Paglabas ni Rassid ay naabutan nyang nasa labas sina Derick at Gab na halatang nagulat ng lumabas sya mula sa kuwarto ni Angela. Nakamata lamang ang mga ito sa kanila at hinihintay naman nilang tumanaw si Angela sa paalis na bisita ng dalaga subalit pagsara lamang ng pinto ang kanilang narinig.
Samantala, si Angela naman ay hindi alam kung maiiyak o kikiligin sa nangyari sa kanila ng kanyang Boss. Sa buong buhay nya ay ngayon lamang sya nahalikan ng lalaki at nalaman nya na talagang mahiwaga pala ang pakiramdam lalo at may damdamin ka sa taong gumawa nito sa iyo. Ngunit bigla nyang naalala ang totoong senaryo, may girlfriend ang kanyang Sir Rassid at parang lumalabas na umeeksena pa sya sa buhay ng mga ito. Napahiga si Angela sa kanyang kama at pumikit na tila inaalala pa ang bawat detalye kung saan nagsimula at natapos ang kissing scene nila ni Rassid, napatingin siya sa kape na siyang dahilan ng halikan kaya’t muli siyang napangiti at sinabi “pahamak kang kape ka”.
Dahil sadyang nakakaramdam na din ng gutom muli syang lumapit sa lamesa at inubos ang vegetable salad na dala ng binata at muling humigop sa kanyang kape subalit napangiwi sya dahil ngayon ay malamig na ito hindi gaya kanina. Samantala, hindi pa din umaalis ang kotse ng binata, pano ba naman ay nakapikit din ito at nakasandal sa upuan ng kanyang kotse at inaalala kung gaano katamis ang labi ni Angela. Madaming babae ang nagdaan sa buhay nya pero hindi sya nakaramdam ng gaya ng nararamdaman nya ngayon sa dalaga, kung hindi lang umentra sa eksena ang tawag ni Rhiana hindi alam ni Rassid kung makakapagpigil pa siya sa kanyang sarili sa maaaring magawa nila ni Angela. Pero kinalma nya ang sarili, he loves Angela at hindi nya sasamantalahin ang sitwasyon para pitasin ang kainosentehan ng babaeng nagpapatibok ng kanyang puso. Masyado pang bata si Angela at alam nya ang goal nito na makatapos ng pag-aaral, sa ngayon ay kailangan nyang harapin si Rhiana para maipakita kay Angela na tunay ang hangarin nya sa dalaga. He’s willing to wait when the right time comes…
“ What? Are dumping me? Hey Rassid watch your words hindi ako ang klase ng babae na kinakalasan ng lalaki alam mo yan!” Galit na wika ni Rhiana. Muli itong tumawag sa kanya kanina at sinabing papunta ito sa kanyang condo.” Ilang lingo tayong hindi nagkita and I feel that you are avoiding me, is it because of that copy cat girl na pinagperform mo sa branch Club mo ha?
“ Hey watch your word, I was the one who planned with that idea spare Angela here okay, problema natin ito that’s why I’m settling things with you now, let’s end this, it’s not working”, malamig na sabi nito sa katipan.
“But you are not the one who’s going to tell me when to stop this relationship okay, I’ll be the one to decide when we will end this!” galit na si Rhiana pero pinakalma ito ang sarili at lumapit kay Rassid. We’ve been for almost 1year and I thought something good will happen to us, we’re not getting any younger Rassid, sabay yakap nito sa binata at ng akmang hahalikan ay umiwas ang binata.
“You’re not growing Rhiana, gusto mo lang gawin kung ano ang maisipan mo,”
“What do you mean? Gusto mong magtrabaho din ako on my own? My family has money I don’t need to work hard for it you know that”.
“And it turns me off Rhiana, you’re not even a wife material”, Pak! Isang malakas na sampal ang pinalipad ng dalaga sa mukha ni Rassid at bago nya pa ito makalmot ay nahawakan na nito ang mga kamay ng dalaga, ngayon ay naghihisterikal na ito.
“Walanghiya ka! You enjoyed having s*x with me and now you’re telling me that I am not a wife material!” galit na galit na wika ng dalaga. “So yan lang talaga ang pamantayan mo to be a wife material huh!” sarkastikong sabi naman ni Rassid, “And besides I still don’t have any thoughts of getting married, it’s not my type! Dagdag pa nito. He was totally turned –off with this woman, walang alam gawin sa buhay samantalang si Angela at young age was trying to survive alone and do everything for her dreams.
