Memory: Eighteen

2000 Words
Eighteen It was Saturday today, ang araw ng alis namin papunta sa Tarlac. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan para silipin kung nasa baba na sila Mommy at Daddy. Si Nanay Esther lang ang naabutan ko na busy naman sa pagluluto. "Nanay" I quietly said habang nasa hagdan pa rin ako. Lumingon naman ito at hinanap ang tumawag sa kaniya. "Sila Mommy?" I mouthed. "Nasa-" I cut Nanay off at nagsensyas ng be quite. "Nasa Italya, nak. May business trip daw." I sighed in relief at dali daling bumaba ng hagdan. "Good morning, Nanay." nakangiting sabi ko. "Good morning, iha. Bakit parang ang saya mo?" tanong niya. "Actually Nay may pupuntahan po ulit kami ng grupo." panimula ko habang kinukutkot ang daliri ko. "Aba e ilang araw ka nanaman mawawala?" casual na tanong niya. Napangiti ako dahil hindi na siya tutol dito. "2 days po. Papayagan niyo ba ako Nanay?" tanong ko. "Aba siyempre may magagawa ba ako." tumatawang sabi niya."Pero tawagan mo muna ang Mommy mo at itanong mo kung gaano sila katagal doon." dagdag niya. "Okay, Nanay." nakangiting sabi ko. Humalik muna ako sa pisngi niya tsaka ako umakyat sa kwarto para maligo at magayos ng gamit. I dialed Mommy's number."Hi Mommy, sabi ni Nanay nasa Italy nanaman po kayo?" "Yes darling, sorry hindi ka na namin ginising dahil 4 am ang flight namin." "It's okay Mommy. How long will you stay there po?" maingat na tanong ko. "A week, anak. Kaya magbehave ka diyan, okay?" seryosong sabi niya. "Okay, Mommy. I love you." at binaba ko na ang tawag. Excited akong pumasok sa banyo at naligo. I wore a white hanging top and a black sport cycling shorts. Ashley specifically said wear something comfortable and iwasang magsuot ng mainit na damit. Paglabas ko ay dumiretso ako sa shoe collection ko at nilabas ang white hiking shoes, I wore a high cut socks before wearing the shoe. I took their advice seriously, tiningan ko ang sampung power bank at mid size portable fan sa kama ko. Nilabas ko ang maleta at naglagay ako ng pang dalawang araw na damit, hygienic essentials and the power banks. Bubuhatin ko na lang ang fan dahil hindi ito kasya sa maleta. Bumaba ako habang buhat buhat ang mga gamit ko, nadatnan ko si Nanay na nagpapahinga sa living room. "Nanay I'll go ahead po. I'll be back on Sunday." nakangiting sabi ko. "O siya magiingat kayo ha?" sabi niya. Tumango ako bago tuluyang lumabas ng bahay. Tiningnan ko ang relo ko and it's 7:50 already. Ang usapan namin ay 8 am kami magb-byahe. Binaba ko ang gamit ko at umupo sa maleta habang inaantay sila. When I saw the familiar mini van ay tumayo ako at ngumiti habang papalapit ito. Si Kaius ang bumukas ng pinto at bumungad ang matamis na ngiti niya sa akin. "Good morning, beautiful. Ako na ang magpapasok niyan." turo niya sa mga gamit ko. Kinuha niya ito sa akin kaya pumasok na ako sa loob. "Good morning, guys!" masiglang bati ko. "Sexy natin today ah?" nakangiting sabi ni Ashley. Natawa lang ako at nabaling ang atensyon ko kay Kaius nang umupo siya sa tabi ko. "Ready ka na ba?" tanong niya. "Of course." nakangiting sabi ko. ~ Tumagal ang biyahe ng dalawang oras. Huminto kami sa tapat ng isang bundok na napaliligiran ng magagandang tanawin. I was amazed, it's good to see lots of trees around unlike in the city puro buildings ang nakapaligid sa 'yo. Binuksan ni Kaius ang pinto at isa isa kaming lumabas at kinuha ang mga gamit. "Ito na guys, kailangan na nating umakyat." nilock ni Vince nang maigi ang mini van bago kami nagsimulang maglakad paakyat. Kinuha ni Kaius ang dala kong fan kaya itong maleta na lang ang buhat ko. Habang palayo kami nang palayo ay napapagod na ako habang sila ay mukhang kaya pang magakyat baba. I admit it, it's really exhausting lalo na sobrang init. I think I will collapse anytime soon kapag nagpatuloy pa ako. Lahat kami ay tahimik lang dahil lalong mauubos ang lakas namin kapag magsasalita kami. I was struggling nang may magpatong sa akin ng jacket at tinaas ang hood sa ulo ko. Nilingon ko ang naglagay nito. It was Jansen. "Sana nagdala ka ng panangga sa init." seryosong sabi niya. Napatitig naman ako sa kaniya habang si Vince ay mahinang sumipol. "Paano ka?" tanong ko. Umiling lang ito at lumipat ulit siya kila Vince. Nahagip ng paningin ko si Kaius na seryosong nakatingin sa akin. Nag thumbs up naman ako para tanungin kung okay lang siya at tumango naman ito. I didn't expect Jansen will give me his jacket, kung si Kaius expected pa since he always do. Pero hindi naman sa gusto kong pahiramin ako ni Kaius ng jacket, it's just odd since meron rin siya pero hindi niya ito pinahiram sa akin which he always do. After 20 minutes hike narating namin ang community nila. It was surrounded by kids that is happily playing. Pinagtitingnan rin kami ng mga tao roon na nakatambay sa harap ng mga bahay nila. May lumapit naman sa amin na other volunteers para ipakilala sa namamahala ng community. We were oriented about the things na gagawin namin para sa community. After the introductions ay iginaya kami sa magkakatabing kubo dahil bawat volunteer daw ay may kaniya kaniyang kubo na pagtutulugan. Hinatid ni Kaius ang fan sa kubo ko at lumabas kami after iayos ang mga gamit ko. "Aice ito nga pala 'yong banyo dito. Sabihan mo na lang ako kung kailangan mo ng tubig, ipagiigib kita." Kaius said. "No need, Kaius. Kaya ko namang mag igib." nakangiting sabi ko. "Sige na ayaw kong nahihirapan prinsesa namin, masyadong malayo dito ang igiban tsaka mabibigatan ka." he insisted. Tumango na lang ako at sabay kaming pumunta sa iba pa naming kasama. Maghaharvest daw kami ngayon ng puso ng saging para sa lunch mamaya. Pagdating namin sa field ng mga puso ng saging ay tinuruan kami kung paano ito iharvest. I enjoyed it since it's my first time and may bago akong nalaman kahit papaano. Pagdating naman sa pagluluto ay tinuruan din ako. Ang mga kaibigan ko ay alam na ito since this is their 3rd time volunteering kaya ako na lang ang tinuruan. Tinuruan din ako kung paano magpabaga ng kahoy because there's no source of gas here. It was quite challenging but I enjoyed it anyways. ~ Kinagabihan ay sinabihan na kaming matulog dahil maaga kami bukas. Bukas daw darating ang magcoconduct ng medical mission, isang doctor lang ang pupunta kaya kami ang magaassist sa iba. Kanina pa ako nakahiga and I can't sleep kahit may fan, hindi lang siguro ako sanay sa matigas na higaan. Umupo ako at napahilamos sa mukha ko because of frustration. I slipped into my hoodie at dahan dahang lumabas ng kubo. The cold air immediately embraced me, malamig dito dahil nasa bundok at punong puno ng mga puno. I was about to walk away nang mapansin kong may bukas na ilaw sa kubo ni Kaius. Out of curiosity ay lumapit ako sa bukas na bintana at sumilip dito. I gasped at what I saw, Kaius' body is full of cuts and bruises. Narinig niya yata ako kaya napalingon siya sa direction ko. Nagulat siya pero nakabawi din agad at lumapit sa bintana. "K-kaius what happened to you?" nagaalalang tanong ko. Umiling lang ito at nagsuot ng jacket bago lumabas sa kubo. "Wala 'to. Bakit gising ka pa nga?" tanong niya ulit. "I can't sleep, namamahay yata ako." I said. Natawa naman siya at umiling. Umakbay siya sa akin at nagsimula kaming maglakad. Huminto kami sa isang play ground na may swing na gawa sa kahoy. Umupo si Kaius doon at pinagpag ang space sa tabi niya kaya umupo na rin ako. We were silent the whole time nang basagin ko ito. "Kaius anong nangyari sa 'yo?" I asked again. He rested his head on my shoulder at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Umiling naman siya."Wala 'to, Aice. Huwag mo akong alalahanin." sabi niya. I looked at him, worried. Pero mukhang ayaw niyang mag open up so I just stayed silent. Kinuha ko ang kamay niya at tiningnan ito, his knuckles is full of bruise at namamaga maga pa ito. "Kaius I'm always here, okay?" sabi ko."You can share everything to me." dagdag ko. Naramdaman kong tumango lang ito and we went silent again. I heard him sigh before breaking the silence."Gawa ito ng papa ko," panimula niya. I looked at him with sadness in my eyes. "Lagi niyang binubugbog si Mama kaya kapag inaawat ko siya sa akin niya binabaling ang galit niya." he said with trembling voice. I held his hand that starts to form into a fist and caressed it to calm him down. "Kaya gusto kong makatapos bilang lawyer para matulungan sila mama atsaka ang kapatid ko mula sa gagong 'yon." he said, starting to get angry. "You're doing great, Kai. Kaunting tiis na lang, we'll graduate soon, hmm?" nakangiting sabi ko. "Palagi kong sinasabi kay Mama na iwanan na namin 'yon pero ayaw niya. Saan daw kami pupuluting mag iina, wala kaming relatives dito." pagpapatuloy niya. "Why don't you fight back?" tanong ko. "Sila Mama at Kia naman ang pagbubuntunan niya kapag ginawa ko 'yon lalo na kapag wala ako sa bahay." pilit na ngiting sabi niya."Kaya hangga't maaari iniinda ko na lang." I looked at him with teary eyes. I reached for his face and I caressed his cheeks. He held my hand and bring his face closer to my hands while he close his eyes. When he opened his eyes tears was starting to flow. I don't know what to do kaya tumayo ako mula sa swing and I embraced him. Para siyang batang umiiyak ngayon sa braso ko while I caressed his back. I've never seen Kaius this vulnerable. He always has been the type of person who loves to goof around and tease the hell out of me every single time when we were together. Just like Vince, people who always smile has the possibility to be the most sad one just to escape the pain they've been going through. They tend to mask it just to brighten our day even if theirs is not. After a few minutes nang kumalma na siya ay lumayo ako at tiningnan siya. I traced all the bruises in his face with my fingers. I can't help but to feel sad upon seeing all his wounds, how can a father do this to his child. After a few minutes ay bumalik na rin kami dahil gusto kong makapagpahinga na si Kaius. He looks tired and drained pero ako pa rin ang iniintindi niya. Kaya napagpasyahan kong matulog na lang para makatulog na rin siya. Bumalik kami habang nakaakbay pa rin siya sa akin. We were both silent habang tinatahak namin ang daan pabalik sa mga kubo namin. Sinamahan ko na rin siya sa loob ng kubo niya para magamot ko ang mga sugat niya. Each room of volunteers has a medicine kit according to the other volunteers. Hinanap ko ito at nakita ko sa maliit na cabinet sa tabi ng higaan niya. I looked for ointments and gauze for his wounds on his forehead. Unfortunately walang ointment, buti na lang nagdala ako incase na magkasugat ako kaya kinuha ko muna ito sa kubo ko. Pinatanggal ko ang beanie at ang damit niya. I can see him staring at me intently while I put ointment on his lips. After that I carefully put gauze on his forehead and went to his body to put some ointment too. "Get some rest, hmm? I bet this won't scar since effective 'tong ointment" I said. "Thank you, Aice. For listening and for this." he looks tired but he tried his best to give me his sweetest smile. I was about to go out nang hawakan niya ang braso ko. "I'll see you tomorrow, wifey." sabi niya. I'll see you tomorrow, Kaius.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD