Milky "Gabu! Bitiwan mo sabi ako!" Si Gabu kasi, akala mo linta kung makakapit. "Huwag na kasing makulit! Andoon na ako sa kaya mong mag-isip ng doble o triple sa edad mo pero baka nakakalimutan mo Darl, nasa katawan ka ng pitong taong gulang na bata! Gusto mo bang mapisat kapag humalo ka diyan sa alon ng mga tao!" Ano ako, surot? Nasa racing track po kami ngayon at kakatapos lang ng exhibition ni Mr. Uno. Kasalukuyan siyang ini-interview kaya dagsa ang mga lumalapit sa kaniyang fans. Gusto ko rin sanang lumapit kaso pinipigilan naman ako ni Gabu. "Naman eh! Paano ko papepermahan sa kaniya itong magazine kung saan siya ang cover kung hindi ko naman siya malalapitan? Kainis!" Dahil hindi na po ako nagpupumiglas kaya binitawan na ako ni Gabu. Humalukipkip na ako pagkabitaw niya sa'kin

