Hindi ko akalain na makikilala siya ni Karina. Ibig sabihin, totoo ngang talaga ang kaniyang kapangyarihang makapagbasa ng isip ng tao. Pero ang ipinagtataka ko, paano nakapasok sa aming paaralan si Juancho? Wala itong pera at hindi naman namin itinuro kung saan ang lokasyon ng aming paaralan dahil may kalayuan ito sa aming dorm. Napakunot ang aking noo. Hindi siya nakagalaw sa kaniyang pwesto. Nakatingin lamang siya sa akin habang maraming kababaihan ang nagtitilian para sa kaniya. Habang nakatayo ito at nakatingin sa akin, may ilang kumukuha ng litrato sa kaniya. Ganoon na ba siya kagwapo para pagtilian ng mga babae? Hindi na ako nakapagtiis at agad na akong naglakad patungo sa kaniya. Agad namang sumunod sa aking likuran si Karina, nagmamadali at halos mahulog na ang dalang pagkain

