Naalimpungatan si Raine nang maramdaman niya na wala si Carlo sa tabi niya. Ipinaikot niya ang tingin sa loob ng kwarto ngunit wala ni anino nito. Madilim at malamig pa rin sa balat ang simoy ng hangin, nanganghulugang mdaling araw pa lamang. Napilitan siyang bumangon at lumabas ng kwarto upang hanapin ito. Natanaw niya ang bulto nito sa front porch, he was pacing back and forth while talking on his phone. Napabuntong-hininga siya. Araw araw na ganoon ang routine ng asawa. Maagang gigising pagkatapos ay muling magche-check ng updates tungkol sa galaw ng mga kalaban niya. Sometimes she even felt that marrying him only added more responsibility on his shoulders, though he would often times assure that its not the case, hindi niya pa rin iyon maalis sa isip niya. Walang ingay siyang nagla

