan lahat ng sulok ng mansyon na ito or galaw ng mga taong nandito.” Simpleng sagot nito.
“Ah kaya pala, ako nga pala si Nanami Heart, tawagin mo na lang akong Nami kung nahahabaan ka sa pangalan ko.” Pakilala naman niya dito saka siya ngumiti.
“Yeh, I know you! nabangit ka na sa akin ni Marcel na ikaw ang bagong yaya ni Miss Amalie. Ikinagagalak kitang makilala ka at sa wakas ay nakita rin kita ng malapitan,” nakangiting sabi nito at mataman siyang pinagmamasdan.
Tumawa si Nanami, “Bakit iba ba ang mukha ko sa monitor ng CCTV na binabantayan mo kaysa sa mukha ko sa personal?” biro naman ni Nanami sa lalaki.
“Hindi naman mas maganda ka lang sa malapitan.” Sabi naman ni Boa kaya napangiti si Nanami.
“Salamat, pero hindi naman masyado slight lang!” wika naman ni Nanami at bumalik ang tingin sa mga bulaklak na dinadapuan na ngayon ng mga paru-parong ligaw.
Nakangiti silang dalawa at isang komportableng katahimikan ang namagitan sa kanila.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.” Biglang sabi ni Boa at binasag ang katahimikan.
“Ano ba ang tanong mo?”
“Iyong kanina na sabi mo na ang weird ng bahay na ito. Kaya tanong ko kung kasama ba roon ang mga taong nakatira dito?”
Napakagat labi naman si Nanami bago sinagot ang tanong nito; “Uhm! hindi naman. Kaya lang pansin ko lang na lahat ng tao sa bahay na ito ay parang ayaw sa akin.”
“Bakit mo naman na isip iyon?”
“I don't think that pero alam ko. Halatang halata ko naman,” matamlay na sagot niya.
“Gusto kita!” sabi naman ni Boa kaya napalingon si Nanami sa lalaki.
“I mean, gusto kita dahil mabait ka kita mo naman hindi mo ako sinungitan ng lapitan kita kanina.” Dugtong nito at napakamot sa ulo.
“Sinasabi mo lang 'yan kasi first time mo pa lang akong nakilala.” Sabi naman ni Nanami.
“Hindi, sinasabi ko 'yon kasi gusto talaga kita bilang ikaw. Kita naman sa pakikitungo mo sa akin ngayon na mabait ka naman and especially, ’yong vibes mo dahil hindi ka natitinag kay master Venom sa pagsusungit niya sayo.” Sabi naman ni Boa.
Katahimikan na naman ang namayani sa kanila pero nagsalita ulit si Boa.
“Naniniwala ka ba sa ‘love at first sight’?”
“Hindi. Pero naniniwala ako sa hate at first sight.” Biro ni Nanami pero hindi natawa ang lalaki.
“Ako na niniwala ako sa love at first sight at alam kong mahahanap ko ang love na iyon para sa akin. Pero wait, sa Love ba ay hindi ka rin naniniwa?”
“Noon, pero ngayon ay hindi na!” sagot naman ni Nanami.
“May nangyari sa love life mo ’no?”
“Sabihin na nating nadurog na ang puso ko sa isang daang piraso ng lokohin ako ng taong minahal ko ng halos anim na taon, kaya simula noon hindi na ako naniniwala sa love, love na iyan.” Wala na siyang naramdamang lungkot ng sabihin niya iyon.
“Ang sama naman ng nagloko sayo. Ang ganda mo na pero nagawa ka pa ring lokohin. Pero mas masama iyong hindi ka na naniniwala sa pag-ibig.”
“Ano naman ang masama roon?”
“Kasi hindi naman mawawala ang pag-ibig sa tao, nandiyan lang iyan. . .
Naputol ang sasabihin ni Boa ng may magsalita mula sa likuran nila ni Nanami.
“Anong ginagawa niyong dalawa dito?” tanong ni Mela mula sa likod na nakaagaw ng atensyon nila.
“Ay, Mela nandito ka pala.” Ngumiti si Boa sa babae.
Ngumiti rin si Mela dito bilang ganti, “Hindi ba kayo busy at nagtsi-tsikahan kayo rito ng ganitong oras?”
“Hindi naman, dahil breaktime ko naman ngayon!” sagot ni Boa kay Mela.
Sandaling nagtama ang tingin ng dalawang lalaki hanggang sa bahagyang umubo si Nanami na nagpabalik sa kanila sa realidad.
Tumayo na si Nanami at nagpaalam na sa dalawa. “Dapat na siguro akong umalis.”
Kumunot naman ang noo ni Boa dahil aalis na agad siya. “Bakit?”
“Uhm may kailangan lang kasi akong asikasuhin.” Tugon naman niya at saka ngumiti rito.
“Ganoon ba sige nice to meet you ulit, Miss Nami!” anito at nakipagkamay kay Nanami.
