ASHLEEN POV ‘’Maupo kana at kakain tayo Ani nito na patuloy parin sa pag kukwento. 'Ano sa tingin mo ashleen nag kataon lang kaya O baka binabantayan ka nila na makitang pumasok dito. Alam mo! feeling ko alam na nila na dito ang mommy mo. Napa kuyom ako ng aking kamao sa isiping binabantayan nga nila ako, Hindi ako nag kamali ng hinala. 'Sa tingin mo ash ano ang mapapala nila sa mommy mo kung nakita man nila ito?, hind sa nangingialam ako ah! Ikaw narin may sabi, na dahil sa kanila kung bakit humantong sa ganito si ma'am camia dahil sa ginawa nila, Hindi ba dapat masaya sila at hindi na nila alam pa kung nasaan ito. 'A-anong ibig mong sabihin? kunot noo kung tanong sa tinuran nito na para bang may ipinapahiwatig na hindi niya alam. 'Hindi kaba napapaisip kung ano ang intensyon nila

