Nakauwi na ako sa apartment na inuupahan ko. Mag isa lang ako dito. Dati, kaming dalawa ni Ate Lori ang nakatira dito. Dalawang taon din yon. Pero dahil nga nag asawa na si Ate Lori ay ako na lang ang umuupa dito. Sina Nanay naman sa Bulacan, ang kasama sa bahay ay ung isa pa naming pinsan na si Lito na 16 years old na. Ulilang lubos na si Lito kaya kinupkop na namin at pinapag-aral ko. Apat na taon na siyang nakatira sa amin.
Naghahanda na akong matulog nang maisipan kong magbasa ng isa sa mga libro kong nandito sa apartment. Sa pagkuha ko nito ay nahulog ang isang puting papel na matagal ko ng hinahanap. Dito ko pala naipit ang huling sulat ni Dondon sa akin.
******
Walong buwan na ang relasyon namin ni Dondon ng minsang isama niya ako sa apartment niya. Ipinagpaalam niya ako kay Nanay na kakain lang kami sa labas dahil kakasahod lang niya. Post celebration daw ng graduation naming dalawa. Pero imbes na ihatid na niya ako sa bahay after naming kumain ay napapayag niya akong dumaan muna kami sa apartment niya. Aniya, sandali lang daw kami doon. May kukunin lang daw siya tapos ihahatid na niya ako agad sa bahay.
"Love, dito muna tayo para naman masolo kita." Ani ni Dondon. "Lagi kasi tayong may bantay sa bahay nyo."
"Ok lang naman, Love, basta wag tayong magpapagabi. Ayokong magalit sa atin si Nanay. Baka sa susunod, hindi na niya tayo payagang lumabas ng tayo lang dalawa pag ginabi ako ng uwi." Usually kasi pag lumalabas kami ni Dondon ay lagi kaming may chaperone. Isa sa mga tita ko o kaya si Ate Lori. Pangalawang beses pa lang ito na pinayagan kami ni Nanay na magdate na kaming 2 lang.
Nakaupo kami sa kama niya. Studio type ung apartment niya kaya walang divi-division.
"Magkacollege ka na, Love. Ako naman ay magrereview na para sa board exam ko. Tutuloy ka ba na sa Maynila ka mag college, Love?" Tanong sa akin ni Dondon.
"Oo, Love. Baka sa isang linggo, lumuwas kami ni Nanay para matignan ung boarding house na tutuluyan ko." Nakapasa kasi ako sa entrance exam sa isang state university sa Maynila at gusto ni Nanay na magboarding house ako kesa daw umuwi ako araw araw para daw hindi ako masyadong mapagod at maiwasang mastranded sa daan pag ginabi ako ng uwi.
"Ganoon ba, Love. Sasabay na din siguro akong lumuwas sa inyo para macheck ko ung sched ng review classes na available. Tapos ayain natin si Nanay Minda na mamasyal." Ani ni Dondon. Hawak niya ang isang kamay ko habang nakapulupot sa baywang ko ang isang kamay niya at ang ulo niya ay nakasandig sa balikat ko.
"Sige, Love, para na din makita mo kung saan ung magiging boarding house ko. Ikaw ba, mag uuwian ka?" Tanong ko kay Dondon.
"Oo, Love, para makapasok pa din ako sa bodega tutal half day lang naman ang review classes ko."
"Ah ok." Tugon ko kay Dondon.
"Basta, Love, 5 years from now papakasalan na kita ha." Ani ni Dondon sa akin.
"Kaso, Love, kakagraduate ko lang ng college noon. Hindi ba pwedeng after 8 or 10 years man lang para nakapagboard exam na din ako at may work na din ako pag nagpakasal tayo?" May himig pakiusap ung tanong ko kay Dondon habang nakatingin sa kanya.
"Basta, Love, 5 years lang." Giit ni Dondon.
Hindi na ako sumagot. Gusto ko pa siyang kontrahin dahil kung may plano siya para sa sarili niya at para sa amin, ganoon din naman ako. May mga plano at pangarap din ako para sa sarili ko na gusto kong tuparin. And 5 years is not enough para sa akin na tuparin ung mga pangarap ko. Pero pinili ko na lang tumahimik para hindi na kami mag diskusyon pa. Ganoon naman lagi. Pag may mga bagay siyang gustong gawin, kahit na ayaw ko e hinahayaan ko na lng siya. Hindi ko sinasabi sa kanya ung opinyon ko at nararamdaman. Ako naman, hinihingi ko lagi ung opinyon niya. Madalas nakasalalay ung pagdedesisyon ko sa kung papayag ba siya o hindi.
