“Salamat ulit sa masarap n’yong luto, Nay Aurelia. Masaya po akong makabisita rito,” may ngiti kong sabi noong nagpapaalam na. Tumango naman si Nay Aurelia. Hindi ko alam kung bakit, pero pagtapos ng pag-uusap namin sa canteen, tila ba naging tahimik siya. Ngumingiti pa rin naman siya pero may kakaiba nang lungkot sa mga mata. Inisip ko na lamang na marahil ay nalungkot siya para sa ‘kin. Kaya pinipilit kong ngumiti. At tingin ko naman ay ayos lang ako. Para na rin hindi na mag-alala pa si Nay Aurelia. “Paano po? Mauuna na po muna ako ngayon. Mukhang nagpapahinga na rin po si Perseus,” saad ko. Tumango ulit si Nay Aurelia. “M-Mag-iingat ka sa pag-uwi, hija.” Bumeso ako rito. “Opo, Nay Aurelia. Salamat po ulit.” Dinampot ko na ang mga gamit ko at paalis na nga. Kaso lang ay nags

