Memory: Twenty Nine

2000 Words
Twenty Nine Natabig ko ang trash bin sa tabi ko. Tinulak ni Kaius ang babae at tumingin sa akin. Bago pa man siya makalapit ay dali dali akong pumasok sa office at dumiretso sa banyo. Narinig kong bumukas ang pinto at rinig ko ang yabag niya papalapit. "A-aice it's not what you think. Open the door please. Magusap tayo." sabi niya. I obliged, I opened the door and looked at him while trying to fight the urge of crying. "What's there to talk about Kaius?" pilit na ngiting sabi ko. He tried to reach for my face pero iniwas ko ito. "Aice, mageexplain ako." sabi niya. "You don't have to. Dapat una pa lang alam ko na 'to, I should've stayed away from you." puno ng pait ang boses ko. "Please. Hindi 'yon gaya ng iniisip mo." bakas ang pagsusumamo sa mukha niya habang sinusubukan akong hawakan. "Hindi 'yon gaya ng iniisip ko? Ang alin, ang makipaghalikan ka sa ibang babae habang inihahalik mo rin sa akin 'yang labi mo!" this was my first time lashing out to someone. I was hurt, this was my first time liking someone and all I get was betrayal. But how can I say it's betrayal when never had a label. "That was Jessa. My old fling, hindi niya matanggap na tinapos ko na ang sa amin kaya sabi niya gusto niya akong makausap. Hindi ko naman alam na bigla bigla niya akong hahalikan." mahabang paliwanag niya. Kinuyom ko ang mga kamay ko. "Aice please." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko siya at tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. "Maniwala ka sa akin." sabi niya habang inaalo ako. "Naniniwala ako sa 'yo." sabi ko habang garalgal ang boses. "It's just, I know that you're the notorious playboy around the campus. I was so stupid to associate myself to you when I know damn well I'll get hurt." sabi ko. "I will never hurt my princess." sabi niya habang pinapahid ang mga luha sa mata ko. "Ano ba tayo Kaius?" naglakas loob na sabi ko. "Ano nga ba tayo?" paguulit ko. "Aice. Trust me I want to give you the assurance of our relationship pero-pero I don't think I am ready." sabi niya. "Then don't pursue me." pilit na ngiting sabi ko. "If you're not ready and unsure of me, don't." "Believe me gusto ko, gustong gusto. But I don't want to commit when I'm a mess. Gusto ko, when I asked you to be my girlfriend may kasiguraduhan na na mabibigyan kita ng magandang buhay." malungkot na sabi niya. "I mean look at you. You only deserve the best, and given my situation right now I don't think I can." dagdag niya. Hinawakan ko ang pisngi niya. "I'll wait then. Kapag handa ka na at sigurado ka na." nakangiting sabi ko. Niyakap niya ako at nanatili kami sa ganoong posisyon nang hindi ko alam kung gaano katagal. I just felt safe while he caressed my back. ~ The whole week finally ended. Unang Monday ng summer vacation pero maaga pa rin akong nagising. Dumiretso ako sa kusina pagkatapos kong maligo at magbihis. I put my hair on a messy bun at naglagay ako ng apron. Pumasok ako sa pantry at kinuha lahat ng ingredients na kailangan ko. Tutulungan ko sila Cesha at Vince sa part time nila. Susurpresahin ko si Cesha kaya hindi ko na sinabi ang tungkol dito. Magbabake ako ng ilang klase ng mga pastries para makatulong sa cafe ng mama niya. Lulutuan ko na rin ang mga kaibigan ko. Kulang ang mga ingredients ko kaya naisipan kong pumunta muna sa grocery. Aalis na sana ako nang makita ako ni Nanay. "Saan ang punta mo iha?" tanong niya. "Good morning, Nanay. Bibili lang po ng ingredients para sa ib-bake ko." nakangiting sabi ko. "Napapadalas yata ang pagbake mo ah?" nakangiting sabi niya. "I'm helping a friend, Nanay." sagot ko naman. Sinabihan niya akong magiingat bago pumasok sa loob ng bahay. Nagbyahe na ako papunta sa grocery store. I bought some fruits, flour and other ingredients