“We’re not yet done Rassid, gaya ng sabi ko I’ll be the one to end this”, nagbabantang wika ni Rhiana sa binata, hindi na niya naituloy ang planong panunuyo sa kasintahan dahil masyado syang nainsulto sa mga sinabi nito sa kanya. “I’m going to show you that you were mistaken in doing this to me Rassid hindi pa tayo tapos!” muling ulit nito sa binata. Malakas na isinalya ni Rhiana ang pintuan ng kanyang condo at naiwang walang reaksyon si Rassid kundi pagkainis. Totoong tumagal sila ng isang taon pero wala syang maalala na naging compatible sila ng babae na ito, and hindi nya masasabing naging faithful sya dito dahil kahit sila na ay nakukuha nya pa din makipag-flirt sa mga babaeng gusto lang ng s*x sa kanya.
“You’re giving me a headache Rhiana!” napahilamos ito sa mukha at padabog na naupo sa sofa na tila tamad na tamad. Kumuha sya ng alak sa kanyang mini bar at wala sa mood na nagsindi ng tv para mawala ang stress kay Rhiana , akala nya ay madali nya lang makakalasan ang babae pero mukhang hindi magiging ganoon kadali ang lahat at bigla siyang nag-alala para kay Angela dahil baka pati ito ay idamay sa galit sa kanya. I promise Angela, I’ll make things right… nakatulugan na ng binata ang pag-iisip tungkol sa problema nya kay Rhiana.
Kinabukasan habang naghahanda para sa gabing iyon ay center of attraction si Angela sa mga kasamahan sa trabaho. “Balita ko may kasama daw tayong dancing queen dito”, nangangantyaw na salita ni Keisha sa katabing si Angela habang patay malisya naman ang dalaga kahit alam na siya ang tinutukoy nito. “At balita ko dinaig pa yun girlfriend ni Sir Rassid!”. “Talaga ba Angela?” tanong naman ni Kathy na isa sa kanilang kasamahan sa service team. “Huy wag kayo maingay baka may makarinig sa atin isumbong tayo kay Sir Rassid magalit sa atin, saway naman ni Angela sa mga kasamahan.
“Masyado lang matindi pangangailangan ko sa pera kaya pati pole dancing pinatulan ko na hehe” natatawang wika naman ng dalaga. “Bakit wala naman masama sa pole dancing, kung may magtuturo lang sa akin ng ganun gusto ko din sana eh kase pag sumasayaw si Mam Rhiana dyan parang feeling ko gusto ko din” komento naman ni Kathy.
“As if naman talagang gugustuhin nya eh baka magkalas-kalas ang buto mo dun eh ang payat-payat mo na nga” nakangising sabi naman ni Keisha dito. “Sige i-bully mo lang ako pag ako naturuan ni Angela at natuto nganga ka sa ‘kin”, sagot naman ng napipikon na si Kathy.
“Why not, libre ko naman natutunan yun libre ko din ituturo pag gusto nyo talaga para tatlo na tayong rampahan dun oh” sakay naman ni Angela sa mga kaibigan. “Sige nga Angela at ng makita ng Keisha na ito kung sino minamata nya” sabay kunyaring irap nito at nagtawanan silang tatlo habang naghahanda sa pagdating ng mga customers.
“Angela tawag ka ni Sir Rassid sa office nya”, bigla nilang narinig ang pagtawag na ito ni Ma’am Celine. “Ah ok po Ma’am papunta nap o”, agad sagot ng dalaga at nakita nyang nanlalaki ang mga mata ng dalawang kaibigan at makahulugang nagtinginan. “Mga mata nyo trabaho lang to”, saway naman ni Angela bago nya iwan ang dalawa.
Habang palapit ng opisina ng kanyang Boss ay hindi tumitigil sa pagdagundong ang dibdib ni Angela, pano ba naman ay kahapon lang naganap ang malakasang kissing scene nila ng kanyang Boss at ngayon ay ipinapatawag sya, pakiramdam nya ay nangangapal ang kanyang pisngi kapag nakaharap itong muli ngayon. Matapos ang tatlong mahihinang katok ay narinig ng dalaga na pinapapasok sya ng nasa loob.
