Seven
Lumipas ang Linggo at excited na ako pumasok ngayong Monday. I can't believe na dadating ang araw na tuwing papasok ako ay masaya ako. This past few years I really don't have any motivation or something to look forward to para pumasok. All I know is I have to dahil papagalitan ako ng parents ko kapag hindi.
Namomotivate na rin ako palagi sa paggawa ng mga school works at home works dahil alam kong magkakaroon na ako ng oras pumunta sa office at tumambay kasama ang mga members ng Pathfinder kapag maaga kong tinatapos ang mga ito.
Nakita ko si Kaius sa tapat ng gate at lumapit ito sa akin. Kumaway siya kaya kumaway rin ako which is new kasi usually I always give them a smile or blank stare lang. Lumapit siya sa akin at umakbay.
"Aice akin na ang bag mo, baka nahihirapan sa pagbubuhat ang prinsesa namin." nagulat ako nang kunin niya sa likod ang bag ko.
"Jowa ka ghorl?" tanong ko. Natawa siya sa sinabi ko, ako naman ay biglang napa-pause at natawa din ako. Sinubukan kong agawin pabalik ang bag ko pero itinataas niya ito. Kaius is tall, maybe around 5'9 while me I'm 5'6.
Napansin ko ang mga tao na tumitingin sa amin. Hindi ko ito pinapansin at patuloy pa rin sa pag agaw ng bag ko sa kaniya. Hinayaan ko na rin siya after a few minutes dahil mal-late na ako. Hinatid niya talaga ako hanggang sa tapat ng building ko bago siya nagiba ng direction.
~
Pagkatapos ng second subject namin ay may one hour vacant ako bago ang susunod na subject. Nagmamadali akong ligpitin ang mga gamit ko dahil pupunta na ako sa office namin.
Dumaan ako sa mataong corridor at nakikipagsiksikan sa mga estudyante. Usually I don't like crowds lalo na ang makipagsiksikan pero ito ako ngayon nakikipagsiksikan. After ko makalabas ng building namin ay dumiretso ako sa building kung nasaan ang office namin.
I opened the door and the cold air embraced me because of the AC. Ang office ay may black na malaking sofa kung saan nakaupo ngayon si Kaius at dalawang black single sofa sa magkabilaan nito. May center table sa gitna at anim na upuan, bulletin board na puno ng mga plans at picture ng grupo, white board sa harap ng table na puno ng mga reminders and stuff for our upcoming charity. May bookshelf na puno ng libro, drawer para sa mga files at desktop computer tsaka printer sa east side at sa west corner ay may coffee area.
"Bakit ikaw lang andito, Kaius?" tanong ko.
Hindi niya ata narinig ang sinabi ko kaya nilapitan ko siya. Umupo ako sa tabi niya at tinanggal ang isang earphone sa tainga niya.
"Bakit, Aice?" gulat niyang tanong.
"Asan kako ang iba, bakit ikaw lang ang andito?" paguulit ko.
"Bumili sila ng pagkain sa labas. Nagaalala baka magutom ang prinsesa namin." pangaasar niya.
I just frowned. Lumapit ako sa center table at kinuha ang mga files na andoon. Bumalik ako sa sofa at binasa ko ang mga nakasulat dito. Ito ang plan about sa upcoming charity namin at pati na rin ang computation ng over all expenses. Hindi pa ito tapos at finafinalize pa lang para sa para maipresent sa adviser ng grupo na si Sir Anthony.
Busy ako sa pagbabasa nang ilagay ni Kaius ang isang earphone sa tainga ko. I smiled it was Grown Up by Paramore.
"Do you know this song?" tanong ni Kaius.
"Duh. I'm a die hard fan of Paramore, fyi." nakataas ang kilay na sabi ko.
"Alam ko po mahal na prinsesa." nakangising sabi niya.
Nanatili kaming nasa ganoong posisyon hanggang matapos ang kanta. Tiningnan ko siya nang bigla siyang sumandal sa head rest ng sofa parang matutulog.
Hinayaan ko siya at pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa proposal na ginawa namin. Natapos ang kanta at nagplay ang susunod na song.
Proud of me, of my short list of accomplishments, say
And me and my lack of new news
Me and my selfishness, oh, me and myself
Wish you nothing but a happy new version of you
I smiled It was Happiness by Rex Orange County. I'm amused, he has a great taste in music. Nagulat ako dahil bigla siyang sumabay sa huling sentence ng kanta habang nakatingin sa akin. Nanatili kami sa ganoong pwesto nang bumakas ang pinto at niluwa nito ang iba pa. Akala ko tulog 'tong baliw na 'to.
"Andito na ang pagkain ng mga patay gutom." malakas na sigaw ni Ashley.
"Oh Kade andito ka na pala. Wala kang klase?" gulat na tanong ni Ashley.
"I have one hour vacant before my next subject e." sagot ko.
Nilapag ni Ashley ang mga dala at nilabas ito mula sa plastic. It was pizza, junk foods and soft drinks. As usual nangunguna sa pagkuha si Vincent. Ako naman ay nakita ko ang Vcut na favorite snack ko kaya aabutin ko sana 'to nang abutin din ni Kaius.
"Kaius akin na, sa akin na lang 'to please." pakiusap ko.
"Ayaw ko nga. Kiss muna." sabi niya habang pinapakita ang pisngi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya pero nakarecover din agad kaya pinaghahampas ko siya ng unan at inagaw ko sa kaniya ang potato chips.
"Kiss your face." sabi ko while I'm making faces.
"Have you seen the news guys? I think we have a new project." sabi ni Ashley habang nagsasalin ng soft drink sa baso.
"Talaga? I rarely open my phone inside the school so I didn't saw the news today." interested na tanong ko.
"It's been a week at ang bagyo sa Bicol ay hindi pa rin humihinto. Unfortunately a lot of people lost their houses." seryosong sabi niya."Our new project will be focusing on that. Kaya tapusin na natin ang proposal para maipasa na." dagdag niya.
"Magumpisa na rin kami maghanap ng funds, Ash." sabi ni Cesha.
This is it, Kadence your first ever project with the team.
"Ganon pala talaga kalayo ang trinatravel ng grupo para tumulong." manghang sabi ko.
"Uhuh, minsan malayo talaga pero meron din naman sa malalapit lang." nakangiting sabi ni Cesha.
Natapos ang araw at ilang mga araw pa sa paggawa namin ng proposal at paghahanap ng mga funds. Ganito pala talaga sila kaseryoso kapag trabaho na ang paguusapan. Naninibago ako kila Kaius at Vincent since maloka nga sila pero ito sobrang busy at seryoso sa task nila.
~
Paano kaya nila napapagsabay ang school works at office works. Parang chill lang sila habang ako hirap na hirap gawin ang mga gawain sa school at gawain sa organization. Araw araw akong may reporting, quizzes at test sa iba't ibang subjects. Wala akong choice minsan kundi magreview sa loob ng office.
Yet I still finds ways para gawin ang best sa dalawa. Of course I can't neglect my studies dahil kapag nagkanda bagsak bagsak ako, I'm done. At may chance pa na malaman ng parents ko kung bakit nagkaganoon ang grades ko. Hindi ko rin naman pwedeng pabayaan ang responsibility ko sa grupo. Kaya as much as possible I manage my time and prioritize both at the same time.
You can do this, Kadence.