Nagising si Angela sa katok sa kanyang pinto, akala nya ay nananaginip lamang siya subalit ng marinig ang boses ng kanyang land lady ay napabalikwas sya ng bangon. “Angela may bisita ka gising ka na ba?” narinig nyang wika nito sa labas, hindi na nakuhang magsuklay ni Angela dahil pakiramdam niya ay emergency ang pagkatok.Pupungas-pungas siyang nagbukas ng pinto habang halos hindi nya pa maidilat ang kanyang mga mata sa sobrang pagkaantok pa subalit biglang nagising ang kanyang diwa ng mapagtanto kung sino ang nasa harap ng pinto na nakangiti sa kanya. “R-rassid”, ikaw pala sabay tingin sa kanyang landlady na mukhang kinikilig sa dala nitong bulaklak para sa kanya, echusera bulong ng dalaga sa sarili, kagigising ko lang po pasensya na kung pati kayo naistorbo ng lalaking ito” sabay