“Goodevening Sir pinapatawag mo daw ako”, halos nakayuko ang ulo ni Angela at kagat-kagat pa ang gilid ng kanyang labi dahil nakatalikod ang binata sa kanya na mukhang may inaasikasong papel na hawak nito. Kahit sa talikuran ay talaga namang napakakisig nito sa suot na slacks at long sleeves na nakatupi hanggang siko. Malapad ang balikat nito at bakat ang mga muscles nito sa braso kaya’t parang biglang nakaramdam ng pagkauhaw si Angela at ipinilig pilig ang ulo. Sa ganoong itsura siya naabutang lingunin ni Rassid kaya’t napatingin ito sa kanya.
“Are you sleepy? Nakatitig ito sa mukha ng dalaga na hindi at ease sa kinatatayuan at alam nya ang dahilan at maski sya man ay napayukong napakagat sa labi at lihim na napangiti dahil naalala nya naman ang nangyari kahapon. “Para kang teenager gago!” Saway naman ni Rassid sa sarili.”Have a seat”, utos naman nito sa dalaga.
“Ah eh hindi nman Sir, parang may dumapo lang kanina sa mata ko” pagsisinungaling ni Angela dahil hindi nya naman pwedeng sabihin na “ang yummy mo kase maski nakatalikod”, masutil na isip ng dalaga. “Ipinatawag kita cause you have not yet signed our contract regarding dun sa pinag-usapan natin, need mag-liquidate ng expenses at end of this month kaya pirmahan mo na lang ito”.
Nagtataka naman si Angela dahil ang alam nya ay trabaho ni Ma’am Celine ang mga ganitong bagay ngunit bakit kailangang ang Boss nya pa ang gumawa nito, parang gusto nya tuloy isipin na gumagawa lang ng paraan ang binata na makalapit sa kanya. Hmnnnn.. ayan ka na naman Angela, saway nya sa sarili. Iniabot sa kanya ni Rassid ang papel at mataman nya itong binasa pero hindi nya alam kung naiintindihan nya talaga ang nilalaman niyon dahil alam niyang habang nagbabasa sya ay nakatingin ang binata sa kanya kaya naiilang na naman sya sa atmosphere sa paligid.
“ Lalabas na ako Sir”, ng makatayo sya ay nagulat sya dahil bigla na lang syang niyakap ng binata, yakap na parang ayaw na syang pakawalan nito. “S-sir”…
“I really don’t understand my self Angela, but I keep on thinking of you, pero ayokong isipin mo na pinagsasamantalahan kita dahil Boss mo ako can I asked you a favor?”
“Ano yon Sir? Hindi makatingin si Angela sa binata dahil nakakulong pa din siya sa mga bisig nito. Naramdaman niyang unti-unti siyang binitawan nito at tiningnan ng diretso sa mga mata. “Please don’t think of me taking advantage of you Angela, but can you promise me na hindi ka magpapaligaw sa iba. I- i-mean yun hindi ka magbo-boyfriend not until you finished studying” nakikiusap ang mata ni Rassid kaya’t parang hinahaplos naman ang puso ni Angela.
“Talagang wala akong balak na makipagrelasyon Sir, pero bakit mo sinasabi sa akin yan?” ngayon ay hawak na siya ni Rassid sa mga braso habang kausap ng mata nito ang mga mata ni Angela. “It’s exactly my point, alam kong priority mo ang pag-aaral mo and I still have things to settle between me and Rhiana at higit sa lahat ayokong isipin mo na pinaglalaruan kita, but I do really like you Angela and I want you to be mine..”
“Naguguluhan ako Sir, di ko alam kung ano sasabihin ko pero gaya ng sabi mo ang pag-aaral ko ang pinaka importante sa akin ngayon. Kung anuman nangyari kahapon isipin na lang natin na bugso lang yon ng damdamin, sana hindi maging dahilan yon para umiwas ako sayo o mailang ako sayo, kailangan ko ng trabaho.” Pagkasabi nito ng dalaga ay lumabas na sya ng opisina ng binata at si Rassid ay hindi pa din maintindihan ang sarili kung bakit kailangan nyang sabihin iyon sa dalaga, basta ang alam nya sa mga oras na iyon ay gusto nya itong mahalin ng walang balakid at hindi makokompromiso at magugulo ang isip ng dalaga.