“Nice to meet you rin sayo, Boa!”
Tumalikod na siya para umalis ngunit huminto at hinarap niya muli si Boa. She leaned towards him at tumingin naman si Mela sa kanya habang may pagdududa sa mga tingin nito. Kitang-kita ni Nanami ang selos na namumuo sa mga mata ng dalaga.
Ngumisi siya at bumulong sa tenga ni Boa. “Kung naniniwala ka talaga sa pag-ibig Boa, tumingin ka lang sa paligid mo baka nandyan lang ang love nalalapit sayo.”
“A-ano?” mukhang nalilito si Boa sa sinabi ni Nanami.
Umatras na si Nanami at ngumiti. “Bye!” Naglakad na siya papalayo sa dalawa.
“May gusto si Mela kay Boa, pero may ibang may gusto kay Mela,” saad niya habang pinagmamasdan si Marcel na papalabas ng bahay kasama ang amo nilang si Venom, pero nakatingin ito ng seryoso sa dalawang taong nasa hardin habang nagtatagis ang mga bagang nito dahil sa selos.
Sumakay na ang dalawa sa isang itim na kotse at nagmaneho palabas ng mansyon.
“Nakikita ko ang maraming tensyon na kapaloob sa mga taong nandito sa bahay na ito at ako ang magiging dahilan para mabago ko ang mga nandito.”
PABALIK-BALIK si Nanami sa kanyang silid habang tinatawagan niya ang kanyang mga kaibigan hanggang sa tuluyang sinagot ni Laila ang tawag niya.
“Hello. . .panimula ni Laila ngunit pinutol siya ni Nanami.
“Sa wakas nakabalik na ang diwa ko!”
“Ah anong sinasabi mo?”
“May idea na ako kung anong susulatin ko, may motivation na ako, insperasyon ba, ganoon!”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Nahihirapan akong magsulat sa loob ng mahigit limang taon. At parang alam ko na kung bakit.” Masayang sabi ni Nanami.
“Ah?”
“Ako.”
“Pardon hindi kita magets? Anong ikaw?”
“Makinig ka, buong buhay ko sa pagsusulat puro mga fiction lang ang mga isinusulat ko.”
“Uh naguguluhan pa rin ako.” Natatangang sabi nito.
“Gusto kong magsulat ng kwento pero isusulat ko ay ang kwento ng totoong buhay ng isang tao. Pero iibahin ko ang mga pangalan nila, pero base pa rin ito sa true to life ng tao mga ganoon. Tulad ng kwento ng buhay ko nitong nakaraang limang taon at ngayon kasalukuyan.” Paliwanag niya sa kaibigan na ’di pa rin mag sink in sa isipan nito.
Natahimik ito, ngunit makalipas ang ilang segundo, napuno ng malalakas na tawa ang kabilang linya, na umalingawngaw sa tenga ni Nanami kaya nailayo niya ang cellphone sa tainga niya.
“Bakit ka tumatawa?” tanong niya na nakakunot ang noo.
“Ikaw. Nakakatawa ka talagang bruha ka. Iyong kwento mo ang isusulat mo? May ganap ba sa buhay mo ngayon? Ni wala ka ngang love life!”
“Tumigil ka sa pagtawa. Hindi nakakatuwa. At sino sa mundo ang walang kwento ha?”
“Seryoso ka ba talaga. May editor ka pa ba na papasahan niyan? ’Di ba pinaalis ka na sa publishing na pinasukan mo?”
“Huwag kang mag-alala diyan. Kaya kong gumawa ng self publish sa librong gagawin ko. But anyway, ano sa tingin mo?”
Natahimik sandali si Laila, “Kung talagang desidido ka na may magagawa pa ba kami!” napapabuntong hiningang saad nito.
“Salamat sa suporta, mga kaibigan ko nga kayo. Sabihin mo kay Danie ang mga plano ko. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi naman siya sumasagot.”
“Baka siguro busy siya.”
“Sige na at susunduin ko pa si Amalie sa school niya mamaya na lang ulit.” Sabi niya at ibinaba na ang tawag na nakangiti.
Umupo si Nanami sa upuan ng kanyang writing table at binuksan ang takip ng laptop niya.
Binuksan niya ang apps na kanyang pinagsulatan at isinulat doon ang title na naisip niya ang tamang ita-title sa kanyang bagong storya na hango sa totoo niyang buhay.
Naisip na niya ang buong eksena sa pagsusulat kanina habang nakatambay siya sa garden bago dumating si Boa. Malaki ang nararamdaman niya sa nobelang ito na isusulat niya na matatapos niya iyon sa tamang oras.
“Ang kailangan ko lang gawin ay isulat ang mga mangyayari sa akin araw-araw dito sa bahay na ito at sisiguraduhin kong magkaroon ako ng mas maraming eksenang isusulat.” Ngumisi siya ng may kapilyahan.