Matagumpay kaming nakarating sa may Baliuag. Hindi man lang nagtagal at muli ko na namang nasilayan ang yumi ng probinsyang aking kinalakhan. Pagkababa na pagkababa ng bus, wala na kaming pinalampas ni isang segundo. Agad kaming tumakbo patungo sa kakahuyan. Hinawakan kong mabuti ang eternomaravillas upang hindi ko ito masira o mawasak sa daan. Ingat na ingat ako sa pagkakahawak ng instrumentong ito na tila ito ay isang magara at mamahaling bagay. Nakabuntot sa akin sina Juancho at Enrique, pagod na pagod sa aming pagtakbo. Wala kaming magawa kundi ang gawin ito dahil kapag naunahan kami ng pagkakataon, tuluyan nang mabubura si Juancho sa kasaysayan. Unti- unti siyang maglalaho rito sa kasalakuyan dahil hindi ito ang panahon kung saan dapat siya namumuhay. Madilim na nang makarating ka

