Twenty Seven
I froze but I caressed his back when I came back to my senses. After a few more seconds lumayo siya mula sa pagkakayakap sa akin.
"I'm sorry, Kadence." sabi niya. Hatalang nagulat rin siya na ginawa.
"Halika pasok ka muna." sabi niya. Pumasok kami sa loob at pinaupo niya ako sa swing.
"It's late. You know that it's dangerous, you're being reckless." seryosong sabi niya.
"I know. I was just worried about you. After hearing about your situation, I can't just shrug it off." sabi ko. Nanahimik naman siya habang malalim ang paghinga.
"Okay ka lang ba? How are you coping up?" sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
"It was like everday hell." pilit na ngiting sabi niya. "But I have to be strong for my brothers. Ako na lang ang pinanghuhugutan nila ng lakas."
"You can be vulnerable too." I said while I caressed his hair. "It must've been hard to take care of Jasper and study at the same time." sabi ko. Tahimik pa rin siya habang pinapakinggan lang ako.
"How about your Kuya?" sabi ko.
"Laging siyang nasa work, he even stopped studying just to take care of me and Jasper. I take up engineering because it was his dream job. He even apply to different jobs just to get us by, hindi naman malaki ang binibigay ng Mom at Dad namin." pilit na ngiting sabi niya.
"I'm proud of you. For being strong and brave." nakangiting sabi ko."Mas tatagan mo pa ang sarili mo para kay Jasper." dagdag ko.
After a moment of silence ay tumayo si Jansen at nilahad ang kamay niya sa akin.
"It's getting late. I'll take you home." sabi niya. Tinanggap ko naman ang kamay niya at tumayo
"Oh no, there's no need. I'll book a cab." nakangiting sabi ko.
"Don't be stubborn, Kadence. It's dangerous, ihahatid na kita. You came all the way here, you're my responsibility if something bad happens to you." seryosong sabi niya.
Sabi niya ay maghintay ako sa labas at ilalabas niya lang ang sasakyan. I was dumbfounded when I saw it was a big bike.
"I-is that safe?" nauutal na sabi ko. He just laughed and pulled me closer to him. He put a helmet on me at pinagpag niya ang likod.
"I'll keep you safe." he assured me. Hesitant naman akong sumakay doon.
"Kumapit ka." sabi niya. Kumapit naman ako sa likod at inantay itong umandar. I almost cursed when he started it, kulang na lang lumipad ako kaya napayakap ako sa kaniya.
"Ayaw ko na nga! Balak mo yata akong paliparin e." inis na sabi ko sa kaniya. Natawa naman siya kaya mas lalo akong nainis at hinampas ang likod niya. Hinuli niya ang dalawang kamay ko and he wrapped it on his waist.
"Kumapit kang maigi." sabi niya. Hinigpitan ko ang pagyak sa kaniya nang umandar na ang motor. I was screaming at him the whole time because he was going really fast. Wala pa yatang isang minuto nasa kanto na kami ng bahay namin.
"Damn you, Jansen! Akala ko mamamatay na ako." inis na sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Tumawa naman ito kaya natawa na lang rin ako.
"Thank you for tonight, pretty." nakangiting sabi niya. Lumapit naman ako and I caressed his hair.
"I'm always here for you guys. Take care, Jansen. I'll see you tomorrow or later rather since it's 2 am already." tumatawang sabi ko.
"I'll see you tomorrow." nakangiting sabi niya.
I watched him vanish from my sight before I went inside the house.
~
Ang sakit ng ulo ko pagkagising ko kinabukasan dahil 6 am ako nagising para maghanda na for our upcoming charity. Damn this, hindi na talaga ako magpupuyat.
Pumasok ako sa banyo kahit antok na antok pa rin ako. Naligo lang ako saglit at pumasok sa walk in closet. I looked at myself in the big wall mirror. I am wearing a white off shoulder long sleeve polo partnered with beige checkered pleated skirt.
I wore a white ankle length sock before putting my Nike Air Force. I went to my vanity table and put some nude lip tint. I put some small butterfly clips to my overgrown bangs. I checked my phone to see if they have messaged me, and I was right they are already on their way here.
