Nang magkasalubong ang tingin nina Gob. Sebastian at Donya Luciana, nasumpungan ko ang pag- awang ng labi ni Donya. Luciana. Si Gob. Sebastian naman ay itinulak si Gng. Victorina palayo sa kaniyang harap at saka umalis. Ang tanging naiwan lamang ay ako, si Maria at si Gng. Victorina. Sumunod ang mga tingin ni Donya Luciana sa piraso ng mga nabasag na paso na nakakalat ngayon sa sahig. Umigting ang kaniyang panga at nagsalubong ang nakataas na kilay. Ang kasama niyang kasambaya ay nayuko lamang sa kaniyang likuran habang dala ang kaniyang gamit. Malakas ang pagkalabog ng aking dibdib sa marahang paglakad ni Donya Luciana sa amin. Batid kong puno ng galit at poot ang kaniyang mata, ngunit sa paglakad, nangingibabaw ang pagiging sopistikada at kahinhinan. Buong dahan itong naglakad palapit

