Kalog sa mga kaibigan si Marianel.Mapang alaska at maharot pero ibang usapan na pag dating sa kalalakihan,may pagsuplada ito at choosy,pili lang ang kinakausap at kinakaibigan nito.
Madalas rin siyang isama ni Kim sa bahay nito kung wala rin lang siyang pasok sa boutique.
Ni minsan hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata na kapatid ng dalaga.
Gwapo pa naman ang kuya ni Kim.At ang katawan sobrang yummy at masarap pagnasahan.
Tutulo ang kanyang laway kung di nya pipigilan.
Papasang modelo ang binata kaya lang mas gugustuhin naman nitong sa negosyo nito ilaan ang oras.
"Hey!nakikinig ka ba? Kanina pa ko daldal ng daldal dito,hindi ka naman pala nakikinig.ani Kim at sinundan ang kaninang tinitingnan nya.
Nanlaki ang mata nito sabay ngiti.
Si Nick at ang pinsang si Storm na kasalukuyung nasa pool ang dalawa.
Parehong naka trunks lang habang nagkukwentuhan.
"Ikaw girl ha!sino ba tinutunaw mo ng tingin dyan?
"Ang kuya Nick o si kuya Storm?" na pinsan nito.
"ha?wala ah!May naisip lang ako"palusot ng dalaga.
Sino ba naman ang hindi matutulala sa nakikita.Tanaw na tanaw nila ang pool kung saan naliligo ang magpinsan.Pumapatak sa hubad na katawan ng mga ito ay tubig pababa sa abs ng dalawa ng umahon sa pool.
Halos walang itulak kabigin sa mag pinsan.Parehong katakam na takam ang mga katawan.Malamang sa malamang na maraming babaeng naghahabol sa dalawa o kahit mga bakla at matrona pupusta siyang pinagnanasahan ang magpinsan.
"Gaga isa ka rin sa mga nagnanasa sa binata lalo na kay Nick."anang isip niya.Pinilig niya ang ulo para mawala ang agiw sa utak niya.
Pinigilan niya ang sariling humanga sa kapatid ni Kim dahil ayaw niyang matulad sa ina.Ayaw sumugal para masaktan lang.Hindi naman sa sinasabi niyang pare-pareho lang ang mga lalaki may ibang matino pa rin naman nanadoon pa rin kasi ang kaniyang pag alinlangan.
Habang nagmemeryenda sa tabi ng pool sina Storm at Nick nagkukwentuhan sila sa mga bagay bagay.
Matagal din nawala ang pinsan.Isa kasi itong agent ng elite warriors.
Kailan lang naman nagpakasal ito sa simbahan.
"Kailan naman ang plano mong lumagay sa tahimik Nick?Tanong ni Storm.
"Wala pa sa plano ko yan."
"At kailan pa? your old enough to make your own family."anito sa pinsan.
Nadistrack sila sa tili ng kanyang kapatid.
Napailing na lang."Mga babae nga naman"
Itinuloy na nila ang pagsu swimming.
Panay naman ang sulyap ni Nick sa kinaruroonan ng magkaibigan.
"You know what, I think there's something with that girl."pansin ni Storm.
"What do you mean?" Nick asked.
"Base on my observation lang naman,She looks not comfortable when it comes to man.
"Parang ilang siya or parang iwas pagdating sa mga lalaki."
"Yeah!may pagka suplada rin, pero kung pansin mo pag mga babae ang mga kasama masayahin naman.
"Wala ako masyado alam sa kanya."ani Nick.
"Paano naman kayo magkakapalagayan ng loob kung ikaw mismo snob pagdating sa kanya."tukso ni Storm.
"Im not snob...Pati ikaw ba naman napapansin mo yang bagay na yan."
"Seriously nalaman ko kay Kim na may pagka man hater daw yang si Marianel but not totaly man hater ha.
Napakunot noo naman si Nick.
"Nalaman ko na nagmahal na pala siya pero niluko lang nung guy.Pati parents nya hindi rin maganda ang naging pagsasama kaya ayon laging iniiwan or niluko lang ata at ipinagpalit sa iba."kwento ni Storm sa kaharap.
"Tsismoso ka rin pala!!ngayon ko lang nalaman."biro ni Nick sa pinsan.
