Masusing minanmanan ni Pablo ang kilos ni Gomez. Nang tuluyan na itong mawala sa kanyang paningin ay maingat siyang sumunod sa pag-akyat at agad niyang inilabas ang cellphone at tinawagan si Signore. Iyon na ang hudyat ng pagbagsak ni Don Frederico Gomez. Napangiti siya. Ilang minuto na lang at siya na ang kikilalaning pinuno ng Mexican Drug Cartel. Napangisi siya. Ilang minuto na lang. ***** Napamura si Phoenix nang sipatin ang relong pambisig. Hindi pa bumabalik si Carlo sampung minuto na ang nakalilipas. Natawagan na rin niya si Dax at parating na rin daw ang mga ito. Pero matindi ang kaba niya para kay Carlo, mag-isa lang itong sumugod sa kuta ng kalaban. Ni hindi man lang niya naibigay dit

