Sandaling napukaw ngatensyon niya ang pagilaw ng bawat motion sensored lights na dinaraanan nila. At ngayon lang niya napagtanto na tunnel ang kanilang tinutumbo. Mabilis ang pagpapatakbo ni Dax at wala siyang nagawa kundi ang mapakapit ng mahigpit sa suot nitong jacket upang di siya mahulog. Ilang minuto pa ay lumabas sila ng tunnel. Pamilyar na lugar ang tumambad sa kanya. At sa di kalayuan ay tanaw na niya ang mansyon. Nasa San Gabriel na sila! Konektado ang bunker sa mansyon! Ilang minuto lang ay narating nila ang likod bahay. Mabilis siyang bumaba at kinalas ang helmet at kung paano na lang iyong binigay kay Dax. Halos talunin niya ang pagpasok sa loob ng mansyon. Naroon si Andie, Virgo, Ivan at iba pang mga bodyguards na kasamang sumalubong sa kanya noon sa airport. Sa nanlalab