for my pastries. Nang makuha ko na lahat ay dumiretso ako sa counter, habang naghahanap ng maiksing pili ay may nakita akong familiar na mukha. "Ashley!" masayang bati ko. "Kade." gulat na sabi niya. "Dito part time mo?" tanong ko. "Oo. Anong pinamili mo?" tanong niya habang nilalabas ko ang mga ito. "Magba-bake ako para sa cafe nila Cesha." nakangiting sabi ko. "Wow! Talaga? Sigurado akong matutuwa ang Mama niya, masarap pa naman ang luto mo." nakangiting sabi niya habang pinapunch ang pinamili ko. "Dadalhan ko kayo lahat mamaya." sabi ko na mas lalong nagpangiti sa kaniya. "Ih you're the best talaga. Mag iingat ka, okay?" sabi niya. I bid my goodbye bago binuhat ang mga pinamili ko sa kotse. Nang makarating ako sa bahay ay sinimulan ko na ang pagbake. I made some strawberry macarons, blue berry cheesecake, and my signature dessert red velvet with white chocolate chip cookies. Bandang tanghali na nang matapos ko lahat ng binibake ko. Nasa anim na malalaking box ang nagamit ko para sa lahat. Hiniwalay ko naman ang para sa mga kaibigan ko, gumawa na rin ako para kila Jasper at Kia dahil idadaan ko 'to mamaya sa mga bahay nila. Habang nasa byahe ay tinawagan ko naman si Cesha at Vince. Nang sagutin ito ni Cesha ay napangiti ako. "Aicelle hello? Bakit ka napatawag?" tanong niya. "Hello, Ce. Nagbake ako ng pastries para sa shop niyo. Let's meet in front of the university." sabi ko. "Hala! Nakakahiya naman." sabi niya. "Ano ka ba, ayos lang. Wala rin naman akong ginagawa, I'll see you then." nakangiti kong binaba ang tawag. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko na ang mini van na nakapark sa harap. Nakasandal sila pareho sa mini van at parehas ang damit nila na may tatak ng logo ng coffee shop. "Nakakahiya, Aicelle. Pero maraming salamat, malaking tulong 'to para sa budget ko pang Baguio. Matutuwa si Mama panigurado." she smiled widely. "Ehem, meron ba ako diyan." tumikhim si Vince habang umuubo ubo kunwari. Natawa naman ako at napailing, kinuha ko mula sa backseat ang para sa kanila. "Makakalimutan ko ba naman kayo." nakangiting sabi ko. "The best talaga 'tong prinsesa natin!" tuwang tuwa na sabi ni Vince. Yumakap naman si Cesha sa akin at pinat ko ang likod niya. "This is the least I can do, guys. Kayo pa nga ang inaabala ko." nahihiyang sabi ko. "Naku, excited na nga kaming pumunta ng Baguio." sabi nilang dalawa. Nagkwentuhan pa kami at tuwang tuwa sila dahil maraming tao sa shop ngayon. Idagdag mo pa ang pangtanggap nila ng deliveries, kaya mas mabenta ang shop. Matapos naming magkuwentuhan ay nagpaalam na rin ako dahil idadaan ko pa ang iba kong binake. Since kila Kaius ang pinakamalapit sa school ang bahay muna nila ang pinuntahan ko. After a few minutes ay nakarating na ako at dumiretso na lang sa loob. Kumatok ako dahil nakasara ang pinto, tuwang tuwa naman ako nang si Kia ang bumukas nito. "Ate? Ate! Hewo po." tuwang tuwa na sabi ni Kia. "Ma andito po Ate." sabi ni Kia. Lumabas naman mula sa kitchen ang mama niya. Ngumiti ako at lumapit para magmano. "Nak kamusta? Bakit naparito ka?" nakangiting sabi ng Mama nila Kaius. "Tita hello po, idadaan ko po sana itong binake kong cookies kay Kaius at Kia." nakangiting sabi ko. "Aba hindi ba nagsabi sa iyo? Wala siya rito, nagpaalam kanina na may pupuntahan siya." sabi ng Mama niya. "Hindi niya po ba sinabi kung saan, Tita?" tanong ko. "Hindi, nak. Upo ka muna." sabi nito. Umiling naman ako dahil kailangan ko pa pumunta kila Ashley at Jansen. "Hindi na po, Tita. I'll go ahead, idadaan ko pa po kasi ito sa ibang kaibigan namin." nakangiting sabi ko. "Osiya sige, pasensya ka na wala si Kaius dito." sabi niya. "It's fine, Tita. Kainin niyo po ni Kia itong ginawa ko." nakangiting sabi ko at nagpaalam kay Kia. Sunod kong pinuntahan ay