Kumalat ang pait sa aking sistema habang pinagmamasdan sina Ford at Allison. Muling nangibabaw ang tinig ni Rafael sa aking gilid na nagtatanong, dahilan para mapabalik sa kaniya ang aking atensyon. Napansin niya yatang nakatingin ako kina Allison at Ford, pero noong lumingon ako sa kaniya ay ngumiti siya. Lumunok ako. Sa bawat hibla ng sistema ko ay parang nakaimprinta ang imahe nina Ford at Allison sa tagpong iyon. And it hurt. So badly! Hindi ko akalain na ganoon ang mararamdaman ko. Mas gusto ko pa yatang hindi na lang ako lumingon at ipagpatay-malisya ang paligid. At alam kong wala akong karapatan. Hindi kami magkarelasyon ni Ford, at ako ang tumapos sa aming dalawa. Kailangan kong panindigan iyon. “Sure, Rafael. Libre ako sa weekend,” sagot ko kay Rafael, mayroong determinasy