Mayamaya ay inakbayan ako ni Dondon at iniharap sa kanya. "Love, pwede ba kitang halikan?" Pagpapaalam sa akin ni Dondon.
Tumango ako.
Hinawakan ni Dondon ang mukha ko at dinampian ng halik ang labi ko. Akala ko ay sandali lang ang magiging paghalik niya sa akin pero nagkamali ako. Patuloy siya sa paghalik sa akin nang maramdaman ko na unti unti ay naihiga na niya ako sa kama niya. Dahil sa kakaibang sensasyon na dala ng halik ni Dondon sa akin ay parang nawala din ako sa sarili ko. Mayamaya ay hinalikan niya ako pababa sa leeg ko. Nagumpisa na ding gumalaw ang kamay niya. Hinihimas nito ang dibdib ko, ang hita ko at iba pang bahagi ng katawan ko. Noong una ay hinayaan ko lang siya. Para akong nalulunod at nawala sa sarili ko dahil sa mga halik niya na nagiging agresibo na. Tumagal din ng ilang minuto ung paghahalikan namin. Pero para akong natauhan ng bigla siyang pumaibabaw sa akin. Naramdaman ko ang pagdaiti ng pagkalalake niya sa p********e ko. Agad ko siyang tinulak para makawala sa pagkakadagan niya sa akin. Siya naman ay nagulat sa ginawa ko. Tumayo agad ako at tumakbo palabas ng apartment niya habang inaayos ang sarili ko. Natakot akong bigla sa maaaring kahinatnan ng ginagawa naming kapusukan ni Dondon at kung nagpaubaya ako ng tuluyan. Tinawag ako ni Dondon pero hindi ako lumingon. Pinara ko agad ang unang tricycle na dumaan sa tapat ko ng makalabas ako ng gate ng apartment niya na nasa tabing kalsada lang. Nagpahatid ako sa bahay namin. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak habang sakay ng tricycle dahil iniwasan kong mag-isip ng hindi maganda sa akin ung driver ng tricycle. Pagkabayad at pagkababa ko ng tricycle ay agad akong pumasok sa gate namin. Nakita ako ni Nanay na nasa tindahan pero hindi ako nagmano sa kanya. Nagdirediretso akong umakyat sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto para mapag isa ako. Ikinawit ko pa ang lock sa loob ng kwarto ko para kahit kunin nila ang susi ng kwarto ko ay hindi pa din nila mabubuksan ang pinto mula sa labas. Umiyak ako.
Mayamaya ay narinig ko ang pagkatok ni Nanay at nina Tita sa pinto ng kwarto ko. Pilit nilang pinabubuksan ang pinto pero hindi ko sila pinagbuksan. Medyo galit na ang boses ni Nanay pero hindi ko pa din sinunod ung gusto niyang buksan ko ang pinto. Nakasubsob ako sa unan ko at patuloy na umiiyak. Mayamaya ay narinig ko na din si Dondon. Nagsosorry siya. Nakikiusap na buksan ko ang pinto para makapag usap kami ng maayos. Pero nanatili lang ako sa kama ko habang umiiyak. Naiisip ko kasi ung nangyari kanina na kung hinayaan ko siya ay maaaring naangkin na niya ang p********e ko. Natakot ako na pwede akong mabuntis kung hindi ko siya napigilan. Masyadong nag advance ang utak ko dahil sa takot. Naisip ko paano na ung mga pangarap ko? Paano na si Nanay kung nagkataon? Ayokong madisappoint sa akin si Nanay at ang mga Tita ko. Oo, mahal na mahal ko si Dondon pero hindi ko pa kaya ung maaaring kapuntahan nung kapusukang nangyari sa amin kanina. Ang daming pumapasok sa isip ko. Naguguluhan ako. Makalipas ang ilang oras ay tumigil na sila sa pagkatok sa pinto. Natahimik na ang paligid. Ako naman ay patuloy sa pagiyak hanggang sa nakatulugan ko na ito.
********