Bumaba na ako dahil papunta na daw sila. Si Nanay Esther lang ang naabutan ko sa baba na busy sa paggawa ng breakfast.
"Good morning, Nanay. Aalis po ako today." nakangiting bati ko sa kaniya.
"Good morning, iha. Saan ang punta mo? Kay ganda mo ngayon ah." nakangiting sabi ni Nanay.
"Another charity event Nanay pero sa malapit lang po. Uuwi rin po kami ng hapon." sagot ko.
"Osiya mag iingat kayo ha." sabi ni Nanay. Lumapit naman ako sa cabinet para kumuha ng energy bar. Ito na lang ang kakainin ko for breakfast.
Saktong paglabas ko ay ang pagdating rin ng mini van. Sumalubong sa akin ang mukha ni Kaius nang buksan niya ang pinto.
Happiness was plastered all over his face. "Good morning, magandang binibini." nakangiting bati niya sa akin.
"Good morning everyone!" masayang bati ko sa kanilang lahat. Binati rin nila ako at pumasok na ako sa loob, si Kaius ang katabi ko.
"Nagbreakfast na kayo?" tanong ni Ashley. Lahat naman kami ay umiling.
"Ako rin hindi." tumatawang sabi niya.
"May time ba tayo dumaan?" tanong ko. Umiling naman si Ashley.
"Daan na lang tayo sa convenience store. Magsipili na lang kayo ng gusto niyo for breakfast." sabi ko.
Ganoon nga ang ginawa namin. We stopped by at the nearest convenience store na nadaanan namin. Nagkanya kanya kaming aisle, pumunta ako sa sandwich stand at kumuha ng club sandwich. Sila Cesha at Ashley naman pre heated breakfast meal ang binili nila atsaka canned coffee. Dumiretso naman ako sa drinks at kumuha ng Chuckie.
Tiningnan ko si Kaius na nagtitingin ng energy bar. Naalala kong wala na pala siyang budget kaya kumuha rin ako ng canned coffee at isa pang club sandwich. Nang makuha namin ang gusto namin ay dumiretso kami sa counter, magbabayad sana sila nang pigilan ko ang mga ito.
"Marami pang natitira sa donation ni Daddy." sabi ko sa kanila para hindi na sila umangal. Kinuha namin ang kaniya kaniya naming paper bag bago bumalik sa sasakyan. I leaned closer to Kaius at binigay sa kanya ang sandwich at coffee.
"Aice huwa-" umiling lang ako pinilit itong ibinigay sa kaniya. We enjoyed our simple breakfast hanggang sa makarating kami sa destination namin.
I was shocked when I saw what is state of the school. Natupok ang kalahati ng building at halos bumigay na ang pundasyon nito. Isa isa naming binaba ang mga box of school supplies.
Sinalubong kami ng faculty at inutusan nila ang mga estudyante na maglabas ng dalawang mahabang lamesa at anim na upuan. Inutusan ni Ashley na tulungan nila Vince ang mga ito sa pagbuhat.
Nang maiset up ang lamesa ay inayos namin nila Ashley at Cesha ang mga school supplies dito. It was a public highschool, they were really struggling because of this incident.
Pinapili ng mga teachers at estudyante sa anim na linya. I was happy while I hand out the school supplies kit. They were very happy and very thankful whenever I hand it to them.
Tiningnan kung ang mga nakapila kay Kaius. Walang tigil sa paghagikhik ang mga babae habang tinitingnan niya siya. Natawa na lang ako, pogi nga naman.
Nang ang mga boys na ang nasa harapan ay nagtutulakan ang mga ito.
"Bilisan mo na pre." sabi ng isa.
"A-ah hello po. Baka pong pwede makuha ang pangalan niyo?" sabi ng medyo matangkad na lalaki, a grade 10.student maybe.
"Hi I'm Kadence. How about you?" tanong ko.
"Carlo po. Baka pwede pong kunin ang number niyo?" I was caught off guard by his question.
"I'm way older than you." nakangiting sabi ko.
"Okay lang po-" he was cut off by Kaius.
"Excuse me you're holding the line. Next please." sabi ni Kaius at nahihiya namang umalis ang binata.
I looked at Kaius and I squinted my eyes at him.
"Are you jealous?" mahinang sabi ko.
"What if I am?" that caught me off guard. "It should be illegal to look this gorgeous." nakangising sabi niya bago bumalik sa pwesto.
Pinagpatuloy ko lang ang pagabot ng mga kit sa mga estudyante at nang maubusan ay kumuha ako ulit sa mini van. Pagbalik ko sa mesa ay sumakit ang ulo ko kaya bahagya akong natumba, buti na lang nakakapit ako sa mesa.
Sabay na lumapit sa akin si Kaius at Jansen pero si Jansen ang unang umalo sa akin.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Jansen. "You shouldn't have come in the house in the middle at the night." I looked at Kaius and his face turned serious at what he heard.
"Okay lang, Jansen. Napuyat lang ako." nakangiting sabi ko. Inabutan naman niya ako ng tubig at inalalayan sa pagupo. Si Kaius naman ay pinanood lang kaming dalawa habang seryoso ang mukha.
"Okay lang Jansen. Tapusin na lang natin 'to para makapagpahinga na tayo." sabi ko. Bumalik kami sa paghand out ng mga kit hanggang sa maubos ito. Bandang 1pm na nang matapos kami. Binigyan kami ng meryenda doon pero hindi kami nakapaglunch.
"Gutom na gutom na ako. Nagwawala na mga alaga ko." sabi ni Vince.
"Teka hahanap akong resto online." sabi ko habang nakasalampak sa upuan dahil ang sakit pa rin ng ulo ko.
"Okay ka lang ba?" sabi ni Kaius.
"I'm fine, Kai." sabi ko habang nakangiti. Ang tahimik namin buong byahe dahil pare parehas na kaming mga gutom. Bumaba kami sa sinabi kong location- a seafood restaurant.
Gusto nanaman sana nilang umangal dahil namahahalan sila sa prize pero gutom na sila kaya wala na ring magawa. I ordered a two premium bucket of seafood together with a pitcher of blue lemonade.
Nang dumating ang order namin ay nilantakan agad ito ni Vince. Their dip was to die for, kahit masakit ang ulo ko ay naenjoy ko pa rin ang pagkain. Naunang natapos si Kaius kaya akmang tatayo ito nang pigilan ko siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"May bibilihin lang." sagot niya. Tinanggal ko ang gloves ko at nagpaalam sa mga kasama namin na susundan ko lang siya.
"Guys wait lang. I'll follow Kaius." paalam ko sa kanila bago patakbong lumabas ng resto.
Nang makita ko siyang tumawid ay sumunod ako, he went inside a pharmacy. Hindi na ako nagabalang pumasok pa at hinintay ko na lang siya lumabas.
Nagulat siya nang makita ako pero nakabawi rin agad at inabot sa akin ang gamot at water bottle.
"Inumin mo na para mawala ang sakit ng ulo mo." sabi niya.
"Thank you, Kaikai." nakangiting sabi ko. Hindi ito sumagot at naglakad nanaman palayo. Hinabol ko naman siya at hinawakan siya sa braso para tumigil siya sa paglalakad.
"Kai what's wrong? Are you mad?" tanong ko.
"I am not." madiing sabi niya.
"Then why are you being like this?" sabi ko.
"Like what?" tanong niya pabalik.
"Cold?" sagot ko.
"Why don't you ask yourself." he said with his baritone voice.
"Spill it. It's driving me crazy, you're suddenly getting cold towards me." nagsisimula nang mainis na sabi ko.
"Can't you see? I am f*****g jealous." sabi niya. My facial expression softened and I was dumbfounded.
"With who?" nagtatakang tanong ko.
"To Jansen. Bakit ka nagpunta sa bahay nila?" he asked then his jaw clenched.
"I was worried about him because of what I found out about his family. There's nothing wrong with that Kaius, he's my friend too." sabi ko.
"Well I don't see it that way when I can clearly see the way how he looks at you." sabi niya while his brows are furrowed.
"What way?" nakakunot ang noo na tanong ko.
"I can see the way he look at you the same way how I look at you, the look that is full of love and admiration whenever I see your smile."