"Tinutulungan lang kita para may idea ka kesa pasulyap- sulyap ka lang dyan."tukso ni Storm sa pinsan.
"Ulol! Sinong may sabi na Im interested with her?
"Ewan ko sayo!!pustahan tayo mawawala pagka man hater nyan kung liligawan mo."hamon ni Storm.
"Luko to ah...naalog na ata ulo mo sa kasong hinahawakan niyo kung anong pumapasok dyan sa utak mo tssk..."ani Nick na dinampot ang towel at pinunas sa basang katawan.
Marami silang pinagusapan na magpinsan pati ang trabaho ng pinsan niya na nagaunder cover pag may mga mission sila ng elite warrior agent.
Ginabi na si Marianel sa bahay nina Kim.
Dahil nakauwi na ang driver nila inutusan ng ina si Nick na ihatid na ang dalaga.
Sinabi nyang magtataxi na lang siya pero hindi pumayag ang ginang.
Wala namang nagawa si Nick kundi sundin ang ina.
Konsensiya naman niya kung may mangyari sa dalaga.
Hindi mapakali ang dalaga sa loob ng sasakyan.
Naiilang siya sa binata.Gusto nyang kiligin pero pinipigilan nya.Never siyang kinilig sa kahit sinong lalaki.At hindi siya dapat kiligin lalo na sa isang to.Langhap nya ang pabango nito na masarap amoyin.
Hinatid siya ng binata hanggang sa pintuan.
Nagpasalamat ang dalaga sa binata.
Hindi pa man siya nakakatalikod ng biglang lumipad ang kanyang mga damit.
Galit na galit ang kanyang ina.
"Mas mabuting lumayas ka na sa pamamahay ko.Nang mabawasan na ang problema ko". Tungayaw ng kanyang ina.
Umiiyak ang kanyang mga kapatid.
"Pumasok kayo kung ayaw niyong pati kayo eh paalisin ko."sigaw ng ina.
"Ate?!"
Tumango na lang siya sa mga kapatid.
"Sige na sundin nyo na lang si nanay para di kayo madamay.Pagtataboy niya sa mga kapatid papasok sa loob ng bahay.
Ilang beses na silang nag away ng kanyang ina.
Hindi na nya maiintindihan ang ugali nito.
Sa kanya nito isinisisi ang paghihiwalay nito ng asawa.Ang pag alis ni Tito Greg.
Nagtitimpi lang siya ng galit dahil may paggalang pa naman siya dito.
Pero ngayong ipagtabuyan na siya nito, hindi na nya kailangan magmakaawaAlam niya sa sarili niyang walang siyang masamang ginagawa.
Concern lang naman siya dito para makialam.
Nagulat din naman si Nick sa nasaksihan.
Tinulungan nya ang dalagang pulutin ang mga damit nito.
"Hey are you ok?"
Hindi na napigil ang emosyong napaiyak ang dalaga.
Kinuha ni Nick ang mga gamit nito,inakbayang niyaya sa loob ng kotse nito.
Hindi matiis ni Nick ang pag iyak nito.
"Shh...its ok..dont cry babe."niyakap ang dalaga.
Hinayaan nyang ilabas nito ang sama ng loob.
"Paano saan ka pupunta ngayon?"concern na tanong nito.
Matagal bago sumagot ang dalaga.
Saan nga ba siya makikituloy?
Hindi nya magawang magpunta kina Verna may problema ito at si Sandro,nahihiya naman siyang dumagdag sa problema ng kaibigan.Nahihiya rin naman siyang magpunta sa bahay nila Micon dahil hating gabi na.
"Maghahanap na lang siguro ako ng apartment ngayong gabi."
"What?gabing gabi na.Its eleven pm para makakita ka pa ng apartment ng ganitong oras."anang binata.
"Pero wala akong alam na mapupuntahan".sumisinghot na sagot nya.
Naawa ang binata dito.
"Are you ok?tanong nito sa dalaga.
Hindi naman siya makasagot dito.
Inistart nito ang sasakyan.
"Lets go home dun ka muna sa bahay.Im sure welcome ka naman lalo na kina mommy at Kim.
"Pero nakakahiya naman sa inyo."
"Nakakahiya?Anong gusto mo sa kalye magpalipas ng gabi?Paano kung marape ka?di konsensiya ko pa."angil nito sa dalaga.