Hindi mapakali si Raine habang nakaupo sa waiting area ng First Standard Bank of Kowloon. Ayon sa nag-assist sa kanya na empleyado ay tanging si Mr. Yuan Chou lamang ang maaring magbukas ng safety deposit box para sa kanya. At ngayon nga ay hinihintay niya ito. Lumipad ang tingin niya sa kabilang bahagi ng lugar na nahaharangan ng makapal na salamin, may mga empleyadong labas masok sa automated door kasunod ang mga kliyente na iba-iba ang nationality, kasama na rin ang mga bodyguards ng mga ito . Tadtad din ng CCTV ang lugar. Sigurado siya, maraming itinatagong kayamanan ang lugar na iyon. Sa front door pa lang kanina ay pahirapan na eh, nailabas na niya ata lahat ng ID niya pero ang nagpatunay na siya ay siya ay ang retinal scanner. Jusko! Ang lakas maka-James Bond films! Pero syempre na

