Hinihingal si Angela matapos ang kanyang performance, habang tumatagal ay nakakagamayan nya na ito at unti-unti na ding nawawala ang pagka ackward nya. Tumapang na din ang kanyang loob na harapin ang realidad ng kanyang mundong ginagalawan. Gaya ng dati, hindi magkamayaw ang mga nanonood lalo na ang kalalakihan dahil talaga namang napakaganda ng dalaga. Samantala si Rhiana pa din ang gumaganap sa main branch kung saan nakikita nya kung paano pa din nito dikitan ang kanyang Boss. Ito na ang ika-4 na beses sa loob ng 1 buwan na pagtatanghal nya sa entablado, mayroon pa siyang 1 buwan bago magsimula ang 2nd sem sa pinapasukang unibersidad.
“Gamay na gamay na ng beshy ko ang galawan! Bongga!” proud na naman ang kanyang bff na si Trisha. “Syempre kase very supportive ka sa akin kaya ginagalingan ko, sabay kindat nito sa kaibigan. Samantala habang tumatagal ay nag-aalala si Rassid dahil pinag-uusapan na si Angela ng mga customers na regular na nagpupunta duon, sa katotohanan parang mas marami pa nga ngayon ang nagiging tao tuwing sabado sa branch ng hera club kaysa sa main branch at dahil ito kay Angela sa katunayan marami na ang nagpapahiwatig ng interes sa dalaga subalit iniignore nya lamang ang mga ito, ngayong naranasan nya na kumita ng mas higit sa kanyang inaasahan ng pumasok sa hera place, mas lalo syang nagkakapag-asa na isang araw ay magiging maayos ang lahat sa buhay niya.
“Besh labas tayo bukas”, aya ng dalaga sa kaibigan. “Ay go ako dyan kelangan na nating gumimik at kapag nag-start ang ang sem ngarag na naman ang beauty natin”. Wala ng gabing iyon si Rassid kaya’t sa puso ng dalaga ay nakaramdam sya ng pangungulila sa binata. Mula kasi ng kausapin nya ito na bigyan sya ng panahon ay naramdaman nyang dumistansya na ito ng bahagya sa kanya.
Rassid’s POV
Sinadya ng binata na hindi magtungo sa Hera Club kung saan alam nyang magpe-perform si Angela. Kinakain sya ng matinding pag-aalala kapag nakikita nya ang interes ng mga kalalakihan sa paligid nito at wala din naman syang magawa dahil wala naman siyang karapatan na pagbawalan o bakuran ang dalaga. Ipinasya ng binata na pasyalan ang mga magulang dahil ilang lingo nya na din na hindi nadadalaw ang mga ito kaya’t tuwang-tuwa ang kanyang mama dahil nagkaroon sya ng oras para sa mga ito.
“So how’s business son” malambing na tanong ng kanyang ina na si Grace. “Ok naman Mama, everythings’s alright and nag-click yun branch. “Oh that’s good to hear anak, sana dalas-dalasan mo naman kami dalawin ng Papa mo, kung may apo na lang sana akong maaalagaan baka hindi ako masyado mabo-bored”. Nangiti naman si Rassid sa sinabi ng ina sabay sabi dito.
“2-3 years from now magkakaapo ka na sa akin” pabirong deklarasyon ng binata. Biro yun na gusto nyang totohanin dahil naghihintay lamang sya ng tamang panahon para sa kanila ni Angela. “Really? well it’s good to hear that, you’re not getting any younger son” nakangiting komento naman ng kanyang Papa. Masyado kayong nag-aalala sa lovelife ko, napakabata ko pa para sa mga ganyang bagay”, sa pagitan ng pagsubo ay pabirong wika nya sa mga magulang.
“Oh you’re not Rassid, at you’re age dapat may napupusuan ka ng seryosohin sa mga idini-date mo anak kaso mukang choosy ka wala ka pa ipinapakilala sa amin ng Papa mo since then” dagdag pa ng kanyang ina. “Yaan mo Ma, dadating din tayo dyan, I don’t need to be in hurry hayaan nyo munang enjoyin ko ang bachelor’s life ko, gusto ko kapag may ipinakilala ako sa inyo ng Papa yun kasing bait mo at kasing ganda mo”. At anong nakain ng anak mo Rodolfo at bukod sa naalala tayong dalawin mukhang naging bolero na, naninibago ako” masayang komento ng kanyang ina kaya’t masaya nilang ipinagpatuloy na pagsaluhan ang hapunan na sinadya pang lutuin ng kanyang Mama para sa kanya.
Matapos maghapunan ay nagtungo sina Rassid at ang kanyang Papa sa garden sa tagiliran ng kanilang bahay kung saan may sar-saring mga bulaklak na personal na inaalagaan ng kanyang Mama. Mahilig ito sa bulaklak at ito na lamang ang libangan nito dahil hindi na ito pinagtrabaho ng kanyang Papa mula ng maoperahan ito sa matris 2 taon matapos siyang ipanganak nito. Kaya’t hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon na mabuntis muli kahit naghahangad pa ito ng babaeng anak.
Ilan taon si Mama ng magpakasal kayo Papa? Naisip namang itanong ng Rassid sa ama. Napatingin sa kanya ang ama na tila nahiwagan at nagkainteres ito sa buhay nilang mag-asawa, sabagay sa dalawa niyang anak ay mas close si Rassid sa kanila dahil ang isa niyang anak na si Cenon ay masyadong workaholic. Sumimsim muna ng alak ang matanda bago parang nasisiyahang inaalala ang nakalipas nila ng asawang si Grace. Sa totoo lang ,malaki ang agwat ng edad nya sa ginang, 32 na siya ng pakasalan ito samantalang 23 lamang ito ng pumayag ng magpakasal sa kanya.
“Kaka-graduate lang ng Mama mo nuon, medyo maedad na siyang naka-graduate kaysa pangkaraniwang estudyante dahil working student sya. Pumapasok syang part –timer sa isa sa restaurant ng Lolo mo nuon ng makita ko sya and I fell in love with her immedietly, tila nangangarap na kwento ng ama. From then on binakuran ko na sya, I courted her kahit nararamdaman kong hindi boto sa kanya ang Lolo at Lola mo kasi galing sa mahirap na pamilya but I insist. Nakita ko ang dedikasyon nya sa pamilya nya kaya naman hindi nya ako agad sinagot, sabi nya mas priority nya ang makatapos that’s why I let her finished on her own. Naghintay lang ako patiently hanggang nun makatapos na sya hindi ko na talaga pinakawalan and the rest is history”. Hindi alam ni Rassid kung ano ang mararamdaman nya ng mga oras na iyon. Walang kamalay-malay ang ama na ang kwento nito sa kanyang ina ay similar sa kwento nila ni Angela sa ngayon, the history repeats for itself. “May babae ka na bang napupusuan anak?” wika ng ama sa binata.
“Nah! You know me Papa, wala pa akong sineryoso sa mga nagging girlfriends ko dahil kung meron sana ipinakilala kona siya sa inyo ni mama”, nagdesisyon si Rassid na huwag munang sabihin sa magulang ang tungkol kay Angela. Sapat na sa kanya sa ngayon ang narinig sa ama na istorya ng lovestory nito sa kanyang ina upang sya man din ay isipin na magiging ganun din sila ni Angela sa tamang panahon. Nagpaalam na siya matapos ang mahaba-haang kwentuhan at pag-alis ay nagpasyang umuwi na sa kanyang condo upang doon magpalipas ng gabi.
Papasok na si Rassid ng maramdaman ang papalapit na yabag sa kanyang likuran at tama ang kanyang hinala it’s Rhiana na mukhang lasing na. Mula ng may gawin ito kay Angela ay hindi nya na masyadong inientertain ang babae, kung kailan na lang din gusto nito na magperform sa main branch ng Club ay hinahayaan nya na lamang tutal ay ayaw naman nitong makinig sa desisyon nya na tapusin na ang lahat sa kanila. “Hey Rassid darling it’s me”, sabay yakap nito sa kanya upang halikan subalit umiwas si Rassid at nagkunyaring abala sa pagbukas ng pinto ng kanyang condo. “Out of the way Rhiana umuwi ka na, matabang na sabi nito sa dalaga. Subalit hindi ito nagpatinag at nauna pang pumasok sa loob ng condo ng binata. “Hindi ba tayo pwedeng mag-usap na hindi mo ako iniignore? We’re not used to be like this Rassid and I miss you”, sabay kawit ng mga braso nito sa binata kaya’t hindi na niya ito naiwasan ng ilapit nito ang mukha sa kanya at halikan sya. Mapangahas ang galaw ng labi ni Rhiana sa kanya at naamoy nya ang mabangong katawan nito na tila walang balak na bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. Mula ng magdesisyon syang makipag-break sa babae ay hindi na niya nabigyan ng pansin ang sariling pangangailangan dahil abala siya sa trabaho at abala din sa kaiisip kay Angela. Kaya tila binuhay ni Rhiana ang pagnanasa sa kanyang katawan at nadala na din sa panunukso nito sa kanya kaya’t mas nanaig ang tawag ng kanyang pangangailangan.
“I know you can’t resist me babe” at si Rhiana na ang kusang naghubad ng kanyang saplot sa harap ni Rassid at naging agresibo dahil maging ang suot ng binata ay may pagmamadali niyang hinubad. Kapwa nila dinadama ang katawan ng bawat isa lalo na si Rhiana na mukang mas agresibo pa kay Rassid ng mga oras na iyon. Pinagpala nya ng kanyang bibig ang maselang bahagi ng katawan nito at napapaungol naman ito sa ginagawa nya at nasasabik syang makitang nasisiyahan ang binata sa pagpapaligaya nya dito. Hindi na sila nag-abalang magpunta pa ng kuwarto dahil mismong sa sofa ng binata ay pinag-isa nila ang kanilang katawan, mabilis ang naging galaw ng katawan ni Rhiana sa ibabaw ni Rassid hanggang sa maabot nila ang climax. Walang kamalay-malay si Rhiana subalit ng mga oras na nagse-s*x sila ng binata ay si Angela ang laman ng isip nito, pinagparausan lamang sya nito dahil alam niyang hindi nya kayang gawin kay Angela ang bagay na kayang-kayang ibigay at gawin sa kanya ng babaeng nasa kanyang harapan ng mga oras na iyon.
“I knew it you missed me”, buong kumpyansang wika ni Rhiana sa binata habang mahigpit na nakayakap dito matapos ang mainit na tagpo. Wala namang reaksyon ang binata at para wala na silang pag-usapan ay pinili na lang nito na ipikit ang mata para isipin ng babae na nakatulog na siya sa pagod, hanggang sa tuluyan na nga siyang nakatulog kaya’t ng maalimpungatan ay naramdaman nyang wala na siyang kasama sa sofa. Talagang kahit kailan hindi nagpaumaga si Rhiana sa pagtulog sa kanyang condo kaya naman pakiramdam ng binata ay s*x lang din talaga ang gusto nito sa kanya kaya never niyang inisip na seryosohin ito. Kahit halos mag-aala-una na ng medaling araw ay nagtungo si Rassid sa banyo upang maligo, dahil pakiramdam nya ay nagkasala sya kay Angela dahil hindi nya nakontrol ang sarili at napatulan si Rhiana.