CS 18 (SPG) Love Sinundan ako ni Xian Dash hanggang makauwi ako sa bahay namin sa Iloilo. Mama and Papa were shocked to see the both of us, lalo na si Xian Dash na pulang pula ang mga mata. It was such a good thing that Kuya Cage is not home. Dahil paniguradong magbabato lamang iyon ng napaka raming tanong. "Tal? Dash? What happened? Okay lang ba kayo?" nagaalalang tanong ni Mama. Umiling ako kay Mama. Nakakaunawa itong tumango saka tumingin kay Papa. Lumapit sa akin si Mama at hinatak ako paakyat sa kwarto. Papa stayed with Xian Dash. "I'm here, Anak. Mama will listen," Mama said that made my heart ache. Nakaupo kame pareho sa paanan ng kama ko. Nangilid ang luha sa mga mata ko at yumakap kay Mama. Para nang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bigat neto. I cried even more when Mama

