Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto sapagkat nakita kong mahigpit na nakayapos sa akin si Enrique. Nakakulong ang kaniyang mukha sa aking tiyan. Wala akong ibang naramdaman kundi ang pagkagulat, dahil sanay naman na akong niyayakap ako ng lalaking ito. Si Enrique lang yata ang lalaking sanay ako magpayakap at hindi naiilang, ngunit ngayon may kakaiba na akong naramdaman. Hindi ko mawari kung ano ito kaya hindi na lamang ito pinagtuunan ng pansin at hinayaan na lamang. Hindi ko ginambala si Enrique mula sa pagkakayakap niya sa akin, bagkus hinawi ko pa ang kaniyang buhok sa ulunan. Wala akong alam kung bakit bigla itong yumakap sa akin, siguro ay may problema ito... Ilang sandali lamang ay bumangon na siya mula sa pagkakayakap niya sa akin, at iniharap ang kaniyang mukha malapit sa akin.

