Kabanata 127 - Kisapmata

2974 Words

Posible ba talagang maglaho ang pagmamahal nang ganoon na lang kabilis? Pagkatapos ng lahat, bigla na lang siyang bumitaw at naglahong parang bula? Paulit-ulit ang mga tanong sa isipan ko. Gulong-gulo ako. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Isa lang ang alam ko. Nasasaktan ako. At parang literal kong nararamdaman sa puso ko na napupunit ito, hindi alam kung paano aamuhin at aalisin ang sakit na gumuguhit dito. “Akala ko ay hindi na tayo magkikita ulit, Deborah. I’m happy to be here,” sabi ni Serene nang niyakap niya ako at bineso sa aking pisngi. It took a lot of strength for me to stand up straight without letting them know how much I’m shaking inside. I wanted to look okay, kahit nanginginig ang mga binti ko at halos mabitawan ko ang aking hawak na kahon sa dalawang kamay ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD