Nakipag usap sila ni Nick sa isang event coordinator na kaibigan ni Kim. Sinamahan sila ng dalaga naiinip na rin daw kasi ito. Nagkatinginan lang sila ni Nick. Ang event coordinator at isa sa mga kakilala ni Kim at katrabaho. Ang kaarawan ng ina ng magkapatid at engagement party ay pag sasabayin na lang. Halos lahat ng mga kaibigin nila ni Nick ay invited ng binata kasama na ang mga malalapit na kaibigan at co worker ni Kim. Nahihiya tuloy siya sa mga ito dahil hindi naman para sa kanya ang engagement party na yon. Marami ngang bumabati sa kanya at tumatawag nagpaabot ng pagbati. Hindi maiwasang mapangiwi siya. Nagkayayaan ang mga ito na magpunta sa M&T boutique para mamili ng evening gown para sa party. Ang boutique na pag aari nila Micon at Tasha ay kumpleto sa lahat kaya nga m

