Chapter 27 Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, tanging puting kisame ang bumungad saakin. Hinawakan ko ang aking ulo. Umupo ako ng dahan dahan at inilibot ang aking tingin sa kabuuan ng kwarto. Teka yung nangyari, buti na lang panaginip lang. Napangiti naman ako sa naisip ko. Nakakatakot talaga yung panaginip na yun mukha pa ngang totoo eh. Nagconfess daw ako kay Garren? Nababaliw na ata ako gugunaw muna ang mundo bago mangyari 'yon. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagpihit ng seradura ng pintuan. Nasa clinic nga pala ako pero hindi ko matandaan kung anong nangyari wala akong masyadong maalala na may aksidente o kung ano pa man. "Uy best friend buti naman at nagising ka na." Bungad ng kaibigan ko. "Huwag ka ngang ano hindi naman ako na-coma or whatsoever, teka nga ano nga palang

