Gab’s POV Matapos ibaba ang kanyang cellphone ay agad nag-isip si Gab sa mga sinabi ng kapatid nya na si Rhiana. Tama ang kanyang pakiramdam, nakikipaglapit ito sa kanya dahil gusto siyang gamitin nito laban kay Angela at kung tutuusin ay dapat siyang magalit dito dahil mahal nya si Angela at hindi niya papayagan na may makapanakit dito. But it favor’s him too, mapapasakanya si Angela sa planong ito kung makikipag-isa sya dito. Nakikita ni Gab na kaibigan lamang ang turing sa kanya ni Angela at araw-araw syang nasasaktan sa tuwing nakikita nya na inihahatid pauwi ng nobyo nito na si Rassid ang dalaga. Iniisip nya maaari siyang kamuhian ni Angela kapag ginawa nila ni Rhiana ang plano para mapunta sa kanya ito, pero iniisip nya na matututunan din sya nitong mahalin, hindi nya kayang