ang bahay nila Jansen dahil madadaanan ito bago ang grocery store. Kumatok naman ako sa loob ng bahay nila dahil bukas ang gate. Si Jansen ang bumukas nito na halatang gulat na gulat. Jasper peeked at the door and opened it widely nang makita niya ako. "Hi pretty! You're here." tuwang tuwa na sabi niya. Nginitian ko naman siya at binaling ang atensyon ko kay Jansen. "Why are you here, Kadence?" tanong ni Jansen. "Nagbake kasi ako para sa cafe nila Cesha. Naisipan ko na gawan din kayong lahat." nakangiting sabi ko. Ngumiti naman siya at sinabing pumasok muna ako. "No, Jansen. Mauuna na rin ako, idadaan ko pa ito kay Ashley tapos may bibilihin pa kasi ako." sabi ko. I kissed Jasper's cheek before leaving. Hinatid naman ako ni Jansen hanggang sa kotse. Sumunod kong pinuntahan si Ashley. Tuwang tuwa naman ito dahil ang sarap daw ng mga pastries na ginagawa ko. Hindi na rin ako nagtagal dahil may bibilihin akong mga gamit sa mall para sa susunod na ib-bake ko. Habang naglalakad ay naisipan kong imessage si Kaius para itanong kung nasaan siya. Paniguradong nasa part time job ito at hindi niya sinabi sa Mama niya. I was about to go inside when someone caught my attention. It was Kaius! He is wearing a blue uniform habang nagaabot ng mga fliers. He looks tired at tagaktak na ang mga pawis niya. Pumasok ako sa loob ng super market and I bought some water and tissue at dali daling lumapit sa kaniya. Mukhang hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagbibigay ng fliers. When I finally reached him I tried to wipe his sweats. Nagulat naman siyang napatingin sa akin. "A-aice!" his tired face lit up. I continued wiping his sweats at inabot ang bottled water sa kaniya. "Halika, upo tayo doon." sabi ko at tinuro ang pinakamalapit na bench. Tumango naman siya at hinawakan ang palapulsuhan ko habang naglalakad kami. "Hindi ka nagpaalam sa Mama mo?" tanong ko pagkaupo pa lang namin. Umiling naman siya kaya napabuntong hininga ako. "Ikaw anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na hindi ako nagpaalam kay Mama?" tanong niya. "Bibili sana ako ng pangbake. Gumawa kasi ako ngayon ng pastries para sa cafe nila Cesha." nakangiting sabi ko. "Dumaan ako sa inyo dahil ginawan ko rin kayo pero sabi ng mama mo lumabas ka raw." "Wow! Tuwang tuwa siguro si Kia. Salamat." nakangiting sabi niya. Sumandal naman ako sa balikat niya pero lumayo siya. "Huwag kang didikit sa akin pawis ako." sabi niya. Umiling naman ako at kinuha ko ang kamay niya, I intertwined it while I rest my head on his shoulder. We stayed in that position when he removed my head on his shoulder. Hinila niya ako at niyakap, I felt his warm embrace. "I wish I could hug you forever. Kapag yakap kita pakiramdam ko wala akong maramdamang pagod. Can I hug you forever?" he asked. Kumalas naman ako sa yakap pero hinila niya ako ulit. "Just five more seconds." sabi niya. Tiningnan ko naman ang mga dumadaang tao na nakatingin sa amin habang nakangiti. Nobody knows, just why we're here Could it be fate or random circumstance At the right place, at the right time Two roads intertwine And if the universe conspired To meld our lives, to make us, fuel and fire Then know wherever you will be So too, shall I'll be One He started to count when the music started to play. I closed my eyes while making the most out of it. Two I don't want this hug to end. I can hear his every heart beat while because our body was too close. Three Close your eyes, dry your tears 'Cause when nothing seems clear You'll be safe here from the sheer weight Of your doubts and fears Weary heart, you'll be safe here Four I heard him sigh while he caressed the back of my head. I wish I could have all the time to hug you too. Five
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD